13

12 3 0
                                    

A/N: sorry for the grammatical errors.

Nakarating ako sa bahay at pinuntahan ko muna si Glaish sa pinag iwanan ko sa kanya.

"Good morning po, ma'am. Do you need anything?" Pagtatanong sakin ng babae na nasa front desk.

"Ah, kukunin ko na sana si Glaish." I said to her calmly at inabot ang papel para sa proof.

Nakangiti namang inabot iyon ng babae bago umalis at pumasok sa loob ng isang kwarto.

Bitbit niya na si Glaish na mukhang mabango dahil sa ayos nito.  Nakangiti ko namang kinuha sa kanya ito at nagpa salamat.

Habang tinatahak namin ang papunta sa unit ko ay naisipan kong kausapin si Glaish tungkol sa nangyari sa araw ko.

Hinaplos ko muna ang malambot niyang buhok bago magsalita. "Boss, alam mo ba pagod na pagod ako ngayon araw, kase ako yung nautusan na magturo don sa bagong intern." Saad ko at hindi sinasabi ang pangalan ni Amina.

"Ewan ko ba, wala naman akong ginagawa pero bigla niya kong pinag taasan ng boses. Sinabihan niya rin ako ng kung ano ano pero sanay ako don, boss." Pagkwekwento ko.

"Masakit. Pero sanay naman na ako, sa araw araw na ginawa ng diyos ay puno ng masasakit na alaala ang nangyayari kaya ayos lang ako, boss. Kakayanin ko kase para to sa pamilya natin, para sayo, at para kay Toff para sa daddy mo, boss." Sabi ko at hindi ko alam pero parang nawala ang nakadagan na bato sa puso ko ng masabi ko ang mga iyon.

Siguro ay dahil na din sa dami kong dinadala ay may napag sabihan ako ... Kahit aso.



Nakangiti ako habang naglalakad at buhat buhat siya, hinahalik halikan ko rin siya pero napahinto ang paglalakad ko ng marinig ko si Toff na sumigaw.
Nasa may pintuan na kami ng marinig ko iyon, sumiksik rin sakin si Glaish, mukhang natakot.

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pintuan.

"Babe." Malambing kong pagtawag habang ang ulo ko ay nakausli.

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at binaba ang cellphone. Tumingin ito sakin at nakita ko naman ang pagod na mukha nito kaya tuluyan na akong pumasok sa loob.

Binaba ko si Glaish at tumatahol itong dumako kay Glaze, sinalubong rin naman niya ito.

Pagkasarado ko ng pinto ay hinalikan ko si Toff sa pisngi.

"Magbibihis lang muna ako, pagkatapos kumain na tayo. Pagod kana eh." Sabi ko at dahan dahan naman siyang tumango.

Pumasok ako sa kwarto, ibinaba ko ang bag ko at nagsimula ng maglinis at magbihis.



Pagkalabas ko ay nakita ko si Toff na mukhang pagod na nakikipag laro kay Glaish, mahina ko namang tinawag si Glaish para pumunta ito sa kusina.

"Kain na tayo, babe. Para makapag pahinga ka na din." Sabi ko sa kanya at tumingin naman siya sakin.

"Thank you. Love you." Sabi niya bago tumayo at sabay kaming pumunta sa kusina.

Naka upo na kaming dalawa ni Toff at katulad ng dati ay wala namang nabago, nasa tabi ko parin siya umupo. Si Glaish naman ay may sarili ng mundo at kumakain.

Tahimik lang ang kusina hanggang sa naisipan kong basagin ang katahimikang iyon.

"Babe, what happened? Narinig kitang sumigaw?" I ask him, he needs to let that out dahil baka ma stress pa siya.

He look at me while eating. "That's about work, napapagod lang ako kase nagkaroon ng problema sa trabaho. Out of frustration ko ayun, nssigaw ako." He said and after that he sigh.

Embracing the SeaWhere stories live. Discover now