Chapter TWENTY-FIVE

873 52 11
                                    

"One of the hardest decisions you'll ever face in your life is choosing whether to walk away or try harder."

********

Brianna's (POV)

Kinabukasan ay napagpasyahan kong pumunta ng mas maaaga sa meeting place namin ni Dani.

Baon ang lungkot at pangungulila ay tumambay ako sa tahimik na bahagi na iyon habang iniisip pa din si Rush.

Samu't saring emosyon ang aking nararamdaman pero nangingibabaw duon ay ang pananabik na muli itong masilayan at makasama.

Sana nga lang ay bukas pa ang pag-iisip nito para ipagpatuloy ang namumuong kaganapan sa aming dalawa, dahil kung sakaling hindi na ay siguradong masasaktan ako ng sobra.

For the record ay ngayon lang ako naging ganito ka-eager na plantsahin ang anumang gusot sa pagitan ng isang taong naging malapit sa akin. Even Blue na naging girlfriend ko ay hindi ko nabigyan ng ganitong effort lalo na ang pagbaba sa sariling pride. Mas madalas na siya ang gumagawa ng paraan para ako ay amuin and not the other way around.

I sighed at napayuko while silently praying na sana ay mapatawad ako ng namayapa kong kasintahan dahil sa kusa kong pagsukol sa sarili at pag-amin na hindi na lamang basta biro ang nararamdaman ko para kay Rush. Pakiramdam ko ay hindi naman siguro maituturing na kasalanan iyon lalo pa at matagal na siyang namayapa.

It's time for you to be happy.

Bulong ng aking isang bahagi.

Pero paano na lamang kung tuluyan ng naka-move on si Rush?

Pagkontra naman ng kabilang panig.

Napatigil ako at napaisip kapagdaka'y pilit iwinaksi ang agam-agam.

Kahit gaano man kaliit ang chance ay panghahawakan ko pa rin iyon, kagaya ng hindi ko pagbitiw sa pangako ni Rush kung gaano niya ako kamahal.

I close my eyes for a while stabilizing my emotion and letting it aligned on my belief that Rush cannot unloved me.

Hindi ngayon. Hindi kailanman.

Alam ko nagkamali ako ng ipagtabuyan siya palayo pero alam ko din na hindi niya ako basta-basta kakalimutang mahalin.

And that's what my heart is keep on telling me.

Oo. Tama.

Mahal ako ni Rush.

Mahal pa din ako ni Rush.

Hindi man siguro magkapantay ang nararamdaman namin sa ngayon pero alam ko sa sarili kong mahal ko na rin siya sa paraang alam ko. Sa paraang maski ako ay hindi kayang ipaliwanag kung gaano kalakas at kalalim ang emosyong aking dala-dala.

Weird it may seem but I never felt this way before and this strange feeling making me alive in the most unusual way.

The connection between us is too strong na sadya ko lamang pinaglalabanan simula't sapul pa. But now, I quit.

I'm done.

I'm done re-building the wall between us na sa tuwina ay manaka-nakang gumuguho sa tuwing ipinaparamdam ni Rush sa akin kung gaano ako kaimportante at kung gaano niya ako kamahal.

I am now willing to take the risk of letting myself to be loved and be in love.

Napapikit ako while trying to shrug the heavy feeling that constantly succumb inside me.

Sana ay mabigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon, Rush. Sana ay hayaan mo pang makabawi ako sa lahat ng mga maling aking ginawa.

Gathering all my thoughts, I release a deep sigh one more time at tuluyang iwinaksi ang anumang pangambang umaakmang sumungaw when suddenly I heard commotion at my back.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon