2

30 3 0
                                    

I woke up happily and go to work happily, masaya akong naglalakad papunta sa fire exit para umakyat papunta sa department.

Nung una kong gamit sa elevator ay nalaman ko nalang na pinaayos ito ng mom ni Toff at inaway ako ni Veroi na parang napaka laki ng ginawa kong kasalanan, napapailing nalang ako habang natatandaan ko ang nangyaring iyon.

Iyak ako ng iyak sa stock room dahil sa takot, hindi ko rin naman nasabi kay Toff dahil sa pangamba kong hindi niya ako paniwalaan.

Sino ba naman kasing maniniwala na ipinaayos ang elevator kahit maayos naman?

Walang maniniwala don. Iisipin ng mga tao ay nag sisinungaling ako. Pumasok na ako sa fire exit at nagsimulang maglakad papunta sa 3rd Floor sa Marketing Department.

Tuloy tuloy lang ang pag-akyat ko at habang umaakyat ay minsan tumitingin ako sa relos ko para malaman kung anong oras na.

Hindi pa naman ako malalate.

Malalaki ang hakbang kong umakyat at ng makarating ako sa tapat ng pintuan ay binuksan ko yon. Nakita ko ang pagtingin ng ibang tao sa akin, nagulat siguro, wala pang nakakakita sa aking lumalabas dito sa fire exit.

Ang iba sa kanila ay may awang tumitingin sa akin at may iba namang parang natutuwang makita ang pagod kong mukha.

Pity. I don't want to see those emotions, wala naman silang magagawa sa sitwasyon ko ngayon.

Tuloy tuloy lang ang lakad ko at umupo ako agad dahil sa pagod.

Pero nagulat ako ng malakas akong kumalampag dahil nasira ang upuan ko, alam kong sinadya nila to dahil mahinang pagtawa ang narinig ko.

Kumikirot ang likod ko dahil sa sama ng pagkabagsak ko. Mahina kong hinihimas himas ang parte ng likod ko na makirot at masakit.

Dahan dahan nalang akong tumayo at naglakad papunta sa stock room dahil alam kong mayroon pang upuan doon, medyo madumi pero ayos ng pagtyagaan.

Dali dali akong pumunta ng stock room at nakita ko ang maalikabok na upuan doon, pinagpag at nilinis ko ang upuan bago ito hatakin papalabas.

Naghanda rin ako ng basurahan para sa piraso ng silya na nasira. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang likuran ko pero nakakagalaw pa rin naman ako ng maayos.

Pagbalik ko sa pwesto ko ay hindi maganda ang tumambad sa akin. Piles of dirt are there, sobrang dumi ng table ko ang daming papel at basura, ang iba'y nangangamoy pa.

Meron din sa ilalim ng table at nagpasalamat nalang ako dahil hindi naisipang lagyan ang bag ko.

Nilinis ko muna ang upuan na nasira at nilagay ang piraso nito sa basurahan na kinuha. Nilagay ko naman ang bagong upuan, nilinis ko rin ang mga dumi at tinapon ito sa basurahan.

Alam ko kung sino ang may pakana nito, si Veroi, walang nagbago at ganoon pa rin ang mga ginagawa niya. Sa totoo lang ay naghahanap na nga ang katawan ko ng bagong pasakit.

Nilinis ko ang table ko, sa ilalim man o sa ibabaw, bawat sulok ay nilinis ko ang table. Pagkatapos kong malinis ay hindi pa ako nakakaupo ng tumunog ang telepono kaya naman sinagot ko ito.

"Hello? Aishen Ramos, speaking?" Mahina kong sagot.

"Miss Ramos, come to my office." Simple pero maotoridad na sabi ng head namin.

Bago pa ako sumagot ay pinatay na agad ang tawag.

Dali-dali naman akong pumunta sa office ng head namin, katulad ng ibang tao rito ay may galit din siya sa akin at hindi ko alam kung bakit.

Well, alam kong dahil nga sa ako ang girlfriend ng anak ng may-ari, pero pakiramdam ko ay may mas malalim pang dahilan doon.

Nakarating na ako sa office ng head pero nakatingin lang ako sa pintuan nito, kinakabahan ako dahil baka mamaya ay pagalitan ako.

Embracing the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon