Chapter TWELVE

928 45 1
                                    

Brianna (POV)

Natitigilan akong pinagmasdan si Rush habang pumapasok sa aming tent. Hindi ko maiwasan pero daglian kong naramdaman ang pamilyar na pagkabog ng aking dibdib ng mabistahan ko ang anyo nito.

Wala sa sariling naglakad ako sa isang tabi at naupo sa director chair nanduon at tumingin sa kawalan.

Pinakiramdaman ang sarili then close my eyes kasabay ng piping dalangin.

Wala naman sanang mangyaring hindi maganda.

The feeling is deja vu and i really dont want to entertain it because the last time I felt it ay iyong gabing naaksidente si Blue.

I want to shrugged the feeling pero hindi ko magawa lalo na ng tuksong bumalik sa akin ang nakaraan.

Flashback

"Love, are you happy with me?" pukaw ng girlfriend kong si Blue habang tinatahak namin ang parking lot na iyon patungo sa kanyang sasakyan,

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang katabi ng naka-kunot ang noo.

"why are you keep on asking me that?" pagsita ko dito didn't mind her question when she knows exactly what will be my answer.

"napapansin ko makailang beses mo ng naitanong iyan this past few days ha, is there something bothering you love?" dugtong ko.

She sighed, held my both hands and stare at me didn't say anything.

"Hey" tawag pansin ko dito.

Umiling ito at ngumiti ng alanganin atsaka ako niyakap ng mahigpit ng hindi pa din kumikibo.

I hug her tight " alam mong masaya ako parati kapag kasama kita, Blue. You're the only person who make me feel this way" anas ko then pull her away from me.

Pinakatitigan ko ito ng mapansin ang rumehistrong pag-aalala. 

I creased my eyebrow.

Kunot-noo kong hinaplos ang kanyang mukha "is there's something wrong?" nag-aalala kong tanong.

She shook's her head at muli akong ikinulong sa kanyang mga bisig.

"mahal na mahal kita Brianna and I can't afford to lose you . Hindi ko kaka---"

"at bakit mo naman naisip na mawawala ako sayo?" pagsita ko dito cutting her sentence matapos mailayo ang aking katawan sa kanya.

Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanyang mga mata umaasang may makikitang sagot sa mga iyon pero bukod sa takot at pag-aalala ay wala na akong mabasa pang iba.

Yumuko ito.

"Blue?" I held her chin, lifted it up at bumuntong-hininga. "whatever it is that your thinking should stop right now, okay? Mahal kita at walang makaka-pagpabago ng nararamdaman ko para sayo, naiintindihan mo?" pag-alo ko dito.

She stare at me intently at animo ini-aabsorb ang aking mga sinabi. 

"w-what if..... " bungad nito then nag-iwas ng tingin "w-what if i'm not the person you thought you knew?" makahulugang dugtong nito na nakapag-pagulo sa akin.

Ano bang sinasabi nito?

"What if, hindi ko magawa o maibigay lahat ng expectation mo sa relasyon natin? What if hindi ko magampanan ng maayos ang parte ko bilang girlfriend mo? Mamahalin mo pa rin ba ako? " muling tanong nito.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Where stories live. Discover now