Episode 44

6.7K 232 28
                                    

NAKATINGALA ako sa madilim na langit habang nakangiti nang malawak. Dito ko na napagtantong nawala na pala ang buwan at ang mga bituin. The only thing that Sebastian and I have right now are the dark clouds and the raindrops that is proving me one thing-God's sign has arrived.

Sa mga sandaling ito ay para ba akong nasa ilalim ng panaginip ko. Para ba akong nasa isang senaryo ng sarili kong pelikula. Malamig ang hampas ng hangin sa balat ko. Masarap sa tainga ang ginagawang tunog ng ulan. Ito ang lugar kung saan ako ang bida, kung saan ang masusunod ay ang kagustuhan ko. At ang gusto ko lang ngayon ay walang iba kung hindi ang totoong nararamdaman ni Sebastian para sa akin.

Iyon lang.

Siya lang.

"We should head to my car now or else, we'll get sick-" natigilan si Sebastian sa pagsasalita nang humarap siya sa mukha ko. From my peripheral vision, I can clearly see him staring directly to my face, "why are you smiling?"

Lumingon ako sa kanya. Hindi na naalis pang muli ang ngiti ko. Para bang permanente na ito sa mga labi ko.

"You know what?" I started. Hindi ko na alam pa kung papaano ko makakayanan ang lakas ng pagdagundong ng puso ko ngayon. "Kanina . . . Sa Baguio Cathedral."

"What?" He blinked. Seemed concern at the moment. "May nangyari ba? May mali ba?"

I shook my head. Muli akong tumingala sa langit. Hinayaan kong tumulo ang ulan diretso sa mukha ko. "I asked God for a sign."

"Sign?" He asked, sounded really concern by this time. "Sign for what?"

"Sign . . ." Muli akong tumingin sa kanyang mukha. "Sign kung totoo ba talaga ang nararamdaman mo sa akin. Kung totoo ka ba talaga dito sa panliligaw sa akin."

That caught him offguard. May ilang minutong para ba siyang natigilan. Nakatingin lang siya akin. For a moment, he opened his mouth and then close it again as if he is hesitating to mumble a word. In the end, he chose to just stay quiet when I continued speaking.

"I asked God na kung talagang dapat na akong maniwala sa 'yo, paulanin niya ang langit." Bahagya akong natawa. "Silly, right? There is no sign of raining today as what the weather forecaster said last night. Nang makarating din tayo dito, kitang-kita natin kung gaano kaliwanag ang buwan at kung papaano naging maganda ang langit dahil sa mga stars."

Patuloy akong ngumiti habang tumutulo ang patak ng lumalakas na ulan sa mukha ko. Hindi ko na iyon ininda pa dahil namanhid na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Natuliro na ako sa nagwawalang mga paro-paro sa tiyan ko.

"But now . . . But now, it's happening. It's raining. God's sign is flashing right infront of my eyes and all I can do is to just be bedazzled by His grace . . ."

Nakita kong sumilay ang isang magandang ngiti mula sa mga labi ni Sebastian. Naging maaliwalas ang kanyang mukha sa pagitan ng tumutulong ulan sa kanyang mukha. "Madami na akong nagawa sa 'yo pero duda ka pa rin pala sa akin?"

He continued with his smile. "Hindi ako magtitiis sa lahat ng toyo mo para sa wala lang. Hindi ako mag-i-stay dito sa tabi mo kung trip lang 'to. Kasi kung oo? Katangahan na 'yon at hindi ako tanga noong mag-desisyon akong ligawan ka."

And then he hold my hand. He kissed it before he said the words that sent me a lot of vivid electricity on my system.

"Baby, believe me when I say I like you. That I want you. That I love the whole you." He is now chuckling as he grazed his lips on my hand. "Mahal ko ang lahat ng toyo mo. Mahal ko ang pagiging matakaw mo. Mahal na mahal ko ang pagiging totoo mo."

"Talaga ba?" I mumbled with my growing tears. Hindi ko na namalayan na naiiyak na pala ako. Na may tumutulo na palang mainit na mga luha pababa ng mga pisngi ko. "Kahit na mataba ako? Kahit na hindi ako kasing sexy ng ibang mga babae?"

"Mahal ko ang fats mo." He laughed gently. "Mahal ko ang size mo, baby. Mahal na mahal ko kung ano ka. Mas lalo kitang minahal dahil proud ka sa sarili mo. That makes you special to my eyes. That makes you the only one for my heart to root."

Those words of him went straight to my heart just like the cupid arrow.

Those words are the epitome of my daydream. I never once imagine for it to happen. Not until tonight. Not until I saw how genuine Sebastian is when he let it just flow out of his God damn perfect lips.

And just like that . . . Just like that, I felt like I have to tell him something. I felt like something has to be tonight. Something has to happen at this moment.

Alam kong baka na-o-overwhelm lang ako ngayon pero wala na akong pakialam. Gusto ko na itong sabihin sa kanya. Kahit mukhang padalos-dalos ito. Kahit na hindi ko pa ito pinag-iisipan nang mabuti. Kahit na para bang maaga pa ito para sabihin ko.

Gustong-gusto ko na talaga itong sabihin sa kanya.

At wala na akong balak pang pigilan ang sarili ko. The universe has already conspired, all I have to do now is to just deliver its message.

There, I started to heave a sigh. I looked up to the dark sky once more. I tried to calm myself but the beautiful storm on my heart is just too inevitable for me to handle.

And then,

And then just like that, I let it skip on my mouth.

"Sinasagot na kita." Sambit ko habang patuloy ang pagtulo ng luha ko dahil sa tindi ng saya na nararamdaman ko ngayon.

"B-Baby?" He mumbled with his voice so low that it indicates how puzzled he is from what he heard.

Tumingin ako sa kanya. Ngumiti ako kasama ng mga luha kong para bang wala nang katapusan. Nakita ko kung papapano siya mapalunok. Kung papaano niya ako tinitigan sa mga mata. Sa mga sandaling iyon ay nangungusap ang kanyang mga mata. Tila bang pinaparating nito na sana ay tama ang kanyang narinig.

"Sinasagot na kita . . ." I said again. And this time, with a sob. "Girlfriend mo na ako."

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now