18

10 2 0
                                    

A/N:  Sorry for grammatical errors.


Abala ako sa paglilinis ng bahay.
Ilang linggo na ang lumipas pagkatapos ng party ng mommy ni Toff. Tumayo ako para kunin ang walis ko at ng nakuha ko na ang walis ay napadako ang tingin ko sa kalendaryo. Lihim akong naoangiti ng makita kong malapit na ang anniversary namin.

Our anniversary is on coming Sunday and today is Friday kaya mayroon pang dalawang araw para maisipan ko ang gagawin sa anniversary namin.

Bumalik na ako sa paglilinis ko, nakita ko naman si Glaish na tumatakbo. Ewan ko ba dito, kapag wala si Toff ay saka siya kumukulit at sumisigla.

Napailing nalang ako ng matandaan ko si Toff, naroon na naman siya sa lungga niya. His room is full of paper works, dumoble ang trabaho niya at mukhang ang iba doon ay galing na sa kompanya nila.

Maybe his mother wants to teach him everything about their company, pero ayaw ni Toff dahil nga mas gusto niyang mag focus sa Ospital. Hinayaan ko nalang at tinignan ko ulit ang malikot na si Glaish.

"Boss, wag kang makulit. Naglilinis ako oh." Sabi ko sabay pakita ng walis na bitbit ko.

Hindi naman siya huminto kaya napapahuntong hininga akong lumakad papunta sa kanya at kinuha siya.

"Boss, dito ka nalang muna sa kwarto ko. Nalinis ko na ito, wag ka muna sa sala, madumi pa don." Sabi ko sa kanya at lumabas na ng kwarto.

Hindi ko isinara dahil ayokong makulong siya don, hindi naman na iyon lalabas. So, I continue cleaning the whole unit except for Toff's room.


Nagluluto ako ng kakainin para sa gabihan, napansin kong simula kanina ay hindi lumalabas si Toff, worried eat me. Kahit natapos ako sa paglilinis ay hindi pa rin siya lumalabas.

Simula ng natapos ang party ng mommy niya ay bumalik sa dati ang ugali niya, c

Sana nagkasakit nalang pala ulit ako.

Napabuntong hininga nalang ako at ng natapos magluto ay naghain na ako para saming dalawa.

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya, hindi nakasara ang pinto.

Sumilip ako. ""Toff, kakain na." Mahina kong sabi dahil sa hiya, ang panget kasi ng posisyon ko.

Tumingin naman siya sakin sandali bago bumalik sa ginagawa.

"Mamaya na ko may ginawa pa ko, mauna ka na. I don't mind." Malamig niyang sabi at napatango naman ako. Tinignan ko rin ang lamesa niya, puro papeles at files.

"Hintayin nalang kita, okay?" Sabi ko sa kanya, giving him assurance that I will wait.

"Bahala ka." Malamig niya ulit turan.

Sinara ko ng kaunti ang pintuan niya pero hindi iyon nakasara. Bumalik na ako sa kusina at umupo na sa lapag, nakita ko naman si Glaish na natulog na. Napangiti naman ako dahil sobrang lakas niyang kumain kanina.

"Baka mamaya tumaba siya? Masama bang tumaba siya?" Bigla kong tanong, first time ko lang kasing mag-alaga ng aso.

Napaangat ang tingin ko sa wall clock, anong oras na pala. Inilapag ko muna ang ulo ko sa   mesa, habang nagmumunimuni ay hindi ko mapigilang mapahikab at unti unti na akong dinalaw ng antok.

I woke up and I hear my stomach grumbling, I look at the wall clock. 6:30 A.M, maaga pa pala at mukhang nagutom na talaga ang tyan ko kaya ginigising na ako.

Tumayo naman ako at nakita ko naman ang isang note na nasa takip ng ulam. Binasa ko naman yon ng malakas.

"Ai, kumain kana and please next time wag kang magpalipas. -Toff." Pagbabasa ko dito.

Embracing the SeaWhere stories live. Discover now