Episode 10

8.2K 280 42
                                    

UNDER the booming system, my heart beats loudly. Uncertain if it's because of sudden fear or what, I froze on my seat.

Did I heard Casper right?

Gusto niyang halikan ko si Sebastian? Like, for real?

"Girl this is your show, this is your time. It's showtime!" Ang bulong sa akin ni Alaia.

"Laplapan na 'to!" Ang dagdag niya pa at gusto ko na lang talaga siyang sampalin! Gagang 'to, kinakabahan na nga ako dito, kung ano-ano pa ang sinasabi!

"Come on, Chance. Payag naman si Sebastian, right?" Casper nudged Sebastian shoulder and I am really surprised when he nods! What the hell is happening?!

"Kiss him now!" Ang paninimula naman ni Maxton.

Na sinabayan din nila. "Kiss him now! Kiss him now!"

At itong si Alaia. Sumisigaw na para bang proud na proud na isang stage mother. Tumayo pa siya at nagtatalon-talon. "Kiss him now!"

Jusko, teka lang naman! Bakit biglang may halikan?! Virgin pa ang lips ko! Never been touched, never been kissed ako huy!

Kahit naman former crush ko 'yang si Sebastian, hindi ko isusuko sa kanya ang bataan ng labi ko! Kahit gaano pa siya kagwapo! Kahit gaano pa ka-kissable ang pink na labi niya!

Mahalaga sa akin ang first kiss ko at ayokong mawala iyon sa ganitong sitwasyon lang! Ang pinapangarap kong first kiss ay sa isang peaceful na lugar, tahimik habang may tumutugtog na Taylor Swift song. Hindi dito sa party, lalong lalo nang hindi dito sa gitna ng mga nagsasayawang mga tao!

I was about to shake my head to disagree when Casper nudged Sebastian's shoulder again. Then he gestured his head towards me as if demanding him to sit beside me.

Talagang nanlaki ang mga mata ko nang tumayo si Sebastian. Napalunok na lang ako nang tumabi na siya sa akin. All of them yelled in amazement while I am about to dig a hole in my seat just to escape this embarassing situation!

"Come on, Chance. You can do it." Casper cheered me on.

"Sandali!" Alaia intervened. "Kukunin ko lang ang cell phone ko sa taas."

Then she pointed her forefinger towards Sebastian. "H'wag mo munang hahalikan ang best friend ko, ha! Sinasabi ko talaga sa 'yo! Hintayin mo ako, ikakamatay ko kapag hindi ko na-video-han ang first kiss niya!" Matapos ay tumayo na siya at tumakbo papunta sa hagdanan.

Gaga talaga! Parang wala ako sa harap niya para sabihin 'yon?! Kung sinasampal ko kaya siya nang pasala-sala para mamatay siya kakailag?!

Napapangiwi na lang talaga ako nang ako na lang ang babae dito. I looked at everyone, looking like I am about to pee at any moment due to the tension on my body.

"Can I refuse the dare?" I started while scartching my nape. "It's my first kiss. I don't want to lost it just because of a dare."

Ramdam ko ang pamamawis ng palad ko. Pati na rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Kasi ayoko talagang gawin ito. Ayokong ibigay ang first kiss ko ngayon lalong lalo na kung dito lang din naman sa demonyong nasa tabi ko. Magpapakamatay na lang ako keysa makipaghalikan sa kanya!

Right now, Sebastian is just staring at me with an emotion that I can't decipher. Tahimik lang talaga siya. He is silently watching me speak. Na-conscious ako nang slight.

"It's just a kiss, Chance. Come on, it's not like, we are about to kill you or something." Maxton laughed.

Tumingin uli ako kina Casper. Shaking my head, I mumbled, "I really don't want to do it. Please, respect it—"

Pero nagulat na lang talaga ako nang may maramdaman akong palad mula sa pisngi ko. And before I knew it, nakaharap na ako sa mukha ni Sebastian. He leaned closer and closer to me . . . up until I felt his soft lips to mine.

He is kissing me deeply.

Nanlaki ang mga mata ko.

Pwersado ko siyang itinulak palayo sa akin. Matapos niyon ay malakas na lumapat sa kanyang pisngi ang palad ko.

"What was that for?!" He exclaimed while glaring at me.

Tumayo ako at lumayo sa kanya. My breathing is getting stiff. Sumisikip ang dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang init mula sa ulo ko. I am fucking embarassed and harassed at the same damn time!

Dinuro ko siya. "That is for you being the biggest jerk on Earth! Sinabi kong nang ayoko, bakit tinuloy mo pa—"

He cut me off harshly. "For fuck's sake, that's just a kiss."

Putangina, so parang kasalanan ko pa ngayon?

"You know what?" I combed my hair towards the back of my head. I am not that type of a person who is good at exploding conversationally.

I throw my hand in the air. "I am done. I am fucking done with this game!"

I glared at everyone before I walked out. Hindi ko na hinintay pa si Alaia. Dire-diretso akong lumabas ng flat. Umuulan sa labas at wala akong pakialam. Hinayaan kong tumulo sa katawan ko ang ulan. I was close to crying but I keep on holding it back.

I can't cry.

I don't want to.

The Chance that I know can't cry no matter how embarassed she is. The Chance that I am proud of is a strong girl—she can't cry because she is never weak. She is stronger than her mind. She is a fearless queen. That was the reason why I swallowed all of my sobs for which I succeeded.

I cotinued walking towards the pathway while glaring and fucking soaked in the middle of the rain. Padabog akong naglalakad. Paminsan-minsang pang napapamura sa inis.

At this point, hindi ko na alam kung kanino ako dapat magalit. Kay Alaia ba dahil sa pag-invite sa akin sa larong iyon? Kina Maxton ba pati ang kanyang mga ka-grupo dahil sa pag-push sa akin na mag-dare kasi iyon daw ang nasa rules? Kay Casper kaya na siyang nagbigay ng dare? O kay Sebastian na kahit na tumanggi ako ay hinalikan pa rin ako?

Napahilamos ako sa mukha ko.

Pero baka may kasalanan din ako? Kasi on the very first place, dapat hindi na ako nagpunta sa party. Pwede naman akong gumanti kay Sebastian sa Monday. Dapat talaga, hindi na lang ako nagpunta doon.

Fuck it!

Lahat na lang kami, may kasalanan!

Tapos ang problema!

I was still glaring the whole time the moment I reached the mini park of the subdivision. Sumilong ako sa puno. Nanliliit sa sarili, bumuntonghininga ako at saka nagmessage kay Mang Kanor na sunduin na ako.

Pero mauupo na sana ako doon sa bakanteng bench nang bigla akong may naaninag na tao hindi kalayuan sa akin. Nang tumapat na siya sa street light ay nakilala ko na siya. He is wearing a red flannel on top of his white shirt. He is also on his black ripped jeans. Still on his haughty face, he is walking towards me.

Yes, it was no other than the demon himself.

Sebastian Molina.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now