Chapter TWENTY SIX

713 60 15
                                    


Rush (POV)

Nagkukumahog akong lumabas sa gymnasium na iyon at tinalunton ang lugar kung saan ko natanawang nakatayo si Brianna pero nanghinayang ako ng makitang wala ni isa mang bakas niya ang nanduon.

I sighed and automatically roamed the area until I gasp.

Nanlaki ang mga mata ko when I saw her back with her friend Alice on the far end of the hall walking away.

Nabuhayan ako ng loob at kakakaripas na lamang ng pagtakbo patungo sa kanila when I bump into someone.

"I'm sorry, I did---"

"do you really think na kakausapin ka pa ni Brianna pagkatapos niyang masaksihan ang pakikipagharutan mo sa iba ? " pagsita ni Dani matapos humarang sa aking daraanan. It turned out na siya pala ang nabangga ko at sinadya niya iyon.

I suddenly crease my eyebrow sa tinuran nito.

"pinaasa mo iyong tao" she said accusing me.

"hindi ko siya pinaasa" salag ko in a low tone habang nagpipigil ng inis.

Ano bang pakialam nito sa amin ni Bree?

Akmang tatalikod na ako ng muli nitong iniharang ang sarili at nagsalita.

"at kaya naman pala ganuon kasi may kinakalantari ka ng iba?" muling akusa nito then smile sarcastically.

Umiling-iling ako at bumuntong-hininga.

"I'm sorry Dani, but I don't have time for this" supla ko kasabay ng marahang pagtabig sa kanya upang makadaan.

"grabe, all along I thought you're the most naïve among your friends but it turned out na... ikaw pala ang pinakaharot" she said mumbling on her last sentence obviously mocking me.

Napatigil ako ng hindi ko magustuhan ang sinabi nito.

Bahagyang nagtalo ang aking kalooban kung hahayaan o sasagutin ang akusa nito.

Patulan mo iyan at ikaw ang dehado.

Sawata ng isang bahagi ko.

I then decided to ignore her pero ng muli na akong lalayo ay hindi na naman napigilan ang bibig nito. "buti na lang talaga at isinama ko siya dito para makita niya kung paano ka makipaglandian sa iba"

I crease my eyebrow at pinakiramdaman kung dinaya lang ako ng aking pandinig but then I heard her click her tongue which cause me to abruptly turn around and face her.

I gawk at her "ikaw?"

Pagkumpirma ko still not believing na magagawa niya ang bagay na iyon.

Naging palaisipan sa akin kung papaanong natagpuan ako ni Brianna gayong ako na mismo ang gumawa ng paraan para hindi na muli pang mag-krus ang aming landas.

Pero heto ang isang taong walang pakundangang umamin na siya ang may kagagagawan ng lahat ng ito.

Ang nakatakdang gulo na maaaring dumagdag sa isipin ko ay walang ibang pwedeng sisihin kung hindi itong si Dani na wala na yatang hinangad kundi ang manggulo ng buhay ng may buhay.

What the hell is her problem??!

Binato ko ito ng masamang tingin ng dagliang mag-init ang ulo. But then she ignored it and smile sarcastically.

Taas noo nitong sinalubong ang aking paningin and manage to step closer " oo. Ako nga ang nagdala sa kanya dito para makita niya kung gaano ka kagago at----"

"siraulo ka!!!" I cut her off atsaka inundayan ng suntok na tumama sa kanyang panga.

She was shock at akmang babawi pero hindi ko ito hinayaan.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Where stories live. Discover now