28

8 2 0
                                    

My eyes opened and see a glint of light, mayroong nakatakas na sinag ng araw at diretso iyon sa mata ko. Pa-pikit-pikit akong bumangon at matagal na nakaupo sa kama.

Ramdam ko din ang pag kirot ng ulo ko, siguro ay dahil ito sa pag-inom ko kagabi, hindi madami ang nainom ko ngunit hindi pa rin ako sanay. My eyes are still close but the thought of me drinking yesterday night makes me remember about the whole scenario.

I just sigh because of tiredness and go to the bathroom to wash myself and relax my mind.

Bumaba ako at hindi na dumiretso sa dining dahil mag ta-tanghali na rin naman, alam kong tapos ng mag-almusal ang pamilya kaya sumabay ako sa mga katulong dito sa bahay.

I greet them good morning, kahit na hindi masyadong maayos ang bungad ng araw sakin. Umupo ako sa dulong bahagi at nag simulang kumain, lahat sila'y nag kwe-kwentuhan at hindi ko naman naiintindihan ang lenggwahe na sinasabi nila dahil 'Ilocano' ito.

Ninamnam ko na lamang ang kinakain ko at hinayaang lumipad ang isip ko, my mind are wandering but it doesn't have a destination, lipad lang nang lipad.

Tapos ko na ang kinakain ko kaya inubos ko na rin ang kape kong lumamig na ata.

Habang umiinom ay kinausap ako ni ate Vange, matagal na raw siyang katulong dito. Simula palang ng ikasal si Mr. Lizandro ay narito na siya at naninilbihan.

“Oo nga po pala, Ma'am. Wala po dito sila Mr. Lizandro at Ma'am Minerva, pumunta daw po sa meeting,” sabi nito sa akin kaya napatango naman ako.

“Ganoon po ba? Nasaan po si Lola Lizette? Kasama po ba nila?” magalang kong tanong at si Aling Meri naman ang sumagot.

Si Aling Meri ay ang asawa ni Mang Giordano, katulad ng asawa'y sobrang bait din nito sakin.

“Hindi po, Ma'am. Nasa taas po si Señora, nag-pa-pahinga.” napatango naman ako at tumayo na.

“Sige po, tapos na kong kumain,” kinuha ko ang pinag kainan ko at nilagay ito sa lababo, “salamat po sa pagkain, tutuloy na po ako kay Lola Lizette.”

“Sige po, Ma'am,” ani nilang lahat kaya't umalis na ako at nag tungo paakyat sa kwarto ni Lola Lizette.

I admit that I am keeping my distance to him, pagkatapos ng nangyari kagabi ay gusto ko munang mag-isip-isip, sa ngayon ay gusto kong pag-isipan ang mga sinabi ko. My mind wants me to go there and confront him, pero hindi ko kaya yon at alam kong nagulat din siya sa mga sinabi ko.

That's why I'm giving him time to think and I'm giving myself to decide about something, about my feelings.

Nasa tapat na sko ng pintuan ni Lola Lizette at napakunot ang noo ko ng may marinig akong hikbi, hindi ko inaakalang maririnig ko ito dito pero nang buksan ko na ang pinto ay tumambad sakin ang nanginginig na likod at balikat ni Lola Lizette.

Madali naman akong pumunta sa kaniya at inalo ito.

I don't know the reason, but my heart is being tightened when I hear Lola Lizette's small cries and sobs. Siguro ay dahil matagal-tagal ko rin siyang nakaka-sama, yeah, maybe that is the reason.

Umaangat ang kamay kong nasa braso niya papunta sa ulo niya upang dahan dahan itong suklayin. I am hugging her from beside and I see that she is holding a picture.

I think it's a baby picture, naisip ko na kung sino iyon kaya hindi ko na tinignan. That's her grand daughter, sigurado akong natatandaan nito ang masakit na nakaraan sa buhay niya.

Ngayon ako naniniwala na ang mga taong tahimik at masasaya ang siyang pinaka durog sa lahat. Quiet people are quiet because they don't want to trust, they have trust issues, natatakot sila na baka lokohin lang sila ng taong pinaka pinag-ka-katiwalaan nila. While, the most funny, happy and the mood makers are hiding their lonely and crying self behind a smile.

Embracing the SeaWhere stories live. Discover now