Chapter TWENTY ONE

1K 56 12
                                    

A/N

I was suppose to post this yesterday pero medyo naging busy... sorry guys for keep you all waiting..

Here's the request POV of Brianna "pakipot" Buenaflor.... hehehe... :)

Enjoy reading...

Let me know your thoughts regarding this Chapter... feel free to leave your comments...

********

I act like i don't care but deep down i swear it kills me. 

********

Brianna's (POV)

"Sige na kasi Kuya, sino nga ang kasama nyo ni Rush na bumaba?" pangungulit ni Alice sa aming guide.

Napaismid ako. "Alice stop it "ubos ang pasensyang pagpigil ko dito.

Nakukulili na ang tenga ko sa pagtatanong nya kay Kuya Romeo. Buhat ng malaman nyang wala na si Rush at naunang bumaba ay hindi na nya nilubayan ang pangungulit dito.

Jusko ko naman! Isn't obvious na magkasama iyong dalawa na umalis?

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ayaw pang umamin ni Kuya Romeo. As if namang maniniwala kami na magkahiwalay bumaba iyong dalawa.

Tsss...Duh? Si Clay pa ba? Hindi iyon magkakaroon ng lakas ng loob na umalis dito basta basta unless kasama si Rush na bumaba.

"dali na kasi Kuya, sasabihin mo la---- "

"Alice ano ba?!" bulyaw ko dito. "wala kang mapapala sa pangungulit mo dahil kung gusto nyang sabihin ade sana ay kanina pa nya ginawa" I said angrily matapos titigan ng masama ang kausap nito.

Huminto silang pareho sa paglalakad matapos manahimik at tumitig sa akin.

Si Kuya Romeo na nagbibingi-bingihan ay kasalukuyan akong tinatapunan ng mapang-unawang tingin.

Pamaya-maya ay umiling ito at bumuntong-hininga. "p-pasensya na po kung hindi ko masagot ang tanong nyo, n-nangako ho kasi ako kay Ma'am Rush na hindi magsasalita ukol sa pagbaba nila este... n-nya" he stammer on his last sentence making him scratch the back of his head.

Sinasabi ko na nga at may alam ito eh.

Naningkit ang mga mata ko ng dagliang mainis.

"So magkasama nga sila nuong linta nya?" paninita ko staring at him intently.

Nag-iwas ito ng tingin at napalunok "o-opo"

I was expecting that answer but still I felt something that strikes my heart. Pakiramdam ko ay may pumiga duon kaya pansamantala akong nahirapang huminga habang inaatake ng hindi maipaliwanag na pagkirot.

Napaismid ako and smile sarcastically "there" baling ko sa kaibigan na nuon ay nakatunghay sa amin "that's the answer you keep on digging"

I hiss and furiously turn my back on them while trying to hide my painful reaction. 

I walk past on them.

Buwisit ka talaga Ruhsmoore! Ang kapal ng mukha mong ipagpalit ako sa hitad na babaeng iyon!!

Hindi ka pa nakuntento sa pagtataksil mo at binitbit pa talaga sya pababa ng---

Naku!! Naku talaga!

I keep on mumbling dahil sa inis na nararamdaman and I cannot control it. Hindi alintana ang mga damong ligaw na manaka-nakang humahampas sa akin ay nagpatuloy ako sa padaskol na paglalakad.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Where stories live. Discover now