1

62 3 0
                                    

It's a hot afternoon, paakyat na ako para pumunta sa stock room to find some files that the other staffs need. I know that this is not part of my work, pero wala naman na akong magagawa dahil alam kong paraan nila to para guluhin ang buhay ko sa trabaho na ito.

I release a deep sigh, before going inside of the stock room at nang maisara ko na ang pinto ay bumungad naman sa akin ang napaka raming papel, nakakita pa nga ako ng panlinis na dapat ay hindi nakalagay dito.

"Wala ka naman ng magagawa, Lala." Sabi ko sa sarili ko at nagsimula ng maghanap ng mga papeles na pinapahanap nila.

Nagsimula akong maghanap ng maghanap, nakita ko ang ibang mga parte na kailangan at mayroon naman akong isang hindi mahanap.
Habang naghahanap ako ay may narinig akong kumatok, inayos ko muna ang paglalapag sa mga papel na hinanap ko.

Tumayo ako at binuksan ang pinto, tumambad sa akin si Year San Jose, siya lang ata ang nag-iisang tao na kumakausap sa akin ng maayos sa trabaho na ito.

Ngumiti ako bago siya tanungin. "Ms. San Jose, do you need anything?" Casual kong tanong sa kanya.

She smile at me too before answering. "Gusto mo bang tulungan na kita dyan?" She offered at me.

Inisip ko kung kaya ko bang hindi ako tulungan sa paghahanao ko dito, natandaan ko na may isa pala akong hindi mahanap na papeles kaya naman buong puso kong tinanggap ang alok niya.

Parehas kaming nasa loob ngayon ng stock room at naghahanap, halos limang minuto na naming hinahanap ang papel na iyon pero hindi pa rin namin mahanap kaya naman nag presenta na siyang maglinis at baka nahalo lang.

"P-pasensya ka na ah, napagod ka pa tuloy." Mahina kong sabi sa kanya dahil kita ko ang pawis na galing sa pisngi niya at tumutulo papunta sa leeg niya.

Tumingin siya sa akin at nakangiting umiling. "Wala yon, hindi to sakop ng trabaho mo kaya dapat may tumutulong sayo."

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Wala pang nagsasabi sa akin niyan bukod kay Toff, si Toff ang boyfriend ko at siya lang ang nag-iisang doctor sa pamilya nila.
Ipinagpatuloy nalang namin ang ginagawa namin at nagulat ako ng bigla siyang matinis na sumigaw.

"Ayos ka lang ba? May nangyari ba sayo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Masaya naman siyang pumunta sa akin habang hawak ang isang papel. "Nakita ko na, eto yung pinapahanap sayo ni Veroi, hindi ba?"

Binasa ko ang nakita niyang papel at nagulat ako na ito nga yon, pero nakakapagtaka na kailangan niya pa ito habang wala naman na itong kwenta dahil matagal ng files ito.
Hinayaan ko nalang at nilagay ito sa pinaka itaas para makita agad ni Veroi ang pinapahanap niya.


"Hay nako, halatang pinahihirapan ka niya. Biruin mo ba namang ipahanap sayo yan eh ang tagal na nung report." Sabi ni Year habang naglalakad kami sa hagdan pababa sa marketing department.


Tumango nalang ako sa kanya dahil sa napaka rami kong bitbit na papel, she wants to help me but I insist, tinulungan na niya ako kanina kaya nakakahiyang tutulong pa siya.
Pagkapasok namin sa department ay ni walang nakapansin sa pagpasok namin, dahil lahat ay may kanya kanyang ginagawa, bawat team ay busy para sa daily reporting na ginagawa at pinapasa nila.



Humarap ako kay Year. "Sige na, pumunta ka na sa team mo. Baka mamaya hinahanap ka na." Sabi ko sa kanya dahil hindi kami parehas ng team.

Mabait ang mga tao sa team nila at sa team ko naman halos isumpa nila ako. Ang paraan ng pagtingin sa akin ng mga tao doon ay nakakatakot at nakakainis, hindi ako santo para hindi mainis sa kanila, pero ni minsan ay hindi ko sila naisip na patulan.

Embracing the SeaWhere stories live. Discover now