Chapter ELEVEN

912 50 1
                                    

Brianna (POV)

"we're almost there guys! " hiyaw ni Chord.

Malayo-layo na rin ang aming nilakad at sa wakas ay makakarating na kami sa pupuntahan.

This feels good.

Bulong ko ng maramdaman ang malamig na hangin.

Kay tagal din na panahon ng huli akong naki-join sa ganitong lakaran . The last time we hike ay nuong kasama pa namin si Blue.

Kagaya ko ay hilig din nito ang pamumundok kaya nga pandalas ang mga hiking namin nuon.

"Rush, kaya pa?" tinig ni Clay ang pumukaw sa akin.

Hindi ko napansin na nagpatihuli ito sa paglalakad at ngayon nga ay kasabay ni Rush na syang nasa aking likuran.

I glance at them at nakita ko ngang nakatigil sila habang abot ang pagpunas ni Rush sa namamawis nyang mukha at animo hinihingal.

"hoy!" pukaw ni Alice "nasingitan ka na naman nuon oh!" motioning to Clay.

Umirap ako at tumalikod sa mga tinitignan "tssss.. hayaan mo na nga sila" pagsusungit ko kahit gustong gusto ko bumaba at sugurin iyong dalawa, particular kay Clay na obyus na nagpapapansin kay Rush.

"luh, di mo man lang ba aalalayan?" nag-aalalang tanong ni Alice. "mukhang pagod na si cutie-pie oh"

Umismid ako " ang weak eh, mag-kaiba talaga sila ni---- "

"sus! Ikukumpara mo na naman kay asul mo!" putol ng aking kausap.

"diyan ka na nga!" dugtong nito at tinalikuran ako didn't bother to wait for my reaction.

I sighed.

Masama bang maihalintulad ko sila eh totoo namang ang weak nya. Kung anong sigla ni Blue ay sya namang kabaligtaran nitong si Rush.

Masama kasi wala na nga iyong tao. Pero hindi mo pa tigilan ang kaiisip sa kanya. And to make it worst iyang mabait na si Rush wala ka ng ginawa kundi hanapin ang ugali ni Asul sa kanya.

Nang lingunin ko si Alice ay dinaluhan nya na sila Rush.

I shook my head, move on at mas piniling katigan ang sumungaw na pride kahit sa kabila nuon ay gusto ko na silang daluhan at hatakin si Rush.

Nakahiyaan ko na lang gawin dahil sa naunang reaction ko kay Alice kanina.

I sighed.

Nagmadali akong lumakad at hinabol sila Chord upang dito makisabay.

We walked until we reached our destination.

Nauna kami kila Rush ng kaunting minuto dahil nga nagpahinga pa ang mga ito.

Sandaling pinagsawa namin ang pagtanaw sa magandang kapaligiran bago napagpasyahang ayusin ang aming mga kagamitan.

May mga mangilan ngilang hiker na ang nanduon at nakapagtayo ng tent when we decided to build our own.

At dahil kaming tatlo nila Alice at Rush ang magkakasama sa isang tent ay kami ring tatlo ang nagtulong-tulong para sa pagtatayo nuon.

Habang abala sa ginagawa ay panakaw kong tinitignan ang tahimik na si Rush.

Kumikibo naman ito ng panaka-naka pero kataka-takang hindi man lang ako kinakausap.

Nagreresponse naman sya sa akin pag tinatanong at may ipinakikisuyong abutin pero other than that ay wala na.

She seemed lonely pero ipinagsawalambahala ko na lamang iyon at nag concentrate sa ginagawa.

Tahimik naming ini-aasemble ang aming tent ng mahagip ng mga mata ko sila Chord at Clay na papunta sa aming gawi.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora