Douázeci Și Trei

31 4 1
                                    

NAPAPAILING na lamang si Yakov nang maabutan si Thor na humihilik na sa kwarto isang oras matapos ang hapunan. Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod sa buong araw na pamamasyal at paglilibot sa isla?

"Makakatikim ng sermon ang isang ito sa akin bukas," narinig ni Carmine na sabi ng kanyang butler.

"Yakov, hayaan mo na si Thor. Mas gusto ko rin na maaga siyang nakatulog para maaga ka ring makapagpahinga," aniya sa kanyang tapat na tagapaglingkod habang inaayos ang kumot na nakabalot kay Thor. "Sabihan mo si Martina na magpahinga rin nang maaga at siguraduhing nasa maayos na kalagayan sina Chris at Jennifer."

"Opo, Lady Carmine."

"At matulog ka nang maaga dahil sigurado akong napagod ka rin. Hindi mo ako kailangang alalahanin dahil maraming empleyado si Johann na pwede kong mautusan sakaling may kailangan ako at kaya ko ang sarili ko," utos niya rito.

"Opo."

"At Yakov."

"Ano po 'yon?"

"Dito ako matutulog mamaya. Kakain ako," maikli niyang paalala sa butler na agad tumango saka nagpaalam na. Muli niyang binalingan ang natutulog na si Thor bago lumabas ng silid at nagtungo sa silid kung saan sila mag-uusap ni Johann. Sinabihan siya nito na mayroon itong sasabihin at ipapakiusap kaya pinuntahan niya ang lalaki.

"Pasok!" narinig niyang sigaw ni Johann mula sa loob ng silid matapos niyang kumatok sa pintong dalawa ang dahon. Nang buksan niya iyon ay naabutan niya ang kaibigan na may mga nilalagay na malalaking kahon sa ibabaw ng mahabang mesa.

"Ano ang mga 'yan?" tanong niya.

"Hulaan mo," ngumisi ito.

"Hindi ako magaling manghula."

"Isa rin ito sa dahilan kaya inimbita kita sa kaarawan ko," nasasabik nitong sabi saka binuksan ang isang kahon at nagulat siya nang makita na ang mga laman no'n ay ang nobelang kanyang nailimbag kamakailan.

"Alam mong hindi ako personal na pumipirma ng mga libro ko 'di ba? Hindi pa rin ako kailanman nakapag-book signing dahil ayokong makilala ako ng mga mambabasa ko," aniya.

"Alam ko pero alam ng mga nakakakilala sa akin na mahilig ako sa mga nobela mo lalo na ang bago mong series kaya hindi sila magtataka kung ang giveaways ko sa birthday ko ay mga nobelang may pirma mo mismo," tuwang-tuwa nitong sagot.

"At paano ka nakakasigurong papayag ako?" pinagsiklop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod, tanda na ayaw niya sa ideya nito.

"Pretty please? For old time's sake?" pakiusap nito na nagmamakaawa ang mga mata. "I will be so disheartened if you refuse. Please, Mina."

Bumuntonghininga siya at pumalakpak naman ito na tila bata na nabigyan ng kendi. Lumapit siya sa mesa at ito pa ang naghila ng uupuan niya. Hinayaan niya itong ihanay ang mga librong kanyang pipirmahan.

"Ilan ba ang mga ito?" tanong niya habang nakatingin sa mga librong pipirmahan.

"A thousand?" sagot ni Johann na hindi sigurado. "More than a thousand maybe."

"Balak mo ba akong puyatin?"

"Bakit, hindi ka ba sanay magpuyat?" balik-tanong nito at parang gusto niyang ibato ang ilan sa mga libro sa mukha ng lalaki, na sigurdo siyang hindi tatama dahil alam niyang iilag ito. "Writer ka kaya sanay kang magpuyat. O baka naman may iba kang gustong pagpuyatan?" tanong nito na may himig panunukso.

"Gaya ng?"

Bahagya nitong inilapit ang mukha sa kanya. "Imperechere." Ilang segundo silang nagtitigan hanggang sa naramdaman na lamang niya na uminit ang kanyang mukha samantalang nanlaki ang abuhing mga mata ni Johann. "Huwag mong sabihin sa akin na wala pang namamagitan sa inyo?"

CarmineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon