12

16 1 0
                                    

Minulat ko ang mata ko at kakaibang saya ang nararamdaman ko, naramdaman ko rin na iba na ang katabi ko sa kama, si Glaish, tulog pa rin siya at hindi man lang nagising ng makatayo na ako.

Naisip ko na maagang pumasok si Toff kaya naman tumayo ako at nakita ko ang sticky note sa lamp shade na nakapatong sa side table ng kama ko.

Isang matamis na ngiti ang umarko sa labi ko habang kinukuha ko ang papel.

To my one and only baby,
     I got up early, pinatawag ako sa hospital and they say it's emergency. Gusto ko sanang mag file ng day off but you know I'm fragile when it comes to work. So, eat the breakfast that I prepared, just re-heat it. Gonna' cuddle with ya' later.

                                                       Love,
                                     Pinaka gwapo mong boyfie♡

Naiiling ako dahil sa huli niyang sinulat, that man is really full of confidence kapag ako ang kasama niya. Well, it can't be called confidence maybe the right term for that is boastfulness.

Toff is a friendly type of guy, pero saka mo makikita ang totoo niyang ugali kapag ilang buwan na kayong mag kasama.

Hinayaan ko nalang ang isip ko sa mga natatandaan at tinuon ko ang pansin kay Glaish na tulog parin hanggang ngayon, mukhang nasarapan sa pagtulog sa kama namin ang asong ito.

Nilapitan ko ito at malambing na hinaplos ang katawan nito, nakita ko namang unti unting gumagalaw ang buntot nito at nagulat ako ng tumayo ito na parang hindi naman siya galing sa tulog.

"Kakain na po tayo, boss." Pagkausap ko sa kanya. Tanging kahol lang ang sinagot niya sakin bago tumalon pababa sa kama ko.

Naglakad na ako papunta sa kusina at nakita ko si Glaish na mukhang hinihintay ako, nakaupo ito katabi ng kainan niya.

Simple nalang akong napa iling. Hindi man lang ako nilalambing, inuna muna talaga ang pagkain.

Lumapit ako at nilagyan ng pagkain ang kainan ni Glaish bago ako tumayo at tinignan din kung nasaan ang pagkaing hinanda ni Toff para sakin.

Binuksan ko ang kaldero at nakita ko don na may sabaw, I think he cooked this one. Nag sandok ako nito at naglagay din ng kanin sa pinggan ko.

I still see Glaish eating and devouring his food, while I turn to mine and started eating. I also drink the coffee I made.

Ang saya ng umaga ko dahil si Toff ang nag handa at nagluto ng almusal ko, naiba na rin ang araw ko dahil may kasama na ako sa bahay.

Hindi na ako nag-iisa ngayon, hindi na katulad noon.


Natapos akong kumain at dumiretso na ako sa banyo upang maligo, hindi ko na din kasi kailangang ihanda ang susuotin ko dahil inayos na ni Toff ang lahat.

Sobrang swerte ko talaga dahil nagkaroon ako ng nobyong katulad niya.

Natapos akong maligo at nagsusuot na ako ng damit ng biglang pumasok si Glaish na nakapag pabilis ng tibok ng puso ko.

Napabuntong hininga tuloy ako dahil sa nangyari.

"Ikaw talagang aso ka, bigla bigla kang pumapasok." Hindi naman ito sumagot at tinignan lang ako habang nagbibihis.

Nagtatakha siguro ito.

Ngumiti ako sa kanya at lumapit. "Boss, mag tratrabaho ako. Kapag hindi ako nag trabaho sige ka mawawalan ka ng pagkain." Sabi ko at nakarinig ako ng ungol mula sa kanya.

Halata ang lungkot sa tono nito ng marinig niya ang katagang 'mawawalan ka ng pagkain'.

Pabiro ko siyang hinawakan sa ulo. "Ikaw talaga basta pagkain ang usapan." Sabi ko at nag ayos na ng sarili.

Embracing the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon