Episode 74

5.7K 202 40
                                    

THE next day, hinatid na nga ako ni Sebastian sa bahay namin. He is extra sweet on our way here. Pumasok pa nga siya sa bahay para sabihin kina Mom and Dad na naihatid niya ako nang ligtas. To my surprise, Dad just nod at him. 'Di gaya dati ay hindi na niya ito sinusungitan.

Ngayon ay hinahatid ko na siyang muli patungo sa kanyang sasakyan. Sinara ko ang gate namin saka humarap sa kanya. "I hate to admit it but I am starting to like this new side of you—"

"Allow me to rephrase that, it's my true side and not my new."

I rolled my eyes as I chuckled. "Whatever."

Iyan kasi ang paliwanag niya sa akin sa buong biyahe namin patungo dito. Na heto talaga siya. Sadyang hindi lang daw talaga siya ready pang ipakita sa akin ang totoong side niya. Na-trauma raw kasi siya kay Catalina na binigay niya naman ang lahat pero iniwan pa rin siya sa huli.

Pero ngayon, handa na siyang ibigay ang mundo sa akin. Ang punan lahat ng pagkukulang niya ng mga bagay na dapat ay ginawa niya noong kami pa.

"By tha way, so . . . what's now? Hindi pa natin napag-u-usapan kung ano nang label natin." He asked while scratching his nape. Ang cute niyang tingnan kasi para ba siyang nahihiya.

"Ligawan mo uli ako," tinaasan ko siya ng kilay, "anong gusto mo? Tayo agad? Gold ka ba?"

He shook his head as he laughed. "Alright, I know. I get it."

"Paghirapan mo ako ngayon." I crossed my arms and continued to raised an eye brow at him.

Pero nagulat na lang ako nang lumapit siya sa akin. Napasandal ako sa gate namin. He trapped me with his arms resting at the gate.

"Hoy, ano ba! May dumadaan na mga sasakyan, oh!"

"This time, I will make it right." Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa dahilan para maramdaman ko sa aking mukha ang mainit niya hininga. It was minty. "Paghihirapan kita . . . at hindi na pakakawalan."

Buong akala ko ay hahalikan niya ako sa labi. Pero hindi pala. He kissed me on my forehead. Then he messed my hair while giving me his boyish grin.

Napakagat-labi ako para pigilan ang ngiti ko. Kakainis! Bakit kasi ang gwapo ng isang 'to kapag ngumingiti?!

"Nga pala, about Mylo," he mumbled kaya't naagaw niya ang atensyon ko. Right, about him . . . "Sigurado ka bang ikaw lang ang makikipag-usap sa kanya mamaya? Hindi mo ako isasama?"

Huminga ako nang malalim. "Yes."

Tapos isa pang hingang malalim. "The last thing that I want to happen is to witness the two of you to kill each other."

Alam ko naman kasi na malaking gulo lang talaga kapag pinagsama ko silang dalawa. Kaya't kahit nakakakaba, ako na lang ang makikipag-usap kay Mylo. Although hindi ko alam kung matatakot ba ako o maiilang kasi basically, the Mylo that I know was the fabricated one, I know that I have to do this alone. I have to because I was the one who he did shitty things for the last two months.

Sebastian only laughed carefreely at me. Ginulo niyang muli ang buhok ko. At ang gago pa nga, ninakawan pa ako ng kiss sa lips bago siya tumakbo papasok ng sasakyan niya! 

***

IT was prolly five in the afternoon when I arrived at the cafe near the Prudence Company Building. Dito ako unang dinala ni Mylo para magkape at dito ko na rin tatapusin ang lahat ng namamagitan sa amin.

He practically betrayed me. Alam ko namang may rason siya kung bakit niya nagawa ang mga iyon. But his pain doesn't validate him to cause me harm. Lalong-lalo na kung wala naman akong ginawa sa kanyang masama. I was actually genuine to him pero anong ginawa niya? Niloko niya ako. Ginago.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now