8

18 2 0
                                    

Sa tagal kong nakatayo kanina habang nakatingin sa kanila ay naabutan na ako ng ulan. Naglakad nalang ako dahil wala na akong gana pang magtawag ng masasakyan, gusto ko nalang umuwi at matulog.

Nabasa na ako ng ulan pero hindi ko yon pinapansin, rinig ko ang pagtatakbuhan ng mga taong walang payong pati na rin ang mga mayroon, pero ako ... Narito at basang basa ng ulan.

Blessing in disguise ang pag-ulan para sakin dahil walang nakakakita na umiiyak ako, walang nakakaalam na malungkot ako. Ang kaninang masakit kong katawan ay parang bulang nawala.

Lumalabo ang paningin ko dahil sa nagbabadya kong luha, hindi rin klaro sakin ang mga tunog na naririnig ko, para akong patay na naglalakad at parang walang nararamdaman. Ni lamig dahil sa hangin ay hindi ko dama.

Kahit umuulan ay kinuha ko ang earpods ko na nasa bulsa ko at isinalpak sa tenga ko para magpatugtog. Niloloko yata ako ng tadhana dahil imbis na gumaan ang pakiramdam ko ay mas lalong dumami ang mga luha tumutulo galing sa mata ko.

"A hundred days have made me older, since the last time that I saw your pretty face. A thousand lies have me colder, and I don't think I can look at this the same, but all the miles that separate, disappeare now when I'm dreaming of your pretty face ..." Mahina kong bulong na sinasabayan ang kanta.

"I'm here without you baby, but you're still on my lonely mind. I think about you baby, and I dream about you all the time. I'm here without you baby, but you're still into my dreams. And tonight it's only you and me ..." Pagsabay ko habang nangangatal ang labi ko sa lamig kasabay ng pag lakas ng iyak ko.

"The miles j-just keep r-rollin, as the p-people leave t-their way t-to say h-hello. I-i've heared this life i-is overrated, but I h-hope that i-it gets b-better as w-we go ..." Nangangatal ako at hindi ko maituloy ang kanta dahil sa hikbi na hindi ko mapigilan.

Kasabay ng pag-agos ng luha ko sa mga pisngi ko ang pagka sira ng puso ko at pagtitiwala ko. I am now starting to have a trust issues to him, ayokong isipin yon dahil gusto kong malaman bakit niya ginawa ang bagay na iyon.

Mahal niya ako e, sabi niya yon e. Naniniwala ako sa kanya, alam ko may dahilan siya, hindi niya ko lolokohin.

Itinatak ko ang mga salitang yan sa utak ko para pakalmahin ang isip ko lalo na ang puso ko.

Nakarating ako sa bahay ko at patuloy pa rin ang pag iyak ko, nilapag ko lang ang mga pinamili ko sa kung saan at pasalampak na naupo sa sahig.

Maliliit na hikbi ang nagawa ko at pilit na hinaan ito.

"H-hindi niya gagawin yon, mahal ka n-niya. P-pinangako niya eh." Pautal utal kong sabi at pilit na nilalabanan ang utak ko sa pag iisip ng kung ano ano.

Baka, hindi niya yon sadya. Hindi niya yon sadya, hindi niya yon sadya.

Tumango tango ako dahil sa sinabi ko. "T-tama, hindi niya yon sinasadya. May explanation siya, hihintayin ko yon, hihintayin ko."

Bakit parang ang sakit naman na yata?

Bakit naman ganito, sanay akong masaktan, tatangapin ko lahat .. pero masakit pa din e.

Hindi ko naman kayang kainin lahat ng to, hindi ko naman ikasasaya to.

Tumayo ako at kumuha ng alak na nasa loob ng fridge, umupo ako sa upuan at naglagay sa baso bago ito tunggain. Ramdam ko ang init sa lalamunan ko ng madaan sa lalamunan ko ang alak na iniinom ko.

Bawat tungga ko ng baso na may alak ay nararamdaman ko ang pag ikot ng mundo ko.

"Tangna! Nung nagbuhos ata ng kabaitan at karupukan ang Diyos ay nasalo ko lahat!" Wala sa sariling saad ko habang umiinom ulit ng alak.

Embracing the SeaWhere stories live. Discover now