Episode 13

7.9K 302 75
                                    

MRS. Catapang started to discuss her lesson. Hindi ko na ito naintindihan pa kasi itong si Sebastian, parang tanga. Nagsasalita siya habang nagsasalita rin ang masungit naming professor.

Pukingna! Kapag talaga ako nadamay sa kagaguhan niya, sisipain ko siya sa puson nang magkaroon siya ng dysmenorrhea kahit lalaki pa siya!

"What are your plans after class?" He asked me as if talking in the middle of Mrs. Catapang's class is not going to be our death.

Hindi ko siya pinansin. Nagkunwari akong nakakinig nang mabuti sa professor. Pero ang totoo niyan, lumilipad ang utak ko sa kanya. Walang hiya naman kasi, bakit siya nakatitig sa mukha ko? Kitang-kita ko iyon mula sa peripheral vision ko.

"Hey." He mumbled again. This time, he is poking my arms. "Just answer me and I won't bother you for the whole class."

Nang hindi pa rin siya tumigil sa pagsasalita ay wala na akong nagawa. Nilingon ko siya habang nakatingin sa kanya nang masama. "Tatambay ako sa library, okay na?"

Inirapan ko siya at tinuon muli ang mga mata sa harap.

Pero nagulat ako sa sumunod niyang sinabi. "Sabay na tayong mag-lunch. Sumama ka sa akin after this class."

Napalingon ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. "Sige nga, tapatin mo na ako. Ano talagang pakay mo sa paganiyan-ganiyan mo."

Nakaka-badtrip na, eh! Kung may pina-plano na naman siyang kagaguhan, ngayon pa lang sabihin na niya para mabatukan ko na agad siya!

At hindi ko sinasadyang mapataas ang boses ko. "H'wag ka nang magpaligoy-ligoy, diretsuhin mo na ako!"

"Anong diretsuhin, Ms. Bitchy at the back?" And then there was Mrs. Catapang's creepy voice. It was low but the dullness of her voice overruled it. Nang mapatingin ako sa kanya ay nakakakilabot ang kanyang ngiti. Gusto kong maihi sa palda ko!

"Nababagalan ka ba sa paraan ng pagtuturo ko? Bored ka na ba?" Ang dagdag niya pa.

Swear, sa mga puntong ito ay gusto ko na lang maging puting buhok ng naghihingalong siraulo! Ang mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. May ibang nakangiti na para bang isa akong super hero para sa kanila. Ang iba, kasama na si Alaia, ay napapangiwi. Tila bang sila ang mas kinakabahan keysa sa akin.

"Ano? Sagot!" Tumaas na ang boses ni Mrs. Catapang at gusto ko na lang maiyak! Para bang siya iyong teacher sa video ng Vincentiments! Ayoko na! "Sumagot ka! Sagot—"

"It's my fault, Ma'am." Napalingon ako sa nagsalita. It was Sebastian. Ngayon ay nakatayo siya. Diretsong nakatingin sa nanggagalaiting professor namin.

"How it is your fault?" Tinaasan siya ng kilay ng matanda.

"I was asking her about our lesson for today." He answered without stuttering. Saan ba siya bumibili ng katapangan? Shop reveal naman, hutaena!

Nagpatuloy siya. "Hindi ko kasi matumbok ang gusto kong itanong kaya siya nairita. She is listening to you for the whole time and she only got irritated by my countless of questions."

Himalang natahimik doon ang mahaderang professor.

"Everything is my fault, Mrs. Catapang. And I am very sorry for that."

I blinked. Aba. Ang plastic rin ng isang 'to, ang galeng! Ang bait! Parang walang sungay sa ulo 'yarn? Parang hindi full-time demonyo last week?

Natapos ang katakot-takot na eksenang iyon sa isang singhal lang ni Mrs. Catapang. Matapos ay dumiretso na siya sa pagdidiscuss na para bang walang nangyari. Naupo muli si Sebastian at nanahimik na rin siya for the whole time.

