22

10 2 0
                                    

A/N: Sorry  for grammatical errors.



Napabalikwas ako sa kinauupuan ko ng maramdaman ko ang malakas na boses ni Liv, nandito ako ngayon sa BAR niya at malalim na nag-iisip.

Simula kanina ay ganito na ako, nalulutang.

Lumapit ito sakin at iniwanan muna mag-isa ang naglalarong Glaish.

"Ano bang problema mo? Kanina pa kita tinatawag, tulala ka dyan." Inis niyang sabi sakin at napabuntong hininga nalang ako.

"Nag-uusap kasi kami kanina ni Maddux tungkol sa bagong project niya, tas nalaman ko na ang Villanueva Real Estate ang hahawak ng project." Sambit ko, hinihintay ang reaction niya.

"Tapos? Ano ngayon?" Inosente niyang tanong.

A loud breath escaped in my mouth. "Duh. Villanueva."

"Ha?" Takang tanong niya at napalabi nalang ako.

"Tanga! Villanueva si Kristoff!" Frustrated kong sagot sa kanya.

"Ah! Yun lang naman pala eh. Anong problema don? Doctor naman yang ex mong gago kaya hindi mo siya makikita." Explain niya at bigla naman akong nabubaya ng loob.

"OMFG! Oo nga ano, aish! Bakit ko ba nakalimutan." Sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko na tanda pati ang trabaho niya dahil sa sobrang tagal ng hindi nagkita.

"Sige na, hayaan mo na yung ex mong doctor na mukhang hindi naman. Dito ka na matulog baka mamaya ikapahamak niyo pa ni Glaish yang pagiging lutang mo." Sambit niya at tumango nalang ako.

"Ok. You have a point there, sigurado akong hindi ako makakatulog sa pag-iisip. Kaya sana makatulog ako, ayokong pumasok na lutang." Sabi ko at kita ko naman ang pag-ikot ng mata niya.

"Daming arte! Umakyat ka na sa taas at magpahinga." Sigaw niya at natawa naman ako.

"Good night, Liv. Kukunin ko na ang anak ko." Pagtukoy ko kay Glaish atsaka binuhat ito kahit na mabigat.

Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame, kahit nag-usap na kami ni Liv ay wala pa ring epekto.

Simula nang marinig ko na magiging ka-partner ng company ang Villanueva Real Estate ay hindi na mapalagay ang isip ko. I am always thinking about him, about us again. Naiinis ako dahil dapat ay wala na kong nararamdaman.

Pasok siya ng pasok sa utak ko, walang oras o minutong sinasayang ang utak ko para isipin siya.

Pero, natutuwa ako dahil nakakayanan ko ng sabihin ang nagiging problema ko hindi na katulad noon na lagi kong kinikimkim at sinasarili nalang.

Iyon ang isa sa mga tinuro nila sakin bukod sa pagmamahal sa sarili, ang pagtitiwala sa mga taong pumapaligid sayo.

Paikot-ikot ako sa kama ko, pero inaalalayan ko dahil katabi ko si Glaish. Hindi ako makatulog dahil sa sobrang pag-iisip ko.

Minabuti ko nalang na kunin ang phone ko at tignan ang instagram ko, hindi nagtagal ay may natanggap akong chat mula kay Green, a smile stretch in my lips when I read it.

From: Green Bautista

Hey, gising ka pa? Tulog na. Huwag mo na kong isipin, di rin tuloy ako makatulog.

Napaangat ang kilay ko dahil sa chat niya.

Ang kapal natin dyan sir.

To: Green Bautista

Taray naman natin dyan, chef.

Tatawa-tawa ko iyong sinend sa kanya.

Agad ko namang binasa ang sagot niya.

Embracing the SeaWhere stories live. Discover now