Chapter TWENTY THREE

1.2K 57 15
                                    


"There is an immeasurable distance between late and too late"

- Og Mandino

********

After a few weeks

Brianna's (P.O.V)

Ilang araw at linggo na ang lumipas simula ng manatili akong balisa dahil sa dagliang pagkawala ni Rush. 

As in pagkawala na parang bula, ever since that intense event sa Zambales ay hindi na ito nagparamdam pa.

Ni ha at ni ho ay wala akong nakuha mula sa kanya even some of our friends.

I know this is not the first time na ginawa niya ang biglaang pag-dissapear. If I remember it correctly ay naging ganito din siya after nuong lumabas kami kasama sila Chord sa Paranaque. Pero kakaiba ito, dahil kung nuon ay araw lang ang lumipas bago ito nagpakita ngayon naman ay lumipas na ang ilang linggo pero ni tuktok ng ulo nito ay hindi ko masilayan.

Isang bagay na nakapag-pa apekto sa akin ng totoo.

I was in denial for a few days pero ngayon ay aaminin kong namimiss ko ito ng sobra. To the point na halos sisihin ko ang sarili dahil sa mga masasakit na salitang nabitawan ko during our argument. Alam ko hindi nya deserving iyon dahil sa magandang pakitungo niya sa akin. 

Tanga na nga siguro akong maituturing dahil ngayon ko lang na-aappreciate ang mga bagay ng ginawa niya para sa akin even the small things. Her gestures, all her kindness and immeasurable patience na tuwinang ipinapakita niya despite of my bitchy attitude is incomparable. Siya lang ang kaisa-isang tao na rumespeto sa pagiging maldita ko, na sa lahat ng pagiging sarkastiko at pambabara ko ay ngiting puno ng pang-intindi ang kanyang isinasagot. The only person whom I guess can sees the real me, the one who understand my pain and agony during the times na basag na basag ako dahil sa pagkawala ni Blue.

And It's killing me inside now while reality slapping me hard how stupid I am to treat her just like a toy na pwede kong paglaruan sungitan over small issues, a shock absorber ng aking mga walang ka-kwenta kwentang rants and a complete jerk when I treated her just like an ordinary person whom I presumed ay hindi ako kayang sukuan dahil sa malalim na pagmamahal nito sa akin.

But I was wrong dahil ngayon ay wala na ito at walang ibang ibig sisihin kundi ako.

If only I could bring back the time, siguro in that particular moment when she asks her to listen to her ay naglabas ako ng katiting na pang-unawa at pasensya. Hindi sana kami humantong sa ganito. 

Hindi niya sana ako sinukuan.

Hindi niya sana ako iniwanan.

i sighed deeply. 

Nasasaktan at nagsisisi na ako, Rush. Please come back to me.

"Bree, ano na naman bang ginagawa natin dito" himutok ng katabi kong si Alice. Kasalukuyan itong nakabuntot sa akin habang iniikot namin ang ilang classroom sa pagbabakasakaling mahanap ang taong sadya.

Si Rush.

"girl bakit ba hindi ka na lang mag-move on? Ilang beses mo bang kailangan madinig sa mga professor na nag-drop out na si Rush?" pagmamaktol nito ng hindi makakuha sa akin ng kahit na anong reaction.

Maaring sinabi ng Professor niya iyon but my instinct is trying to imply something. And it says na hindi totoo ang information na ibinibigay nila sa amin.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon