Chapter 349

563K 23.8K 78.4K
                                    

A/N: I-publish ko na yng isa sa mga story na matagal ko ng pinag-iisipan at tintype. Sana suportahan niyo din po.

Pasensya na kung ito lng muna, malapit na din po ilabas ang Part 2 then focus na ko tapusin ang AMNSE and Ang nahulog.

Stepmother

Jay-jay's POV

Mas matanda siya kay Mama, yun ang malinaw na pagkakatanda kong sinabi ni Percy sakin tungkol sa Nanay niya pero ang itsura niya parang kasing edad lang nina Tita Gema.

Nakanganga ako habang nakatitig sa kanya. Ngayon alam ko na itsura ni Percy kung naging babae siya.

Ang ganda niya.

Binaba ng maid ang dala niyang mga baso ng juice sa lamesita sa pagitan namin. Ngumiti ang Mama ni Percy at nagpasalamat.

Todo ngiti naman si Percy na hindi ko alam kung nagpapa-cute ba o nangbu-bwisit lang. Nabasag lang ang katahimikan ng lahat ng magsalita siya.

"Umiyak ka ba?" Tanong niya sakin.

"A-ano... May nangyari lang." Halos pabulong kong sagot.

Tinignan niya si Aries na nakatayo sa likod ko. Wala naman siyang sinabi at malamang kong matalim na irap lang ang sinagot niya dahil sa pagnguso ni Percy.

Bahagyang umubo ang Mama niya para makuha ang atensyon ko.

"Ako nga pala si Reycee, ang mother ni Percy at ang asawa ng Papa mo." Pakilala niya. "Since stepmother mo naman ako, pwede mo kong tawaging Mom."

Wow, sosyal.

Dinig ko ang pagsinghap ni Mama at inis na pagtawa. Nilingon ko siya na nasa tabi ko lang.

Pilit na ngumiti ang Mama ni Percy. "Or pwede ring Tita, kung saan ka komportable."

"S-sige po." Tipid na sagot ko.

Naging tahimik ulit kaming lahat. Kulang nalang may dumaang kuliglig. Alam kong naiinip na si Kuya Angelo sa tunay na pakay niya pero ayaw lang niyang maging bastos.

Mukang hindi na din makatiis si Tita Gema at siya na ang nagsimula ng usap.

"M-mrs. Mariano. Pwede bang malaman kung ano talagang pakay niyo samin o kay Jay-jay?"

Ngumiti siya at mukang nasiyahan na sa wakas ay may nagtanong na din sa kanya.

Ako din, kanina ko pa gustong itanong.

"Andito ako para sana imbitahin kayong lahat. Dinner lang naman sa bahay. Gusto na din kasing makita ni Jasfher ang mga anak niya."

Nangunot ang noo ko. Mga anak? Tinignan ko ang katawan ko baka may kadikit pala akong kakambal na hindi ko alam.

Pero hindi bali na, malinaw sa pandinig ko na gusto na kong makita ni Papa at gustong-gusto ko na rin siyang makita. Eto na ang matagal ko ng hinihintay at hinihiling.

"Bakit? Payag ba ko?" Iritang tanong ni Mama.

"Jeana... Matagal na panahon naman na ang lumipas. Naghihingalo na din ang byanan ko. Wala ka ng dahilan para lumayo kayo sa kanya." Pakiusap niya at napaisip ako.

Lolo ko ang tinutukoy niya. Buhay pa pala siya. Hindi kasi malinaw sakin kung humihinga pa ba siya o patay na. Magulo kasing kausap tong kapatid ko mahilig magpahangin.

"Aba'y meron. Tapos na ang koneksyon ko sa asawa mong hilaw." Mataray na sagot ni Mama. "Matapos akong lokohin. Nangako-ngako ng kasal tapos malalaman kong may asawa pala! Ang kapal ng muka niya! Ipaglalaban daw ako at bubuo ng pamilya, ulol! Nasan ang mga pangako niyang hindot siya! Napilitan akong mag-asawa kuwari ng iba para lang makatakas ang Tatay niya—." Natigilan siya ng maramdamang nakatingin kaming lahat sa kanya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon