3

18 3 0
                                    

Natapos ko ang paglilinis sa stock room ng Art Dept., tinignan ko ang relos ko pagkatapos kong ilagay sa lalagyan ang walis at dust pan.

Isang minuto nalang ay uwian na at dinig ko na rin ang mga yabag ng mga nagtratrabaho, siguro ang iba'y uuwi na. Lumabas na rin ako at bumaba sa Marketing Dept.

Nakarating ako sa pwesto ko at kita kong nag-aayos na ang iba para umuwi at ganon rin ako. Nakita ko ang pag-alis ni Year at mukhang hindi niya ako napansin kaya naman umalis nalang din ako.

Nakalabas ako ng kompanya at kita kong hindi pa naman madilim ang kalangitan, naisipan kong maglakad nalang pauwi para mas tumatag ang resistensya ko pagdating sa lakaran.

Sa wakas ay natapos din ang isang araw kong pagtratrabaho sa impyerno na iyon.

Nagsimula na akong mag lakad at napaka boring pala kapag walang music, kaya naman sinuot ko ang earphones ko at kinuha ang phone ko para makapamili ng tugtog.

Pinatugtog ko ito at sinabayan ko rin ang kanta para hindi ako maboring sa paglalakad at para hindi din mamalayan.

Madami rin naman akong nakakasabay na maglakad kaya hindi nakakatakot, madaming tao ang mas gustong maglakad kesa sumakay dahil sa sobrang traffic.

"And I need you to know that we're, fallin' so fast, we're fallin' like the stars, fallin' in love and I'm not scared to say those words with you I'm safe, we're fallin' like the stars, we're fallin' in love ..." pagsabay ko sa kanta.

"swear to God, I can see four kids and no sleep. We'll have one on each knee, you and me, hmm ... and when they've grown up you're still the girl in the club when I held your hair up, 'cause you had too much ..." mahina kong pagsabay sa kanta.

Habang nakikinig ako ay hindi ko mapigilang mapangiti, dahil ito ang kinanta sa akin ni Toff noong 24 siya, dalawang taon na rin pala ang nakakalipas.

Napaka bilis talaga ng araw, sa sobrang saya ko ay hindi ko namalayang ilang taon na pala ang nakalipas. Parang kahapon lang lahat ang nangyari dahil tandang tanda ko pa ang lahat.

This song can make me feel calm and  love dahil bawat letra ay boses ni Toff ang naririnig ko, ang baritono niyang boses na kayang paibigin sino mang babae.

"I swear to God, every day he won't take you away 'Cause without you, babe, I lose my way ..." hindi ko pa natatapos ang kanta ko ng biglang mag ring ang phone ko.

Sino naman to?

Inis kong tanong sa sarili ko at tinignan kung sinong tumatawag. Napakunot ang noo ko ng makitang si Toff ang tumatawag, hindi pa siya tumatawag sa akin kapag pauwi na ako.

Mabilis kong sinagot ang tawag niya.

"Bakit tumawag ka Toff, may problema ba?" Mahina kong tanong sa kanya.

"Ahm ... b-babe, hindi kasi ako makakasama sayo eh. Nag volunteer ako dito sa ospital for the kids." Sabi niya sa akin at napangiti naman ako dahil sa sobra niyang pagmamahal sa mga bata.

"Ayos lang sakin, basta kumain ka ah. Kung nagugutom ka ay kumain ka huwag kang magpapalipas ng gutom." Bilin ko sa kanya.

Rinig ko naman ang mahina niyang pagtwa sa kabilang linya.

"Opo, inay." Nanunudyo niyang sabi at mahina naman akong napatawa pero nagsabay kami kaya lumakas na ang tawa ko.

"Masaya na ako. Narinig ko na yung tawa mo eh." Seryoso niyang saad at para naman akong namula.

"Bakit? Naririnig mo naman akong tumawa eh." Sagot ko.

"Babe, I really mean it. You seldom laugh that loud, kaya kapag naririnig ko yon nadadagdagan ang happy cells ko." Sabi niya sa akin at napangiti ako.

Embracing the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon