Episode 53

6.9K 281 51
                                    

THE cold wind of December continued to hug me like a betrayal of a warm embrace. Ang lamig na iyon ay lalo lang nakadagdag sa panghihina ng mga tuhod ko. Patuloy akong naging bato sa pinaghalong kaba, pagtataka . . . at sakit.

Sakit kasi bakit magkasama sina Catalina at Sebastian ngayon? Sakit kasi bakit magkahawak ang mga kamay nila?

Lumunok ako ng laway.

Huminga nang malalim.

Kailangan kong sagutin ang dalawang tanong na iyon. Kailangan kong kumilos para mahanap ko ang sagot. Kasi kung hindi ko iyon gagawin ngayon—kung magpapakaduwag akong harapin ang bagay na ayokong makita, walang mangyayari.

Kasi papaano kung tamang hinala lang naman ako? Paano kung mag-u-usap lang naman sila . . . pero bakit kailangang sa likod pa talaga ng Marketing Building?

Isang malalim na paglunok uli ang ginawa ko. Hanggang sa tinibayan ko na lang talaga ang puso ko. Nagawa kong humakbang nang may panlalamig sa mga paa at pagkamanhid sa dibdib. Isa akong blangkong papel habang tila bang naghihintay na mapintahan ng sakit nang dahil sa makikita ko sa likod ng building na ito.

Nang makalapit na ako sa likod ng building ay inilapat ko ang likod ko sa pader. There, I tried to eavesdrop on their conversation.

"Let . . ." Catalina started. By the sound of her voice, it appeared that she is so close to crying. "Let me love you again."

"Catalina . . ." Sebastian answered.

Napasapo ako sa dibdib nang dahil sa narinig. Nanghina ako. Kasabay ng panghihinang iyon ang unti-unting pag-sakop ng kaba at takot sa akin.

Na paano kung ma-realize ni Sebastian na mas gusto niya talaga si Catalina keysa sa akin?

Si Catalina na maganda.

Si Catalina na sexy.

Si Catalina na gusto ng lahat.

Papaano kung bigla na lang akong iwan ni Sebastian dahil heto . . . nakikipag-balikan na sa kanya ang babaeng minahal niya—na hindi ko naman siguro kung mahal niya pa rin ba ngayon.

"Let me love you the way I should have a couple of months ago." Pagpapatuloy ni Catalina. "Please, babe. Give me the chance that I am begging you and I swear . . . I fucking swear that you will never going to regret it."

Sa puntong iyon ay doon na ako sumilip sa kanila. Nakita kong nakayakap sa kanya si Catalina. Sebastian is caressing her back. And that view . . . that view is excruciating.

Bakit hindi manlang magsalita si Sebastian? Bakit hindi pa niya sabihin na hindi na pwede ang gusto niya kasi nandito na ako? Kasi nandito na si Chance sa puso niya. Kasi ako lang dapat. Kasi ako lang ang mahal niya. Bakit ayaw pa niyang umalis sa senaryong iyon? He should run and fucking think of me.

Putangina naman.

Hanggang sa tuluyan na lang talaga akong naparalisado mula sa kinatatayuan ko nang nag-angat ng ng mukha si Catalina kay Sebastian. Kitang-kita ko kung papaano nagtama ang mga mata nila. At one moment, he tried to tear his gaze away from her but she is just too eager for his attention. Hinawakan niya ang pisngi ng boyfriend ko.

And what happened next made me want to die.

She kissed him.

And what's more painful?

He responded.

I am witnessing my world to crash down right before my eyes as I continued to watch them kiss. To watch their lips to crash with each other as if it's a necessity.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now