Episode 62

5.7K 207 40
                                    

PATULOY na bumilis ang pagtibok ng puso ko habang patuloy rin sa pagkanta si Sebastian. He is just staring at me as if saying the lyrics of the song straight to my face. He also has this arrogant-looking smile that is so sexy and charming at the same damn time.

Nakaka-badtrip na ang hirap niyang tiisin na 'wag panoorin habang kumakanta. Ang hirap magpigil ng sarili kasi ramdam kong at any moment, baka mag-fangirl ako dito sa tabi ni Mylo! Ever since kasi noong kami pa ni Sebastian, grabe talaga ako kung mag-cheer sa kanya. Well, deserved naman talaga kasi. His voice is really something.

Hanggang sa natapos na ang kanta. Nagpalakpakan at naghiyawan sa kilig ang mga audience. Ako naman ay para bang doon lang nakahinga nang maayos. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga!

"The song that we just played called Sinderela by Cup of Joe," Maxton mumbled through the microphone. "Well, itong sunod na kanta naman na aming tutugtugin ay very personal para sa vocalist natin ngayon."

He is smiling at Sebastian with an unknown message. Si Sebastian naman ay tinawanan lang siya habang umiiling nang bahagya.

"He dedicates this song to a girl for which he ghosted- oh no, not that word. The right words should be, left hanging with no explanation."

I blinked. Hinayaan mo munang mag-proseso ang lahat sa utak ko.

And then, boom.

Oh, no . . .

No.

Naubo ako nang bahagya. Nang mapatingin ako kay Mylo ay hindi na talaga maganda ang timpla ng kanyang mukha. Magkasalubong na ang dalawang mga kilay niya. I only gave him an apologetic smile. On the back of my mind, I will hit them one by one after this!

Para nilang pinag-ti-trip-an si Mylo! Parang set-up nga yata 'to, eh. Pinagplanuhan ba 'to? Heto ba talaga ang rason kung bakit pumayag si Maxton na may ibang mag-occupy ng position niya for tonight?

"Now, para sa babaeng minsan nang iniwan ng tropa ko," Maxton continued. Then when he travelled his gaze at me, I flashed him a poker face, "sana ay mabigyan mo pa siya ng second," a naughty smile came from his face when he mumbled, "chance."

I balled my fists.

Ugh.

I really get it now!

"Sa buhay, may magagawa tayong mga pagkakamali na hindi natin maiiwasan. Pero ang mahalaga dito, bumabawi tayo. Pinipilit nating maging better version of ourselves para maging deserving tayo sa second chance ng taong mahal natin. Kaya kung sino man ang babaeng iyon, please give this guy," he pointed at Sebastian who is now wincing as if embarassed by his friend, "a shot. Alam kong gago 'to pero kahit na gago 'yan? Nagbabago 'yan."

Still on my poker face, Maxton laughed. "Let's go!"

Nagsimula na namang tumugtog ang banda. Ngayon ay propesyonal na uling gumagalaw ang mahahabang daliri ni Sebastian sa string ng kanyang gitara. Those fingers are really professional.

Umayos ako ng upo kahit ang totoo naman ay maayos na naman ang upo ko. I am not comfortable now that I already decipher what PDYN are up to. Now, I am wondering kung parte rin ba si Alaia sa planong ito. Kasi kung oo, sasabunutan ko siya forever!

But every thoughts on my mine stopped the moment I heard Sebastian. There was his sexy voice once more. And I found myself swallowing hard again when he darted me his asian eyes. "Di ko nais na magkalayo tayo. Nagselos-"

Pinutol siya ni Maxton. "Ginago ka niya at iniwan pa!"

"Gago talaga," bulong ko sa sarili habang natatawa.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now