Episode 51

7.1K 229 36
                                    

Five pregnancy tests.

Five lines.

Each has one line.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Kusa akong napaluha habang nakangiti. Ngayon ay para ba akong nabunutan ng isang malalim na tinik mula sa puso. Para ba akong nanalo sa isang digmaan na alam ko namang talo ako. Iyong tipong para akong nanalo sa isang lotto kahit hindi naman ako tumaya? Ganorn!

There, I smiled wide and cried like a mad woman!

Negative! Pucha, opo! Garantisado! Walang bahid ng katarantaduhan! Hindi ako buntis! Jusko! Maraming salamat! Papuri sa Diyos! Papuri sa Diyos! Sa kaitaasan, papuri sa Diyos!

Mangiyak-ngiyak, agad kong kinuha ang cell phone ko. I called Sebastian and I am really glad that he is so quick to pick his cell phone up.

"Yes, baby? Mabilisan lang 'to, ha? Nasa gitna kasi kami ngayon ng pag-pa-practice-"

"Negative ang result!" I exclaimed as I pulled my hair backwards. "Hindi ako buntis! Hindi na ako magiging mommy!"

"Really, baby?" He asked with a carefree tone. He sounded happy but I am not quite sure of that.

"Yes! Fucking yes!"

"Holy shit . . ." Narinig kong bahagyang humina ang kanyang boses. Parang inalayo niya ang kanyang cell phone sa bibig niya nang ilang segundo. Pero agad rin namang naging malinaw ang kanyang boses makaraan ang ilang saglit. "Thanks God, baby. Hindi ka na ma-i-stress ngayon-"

Bigla akong napa-poker face. "So, ako lang pala ang na-stress nung nalaman mong buntis ako?"

"Uhm . . ." He started then he fucking chuckled nervously! Is he even real?!

"Wala lang. May na-realize kasi ako after mong sabihin sa akin ang tungkol sa condition mo. There, I began to kinda like the idea of us having kids, you know?" He continued and my jaw fell to the dirty floor of this cubicle.

"Gago ka talaga." Napairap ako na para bang kaharap ko lang siya ngayon.

"Bakit?" He continued to chuckle. "Anong masama d'on? Mahal kita. Mahal mo ako."

Matapos ay nabigla ako nang maging mas makapal pa ang kanyang boses. Malapit na iyon sa isang mapang-akit na bulong. "We are already fucking like a married couple. So, what's holding you back?"

Napalunok ako. Lintik na boses 'yan! Bakit ang hot? Bakit ang sexy? Bakit nag-va-vibrate iyon sa gitna ng mga hita ko?! Abnormal na yata itong katawan ko, eh! Shuta! Tulong!

Hindi na talaga ako makaisip pa ng isasagot sa kanya. Mabuti na lang talaga at para akong na-save by the bell ni Maxton. Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang boses niya. Pinababalik na niyang muli sa practice si Sebastian.

"Baby, start na uli ng practice. Will see you later diyan sa library, alright? I love you."

Sasagot na sana ako nang bigla niya akong patayan ng tawag. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil sanay na naman ako. Kinuha ko na lang ang mga pregnancy test at inilagay iyon sa loob ng trash bin.

Matapos niyon ay may ngiti sa aking mga labi nang lumabas na ako sa cubicle. Isang malawak na ngiti ang iginawad ko sa malakinh salamin ng comfort room na ito.

Lord, iba ka rin talaga magpakaba ano? Kanina pa ako mahihimatay sa kakaisip kung papaano ko ito sosolusyunan. Mabuti na lang at flase alarm lang pala!

Grabe siya!

LUMIPAS ang isang linggo ay naging maingat na talaga kami ni Sebastian. Hindi ko na talaga siya pinapasok sa akin nang walang condom.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now