Episode 3

11K 359 119
                                    

FIRST day of school. Tatlong araw na ang lumipas pero gusto ko pa ring ibaon sa lupa ang sarili ko. Na-depress ako sa kagagahan ko sa party nung Thursday!

Minsan talaga, naiinis ako sa katapangan at kagaspangan ng mukha ko! Napahiya tuloy ako sa harap ni baby Sebastian! Hanuba?! Ginulo ko nang malala ang buhok ko. Ayoko na talaga!

"Bruha ka, ano naman bang iniimagine mo diyan?" Tanong ni Alaia na busy sa pag-me-make up.

Ngayon ay nandito kami sa dorm. Dorm mates kami magmula pa noong first year College pa lang kami. Actually, best friend ko na talaga ang gagang iyan magmula pa noong nasa sinapupunan pa lang kami ng mga magulang namin. Mag-best friend din kasi ang parents namin kaya hindi na nakakapagtaka.

Ewan ko ba, sawang sawa na nga ako sa mukha niyan kasi never talaga kaming naghiwalay ng classroom. Siya at siya ang araw-araw kong nakikita magmula noong bata pa lang ako hanggang sa pumasok sa kolehiyo.

Pansamantala niyang itinigil ang pagkikilay niya. Tiningnan niya ako nang masama. "Bagong crush na ba 'yan? Move on ka na talaga kay Baste after your incident with him?"

"Gaga! Anong akala mo sa 'ken, pokpok--"

"Oo," mabilis niyang sagot. Nabato ko nga ng unan!

"Stick to one ako. Partida, crush ko pa lang 'yan si Sebastian pero loyal na agad ako. Paano pa kaya kapag naging kami na?"

"Kwento mo sa inuubo mong panty," muli niyang itinuloy ang pagkikilay, "parang last few months lang, kay Mylo Rivas ka patay na patay, ha? Ngayon, inlove ka naman kay Baste na nakilala mo lang naman nung i-tag siya ni Maxton sa isang FB post last month?"

"Ni hindi mo nga siya lubos na kilala pa. Ni hindi mo nga alam na transferee lang siya sa University natin sa semester na 'to. Sa picture mo lang talaga siya unang nakita pero para kang aso diyan na gustong-gusto siyang kastahan."

Muli niyang itinigil ang pagkikilay. Tiningnan niya ako with matching poker face pa, "gaano ka karupok?"

"Gago ka, hindi kaya ako marupok. Malandi, oo. Pero marupok?" Tinaasan ko siya ng kilay bago sinuot ang coat ng uniporme ko, "never."

"Saka kahit gwapo pa 'yang si Sebastian, hindi ako magiging marupok sa kanya kagaya ng nanay ko sa tatay ko noon." Inirapan ko siya, "duh."

Muling ibinalik ni Alaia ang kanyang atensyon sa maliit na salamin. Kanina niya pa iyon hawak-hawak. "Duda ako. Dugo nina Tita Grace at Tito Liv ang nanalaytay sa katawan mo kaya duda talaga ako."

"Heh!" Naglakad ako papunta sa closet ko. "Pero seryoso na kasi, dzai. I know my worth. I know that I am better than chasing any dashing guy out there. I already learned the art of self love and it's to know that someone out there will love the whole me without me chasing after him."

"Sure ka na diyan?" Nag-poker face uli si Alaia. Isinilid na niya ang kanyang pangkilay sa make-up kit. "Sure ka nang hindi ka talaga magiging marupok kapag nakita mo na uli si Baste?"

"Oo naman," nag-suot na ako ng sapatos.

Talaga! Kasi ramdam kong iiwasan ko lang ang lalaking iyon sa University! Ilalaan ko talaga ang buong buhay ko maiwasan lang siya! Nahihiya pa rin kasi ako, punyemas siya!

Bakit kasi ang sungit niya? Required ba talaga sa mga gwapo ang magsungit?!

"Weh?" Patuloy na panunukso ni Alaia.

Inirapan ko siya nang maisuot ko na ang isa kong sapatos. "Para kang tanga."

"Sabi mo 'yan, ha?" Nagpatuloy siya sa makahulugan niyang ngisi pero hindi ko na lang talaga siya inintindi kasi mukha talaga siyang tanga.

TECHNICAL Writing in Business ang una naming subject sa araw na ito. Ang galeng! Buena mano, dzai! Kasisimula pa lang ng araw pero iyong subject, boring agad! Hanuna?!

Naupo na kami ni Alaia sa harapan. Syempre, bilang Miss Congeniality nga si bakla ay naglibot-libot pa ito para mangamusta sa iba naming kaklase. Maski nga mga irregular students na ngayon niya lang nakita ay kinausap niya.

Ang totoo? Tatakbo ba siyang Presidente ng Pilipinas bukas?

Nang pumasok na ang professor namin sa classroom ay saka lang tumabi sa akin ang Miss Congeniality of the year. Pero para akong na-istatwa. Hindi ko inalis ang tingin sa harapan. Nakita ko na naman ang forever favorite na black dress ng Ginang. Umabot iyon hanggang sa kanyang paa. Lahat kami ay natahimik. Walang maririnig kung hindi ang pagtama ng takong niya sa tiles.

Kroo kroo

Charot.

Iba talaga kapag si Mrs. Nanette Catapang na ang professor namin . . . talagang maduduwag ang kahit na sinong matapang dahil sa matalim niyang mga tinginan. She is living the epitome of her surname. Tingin pa lang niya, parang gusto mo na lang talagang humiga sa sarili mong libingan.

Minsan ko na siyang naging professor noong sophomore palang ako at dzai, ayoko nang ulitin pero heto ako ngayon! Ang galeng talaga!

Walang hiya kasing registrar 'yan! Sa dami ng professors sa Marketing Department, bakit siya pa talaga ang binigay sa amin? Sana lang talaga mangati siya tapos hindi niya makamot!

"Dzai, ayoko na. Alis na tayo," bulong ko kay Alaia. "Maling desisyon ito--"

Napalunok na nga lang talaga ako nang tingnan ako ni Mrs. Catapang diretso sa mga mata. Pakiramdam ko, may ilang segundo akong naghingalo bago nag-iwas ng tingin. Minabuti ko na lang talagang manahimik, makinig at magdasal sa Diyos Ama. Opo.

"Technical Writing in Business is not for the lazy ones, I am warning you all," ang pambungad ng Ginang.

Her voice is modulated. Masarap pakinggan pero nagkatalo na lang talaga sa kanyang tono. Right now, para bang humihingi siya ng death wish sa amin. Iyong kung mag-aaply siya bilang isang grim ripper, ay dzai! Qualified na qualified siya!

"H'wag kayong tatamad-tamad sa subject ko kung gusto niyong makapasa sa akin," pagpapatuloy niya.

Napuno ng tensyon ang buong classroom. May ilang segundo pa ngang muntik na itong maging haunted place sa tindi ng kilabot namin sa narinig.

Jusko, Lord! Asawa po ba siya ni Satanas--

"Good morning. Sorry, I'm late," biglang sambit ng isang baritonong boses mula sa pintuan.

Lahat kami ay nagtinginan sa pinto. At halos bumagsak talaga ang panga ko sa sahig dahil sa nakita.

Dzai, gusto kong mahimatay.

Fuck . . .

Ayoko na . . .

It's . . . Sebastian. He is now staring at my professor with the most bored stare that I've ever seen from a human being.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now