31

12 1 0
                                    

Tahimik lang akong nakaupo at nagmamasid masid sa mga taong nasa loob ng hall, hindi naman ganoon kalaki o di kaya'y ka-engrande ng pagdaraos sa pyesta dito. The whole hall is made out of blocks but it's not a closed hall, bawat sulok ay may labasan at pasukan.

Sa labas ay may mga upuan din, pero madami ang taong bayan na nasa labas at nag-uusap. Madami ring mga batang naglalaro at nag si-si-takbuhan. People inside the hall are the well-known people here in the town, pero halo pa rin dahil nasa tatlo o apat na pamilya lamang ang kilala dito.

Hinanap ng mga mata ko sila Liv at nakita ko silang nakikipag-usap sa mga kakilala nilang tao, ayoko namang makaabala at wala rin akong kilala dito kaya mabuti nalang na umupo ako.

Alam ko'y kasama si Lola Lizette pero hindi ko siya mahanap,baka nasa labas siya at binabantayan kaya tumayo ako para puntahan ito ng may kamay na humawak sa palapulsuhan ko, nagawi ang tingin ko rito at nakita ko ang nagniningning na mukha ni Glaze.

He look so good in his navy blue tuxedo, mula ulo hanggang paa ay napaka gwapo niyang tignan, his hair is a little bit messed maybe because of the strong wind, earlier. I pulled my wrist on his hands and look at him straight in the eyes, but that's a wrong move.

Pakiramdam ko ay para akong hinihigop ng mga tingin niya, nagtataka nga ako na hindi siya nagsasalita, naktingin lang siya, at wala namang malisya ang tingin niya pero pakiramdam ko'y nadadala ako nito sa kakaibang dimensyon.

Nahigit ko ang aking hininga ng magawi ako sa mga mapupula niyang labi. I miss kissing those lips, I miss everything that he does to me. Pumikit sko upang alisin ang lahat ng sinasabi ko sa utak ko.

“Aishen, can we talk?” sa wakas ay nagsalita rin siya kaya mabilis akong tumango.

“Yeah, it's fine.” naglakad na ako patungo sa labasan.

We're in the dark part of the hall, hindi kami kita ng mga tao pero meron pa rin namang liwanag na nagmumuka sa mga lamparang nakasabit sa bawat poste, walang mga taong pumupunta sa parteng ito dahil medyo malayo na sa bukana, rinig mo ang usapan sa loob ngunit parang wala lang ito sakin.

Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko, para siyang kinakabahan, animo'y isang teen-ager na aamin sa napupusuan, he is playing with the fake grass using his left foot, nakayuko rin siya na parang ineensayo ang sasabihin.

Matagal na katahimikan ang namayani samin, inabutan din kami ng paglubog ng araw kaya mas lalong lumiwanag ang mga lampara. I just look at the hall and see if someone is finding us or someone is around us, bumalik lang ng malamang wala talagang tao.

Narinig ko ang malakas niyang pagbuga ng hininga at biglang tumayo ng tuwid bago kunin ang atensyon ko.

“Aishen, I know you hate being talked about the past but I want to tell you everything, my side, about what happened in the past. The wedding, that's not true, hindi mo siguro nakita ang pag sabi ko noon sa mga tao na hindi tuloy ang kasal, dahil hindi ko kayang magpakasal kung hindi ikaw”

Paninimula niya. Wala akong nasabi sa huli niyang sinambit, tinigna ko lang ang bawat emosyon sa mukha at mata niya. I feel like I am analyzing and memorizing his every feature and emotion, kahit na lumalakas ang hangin ay hindi ako nag patinag, hinahangin man ng kaunti ang dress na suot ko'y hinahayaan ko lang.

“Aishen, mahal na mahal kita. Nagalit ako, oo, kasi akala ko totoo lahat ng litrato na iyon, nagalit ako, natakot ako, natakot ako na iiwan mo ko, ayokong mawala ka sakin Aishen. Nang wala na akong nakitang ikaw sa bahay, pakiramdam ko mababaliw na ako, hindi ko alam kung san ka hahanapin, hindi ko alam kung anong gagawin ko,” kita ko ang matigas niyang paglunok, at sa pagtingin ko sa mga mata niya ito'y mamasa-masa na.

Embracing the SeaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora