Patrusprezece

30 9 1
                                    

“HINDI KO na ginagamit ang pangalang iyan,” pormal at seryoso ang mukha na sabi ni Carmine sa nilalang na nasa kanyang harapan.

          “Is that so? Apologies.”

           “Ano ang ginagawa mo rito, Petrus Viteazul?” tanong niya sa lalaking kaharap.

           “I go by the name ‘Azure Petersen’ these days, Lady Mina,” matamis itong ngumiti.

           “Carmine. Iyon ang pangalan ko.”

           “Lady Carmine,” bahagya itong yumuko.

           “Bakit ka nandito? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito, Petersen?”

           “Ang totoo ay nagbabakasyon lang din ako sa lugar na ito nang hindi sinasadya ay may maamoy akong mabango. Isang uri na bango na hindi ko kayang hindi pansinin,” sagot nito saka tumingin sa kanya na parang naniniyak pero may kaakibat na babala. “Even now, I can smell ‘it’ in this place so it means you are close to ‘it’.”

           “At ano ngayon kung ganoon nga?” puno rin ng babala ang kanyang naging tanong. “Ano ang gagawin mo kung iyon nga totoo?”

           Nagbaba ito ng tingin na isang senyales na kinikilala pa rin nito ang kanyang awtoridad bilang isa sa  mga nakahihigit dito.

           “Lady Carmine, alam mo ang batas –”

           “Hindi mo ako kailangang paalalahanan tungkol sa ating batas dahil isa ako sa mga nagtatag no’n,” mariin niyang putol sa sasabihin pa sana nito.

           “Wala akong intensyon na galitin ka o agawin ang anumang pag-aari mo. Isa lamang ang nais kong ipaalala sa’yo, Lady Mina,” sabi nito saka muling nagtaas ng mukha at tumitig sa kanya ang asul nitong mga mata. “May iba pang kagaya natin ang nabubuhay sa mundong ito at may mga kagaya natin na hindi sumusunod sa ating batas. Maraming siglo na ang dumaan at matagal kang hindi nagpakita kaya hindi lahat ng kagaya natin ay nakakaalala pa sa’yo lalo na ang bagong henerasyon. Kung mayroon man akong pinapangambahang maganap, iyon ay ang magkaroon muli ng hidwaan sa pagitan ng ating mga kalahi, bagay na alam kong ayaw mo ring mangyari o mas magandang sabihin na maulit.”

           “Wala akong balak na basagin ang kapayapaang tinatamasa natin,” aniya.

           “Na siyang labis kong ipinagpapasalamat, Lady Carmine. I have lived a long life and I wanted to live more. I am contented with this peace yet keeping that thing without putting the right label on it makes those scary ideas lingers inside my head. Kung gusto mong manatili sa’yo ang nilalang na ‘yon, kailangan mong magdesisyon bago pa man may ibang makaalam.”

           “Malalaman lamang ng iba kung magmumula sa’yo ang balita.”

           Pagak itong natawa. “Hindi matabil ang dila ko, Lady Carmine, ngunit aaminin kong gusto kong makita ang nilalang na nakakuha sa ‘yong atensyon. Gaya mo ay nabubuhay ako malayo sa iba nating kalahi ngunit may mga mata at tainga ako sa ibang lugar dahil ayokong mahuli sa balita. Ayoko namang magulat na lamang sakaling may digmaan na namang mangyari.”

           “Hindi mo kailangang mag-alala, Petersen. Alam ko ang aking gagawin.”

           “Then it’s settled, Mi’ Lady.”
           “At sana ito na ang huli nating pagkikita,” seryosong sabi ni Carmine.

           “Mangyayari lamang ‘yan kung magagawa mo ang nararapat. Muli, paumanhin sa aking paggambala at magandang gabi, Lady Carmine,” yumuko ulit ito at umatras hanggang sa naglaho sa kadiliman.

Carmineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن