Chapter TEN

994 48 4
                                    

Rush (POV)

I was feeling worried and agitated at the moment. Hindi ko malaman kung anong idadahilan ko kila Gap dahil sa lakad naming ito.

Actually nagdadalawang-isip akong sabihin sa kanila dahil baka maging mitsa iyon ng pagsusumbong ni Gap sa aking pamilya. At kapag nalaman nila Papa ang mga recent activities ko, sigurado akong mag-aalala ang mga iyon at baka mawalan ako ng personal na oras para sa sarili.

I am currently in Chord house kasama sila Bree. Dito nila napiling magpatay ng oras bago bumiyahe papuntang Zambales.

They decided na madaling araw tumulak papunta duon para anila ay maabutan ang sunrise sa bundok na aming papanikin.

"Rush, ayos ka lang?" puna ni Chord ng lapitan nya ako sa kanilang backyard.

For sure napansin nya na kanina pa ako hindi mapakali.

Eh bakit nga hindi kung ito ang first time kong papanik ng bundok.

Wala naman sanang kaso, actually nakaka-excite gumawa ng isang bagay na hindi mo pa naita-try pero kasi sa akin ay matagal ko ng tinanggap na hindi ako para sa ganitong lakad.

I'm boring I know, pero may sarili akong dahilan.

"nagwoworry ka ba sa trekking natin?" tanong ng katabi when I didn't react.

Tumingin ako dito at alanganing ngumiti.

If only you knew Chord. 

I sighed.

Paano nga naman nya malalaman eh wala ka naman pinagsasabihan kundi sa mga barkada mo lang.

Tinapik ni Chord ang aking balikat at ngumiti "you don't need to worry, pang beginner lang iyong pupuntahan natin"

"hindi ba n-nakakapagod?" tanong ko.

"syempre nakakapagod, pero sulit kapag nakita mo ang view sa itaas."

Napaisip ako.

Sana nga worth it ang pagsama kong ito.

Piping bulong ko.

I am pertaining to me and Bree, sana worth it itong mga pinaggagawa ko at magbunga ng maganda.

I know it will, dahil kahit naman papaano ay nararamdaman kong unti-unti na akong nagkakapuwang sa puso nya.

Paano mo nasabi? Dahil sa eskandalong paghalik na ginawa nya sayo sa gym?

Pagkontra ng isang panig ko.

Napigil ang pagbadya ng aking pagngiti. 

Naalala ko ang eksena kung saan lakas loob kong itinanong kay Bree ang tungkol sa paghalik nya sa akin.

"don't put meaning on what I did. Dahil para sa akin wala lang iyon. I just don't like people to provoke me"

Yeah, sure it is nothing for her. Dahil hindi naman nagbago ang pakitungo nito sa akin kagaya ng ini-expect ko.

I sighed deeply at napangiwi when I felt something.

No. please.. huwag muna ngayon. Piping bulong ko.

Pasimple akong tumalikod kay Chord na nuon ay may kausap na sa telepono.

I closed my eyes and gently massage my chest kasabay ng isang panalangin.

Nasa ganuon akong ayos ng pukawin ng masayang tinig ni Clay. "guys, the dinner is ready. Kain na tayo"

"hay, buti naman at kanina pa ko nagugutom " sagot ni Chord. "pre, tara kain" tapik nito sa akin.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang