Chapter TWENTY TWO

1.1K 63 9
                                    


After a few weeks

Rush (P.O.V)

"hi Rush" bati ng isang pamilyar na tinig sa akin.

Lumingon ako then I saw Yuna walking towards me with full smile.

"what are you doing here?" nakangiti kong tanong secretly staring at her.

I'm amused by the way she carries herself and I can't deny it. Her fair complexion compliments her straight blonde hair and her eyes, her eyes na para bang palagi iyong nangungusap. I'm sure everyone who saw her beautiful face ay mapapaknit ang paningin dito. Idagdag mo pa ang magandang hubog ng katawan nito na halatang alaga sa pag-eehersisyo.

Now I know why Brianna got furious of me.

Who wouldn't? kung ganito kagandang babae ang naabutan nyang kahalikan ko.

I sighed at pasimpleng nagbawi ng tingin sa tinutunghayan.

Palihim akong napa-iling ng kagyat na dumungaw ang isang pamilyar na emosyon ng maalala ang babaeng minamahal.

Hindi ko itatanggi, I'm longing for Brianna's presence, but then at the same time ay pilit pinaglulubag ang kalooban dahil sa naging desisyon. Sana nga lang ay maging effective iyon kahit na nga bang alam ko sa sariling mahihirapan akong mag-adjust. But who knows, lahat naman ng bagay ay natututunan.

It's just a matter of time and acceptance.

Acceptance?

I sighed deeply.

Will I ever learn to put it in my system habang pinipilit kong kalimutan si Brianna?

"hoy Yuna!" pukaw ni Storm sa di kalayuan na nakapag-palingon sa akin. "napapadalas na ang pagdalaw mo dito ah" dugtong na kantyaw nito while avoiding Grim on reaching for her cellphone.

Kanina ko pa sila napapakinggan ng iringan but because I'm busy on my alone time ay hindi ko mahinuha kung anong kinukulit ng kaibigan ko kay Grim. Nagulat na nga lang ako ng bigla itong bumaba ng bleachers na syang kinaroroonan namin while handling Grim's Cellphone.

Nuon ko lang napansin na ang bagay na pinag-aagawan nila kanina pa ay cellphone pala.

"ang cute nilang dalawa" pagpansin ni Yuna ng ito ay maupo sa aking tabi.

I smile on her comment and shook my head involuntarily. "Isip bata kamo yang si Bagyo, walang ibang ibig asarin kung hindi si Grim"

She smiles on my comment and then sabay naming ibinaling ang atensyon kila Storm.

"if I were you, mag-ta-transfer na lang ako dito" pagpukaw sa aming ng isang maarteng tinig.

Sabay kaming napalingon ni Yuna sa taong hindi man lang namin napansing nakalapit.

"oh, hi there Paris" malambing na pagbati ng aking katabi tumayo pa ito at nakipagbeso sa aking kaibigan.

Paris then acknowledge her reaction and smile sweetly.

"kailan mo balak magpalipat dito?" tanong nito ng muling ungkatin ang kanyang unang sinabi.

Binato ko ito ng nagtatanong na tingin.

Anong nakain ng isang ito at niyaya si Yuna na mag-transfer sa eskuwelahan namin? Atsaka para saan? Para may nakakasakay na sa mga pinag-kukwento nya tungkol sa fashion industry na kinabibilangan ng pamilya nya?

Well, kung sabagay wala nga pala syang nakaka-jamming sa mga ganuong topic dahil walang kahilig-hilig ang mga kaibigan namin. Grim for example, she's contented on wearing simple dresses. Ade mas lalo na si Spin na walang kasense-sense sa pananamit. Kuntento na rin ito sa mala-old fashion na get up kahit na nga ba lantaran ang panglalait dito ni Paris.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon