19

18 1 0
                                    

A/N: Sorry for grammatical errors.

Hapon na pero eto pa rin ako at punong puno ng kaba, pumunta ako sa kwarto ko at humarap sa salamin. Tinignan ko ang  repleksyon ko doon. Kanina palang ay naligo na ko at nagbihis na din.

I wore a yellow stripped tee and I put over it is a yellow floral slip dress and my white platforms.

Nakaayos na ang katawan ko pero hindi pa ang puso at isip ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang utak ko naman ay halo halo ang iniisip. Lumabas ako ng kwarto para umupo sa sofa, habang nakaupo ay kita ko si Glaish na papunta sakin.

Binuhat ko naman ito ng makalapit ito sakin. Kaya napadako ang tingin ko sa bago kong orasan, binigay ito kanina sakin ni Toff kaya  mas lalo akong kinakabahan.

"Nauna pa siyang magbigay sakin." Sambit ko sa kawalan habang nakatuon ang tingin sa relos.

Sobrang ganda nito at mukhang mamahalin, I look at the words engrave inside.

"Agapiméno átomo." I said, I don't understand those kaya humingi ako ng tulong sa internet.

Napagalaman ko na ang ibig sabihin non ay 'favorite person'.

My lips stretched into a smile because of it, he's also ny favorite person kaya mas nakakatuwa.

Napahinga nalang ako ng malalim at tinignan ko si Glaish na nagkukutkot ng kung ano-ano.

"Boss, mukhang bumabawi si daddy mo. Mamaya magiging maganda ang araw ko at araw mo kasi magkakaayos na kami." Sabi ko sa kanya pero parang wala itong narinig.

Hinayaan ko nalang. Tinignan ko ang oras at alas singko na, mas kinakabahan tuloy ako.  Naisipan kong kumain muna dahil mamaya ay mas gusto kong mamasyal lang kaming dalawa ni Toff.

Natapos akong maghain para sa kakainin ko ay kumain na ako, habang kumakain ay natatandaan ko ang nangyari kaninang umaga.

Tanghali umalis si Toff kaya nung umaga ay nagulat ako sa inaakto  nito.

Pagkagising ko palang ay naaamoy ko na ang niluluto niya kanina, siya ang nagluto ng almusal, pinagsilbihan niya pa ako.  Panay rin ang pagkausap niya sakin kaya noong una ay medyo naiilang pa ako, pero di kalaunan ay nasanay na rin ako.

Nilalaro niya din si Glaish pero ang ida tahimik lang at hindi man lang nag-iingay, mukhang may tampo ata si Glaish.

Ang mga kaganapan kaninang umaga ang nagpapa alala sakin na magkakaayos pa kami, na kahit anong pagsubok kaya naming harapin.


Natapos akong kumain kaya tinignan ko ulit ang orasan ko. 5:25 p.m .

Kinakabahan na naman ako dahil malapit ng mag ala seis.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang isang tao na alam kong matutulungan akong kumalma.

Ilang ring pa ang dumaan at buti ay sinagot niya.

"Ano na namang tinatawag tawag mo?" Aburido niyang sagot, napangiwi nalang ako.

Kailan ba umayos ang tono nito, kahit ata umiiyak ako ay aburido pa rin to e.

"Kase kinakabahan ako, date namin ngayon remember? Anniv namin." Sagot ko sa kanya at ilang segundong tumahimik ang kabilang linya.

"Oh, tapos ano gusto mong gawin ko? Pagsindi kita  ng kandila?" Sarkastiko niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya.

"Ano namang gagawin mo sa kandila?" Inosente kong sambit sa kanya.

Embracing the SeaWhere stories live. Discover now