Nang matapos sa pag-di-discuss si Mrs. Catapang ay ipinagawa na niya sa amin ang activity na to be submitted rin at the end of the class. Pero bago iyon ay sinabi niyang isa-isa naming ipasa sa kanya ang first requirement namin sa kanya habang ginagawa namin ang activity. Iyon iyong in-depth research na sinabi niya sa amin last week. Ang research paper kung saan partner ko si Sebastian.

Dahil nasa likod pa kami ay kami ang huling magpapasa ng first requirement kay Mrs. Catapang. Manabuti ko na lang na tapusin agad ang activity. Pero ang tanong, paano ko iyon matatapos kung may demonyong nanggugulo sa tabi ko?

"I saved you earlier, you owe me your lunch with me." He mumbled and I automatically raised my eye brow at him.

"Let me rephrase it." I smiled sarcatically. "You saved me from the trouble that you made me start."

"There's a fine line between being the savior and the enabler. Gets?" Umirap ako sa kanya at itinuong muli ang mga mata ko sa yellow paper.

"Libre ko." Ang dagdag niya pa. "Saan mo ba gustong kumain? Yellow Cab? Domino's Pizza? S&R? I heard from Alaia that you love pizza so much."

Doon ay napatingin sa akin si Alaia. When I glared at her, bigla siyang tumalikod sa akin. Pahamak talaga ang gagang iyan, kahit kailan!

"Tss," ang sambit ko lang. Knowing na marupok ako pagdating sa pagkain, baka pumayag talaga ako. Letche siya!

Hindi ko na talaga siya pinansin pa.

Mamatay siya diyan kaka-suggest! Last week lang ay para akong basura sa kanya pero ngayon, gold na ako? Real quick? Ni hindi pa nga siya nag-so-sorry sa ginawa niya sa akin pero heto siya at nag-de-demand na sabayan ko siyang mag-lunch?!

Kung magulo ang buhay niya, 'wag na niya akong idamay!

"Or, gusto mo bang tumambay muna tayo sa library bago mag-lunch—"

"A.Y.O.K.O." Ang pagputol ko sa kanya bago tumayo dala-dala ang first requirement. Kami na kasi ang hinihintay ni Mrs. Catapang.

Masama ang tingin sa akin ng professor namin nang ibigay ko na sa kanya ang research paper. Hinablot niya iyon sa kamay ko. Halos manginig talaga ako sa takot. Jusko, horror story talaga ang magiging journey ko sa subject niya!

Nang tumayo ako sa harap ng desk niya ay doon ko lang napansin na sinundan pala ako ni Sebastian. Luh, bakit nandito 'to eh hindi ko naman siya—

"Oh, akala ko ba partner kayo dito? Bakit pangalan mo lang ang nandito, Ms. Bitchy?"

Sa sinabi ni Mrs. Catapang ay napa-smirk ako sa napapakurap na si Sebastian.

Hmm . . .

Akala mo, ha.

Lintik lang ang walang ganti!

I smiled sweetly at our professor. "Hindi po kasi siya tumulong kaya po inalis ko na lang. Ang kapal naman po kasi yata ng mukha niya kung mag-de-demand siyang isama ko diyan when in fact, wala naman talaga siyang ginawa."

"Well, very good." Mrs. Catapang smiled evilishly at me. At one moment, para kaming magkasabwat sa pagpapabagsak kay Sebastian. "Go back to your seat now."

Nang bumalik na kami sa upuan ay saktong pinakolekta na ni Mrs. Catapang ang mga papers namin. Matapos niyon ay lumabas na rin siya. As usual, nang walang paa-paalam sa amin.

Ilang minuto ay lumabas na ang lahat. Kasama si Alaia na akmang lalapitan sana ako pero nang tingnan ko nang masama ay biglang lumabas ng classroom.

Right now, kami na lang ni Sebastian ang nasa loob.

He is glaring at me.

And I only smiled sweetly at him.

×××

Author's Note: Pasensya na po kung maiksi lang po updates ko lagi, huhu. May isa pa po kasi akong ina-update na story sa Dreame. Bear with me po, after n'on ay mahaba-haba na po ang isusulat ko.

Maraming salamat po sa pag-intindi!

Btw, what are your thoughts about the sudden change of Sebastian?

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now