Episode 9

7.6K 288 33
                                    

TUMAYO si Alaia. Hinila niya ako patungo sa sofa. Wala akong nagawa nang dire-diretso niya akong pinaupo.

"Aray naman!" I glared at her but she only shrug.

Right now, the four official members of PDYN Band are sitting with us. Idagdag pa diyan iyon tatlong apprentice for the vacant pisition including Sebastian. Nakaupo kami nina Alaia at Maxton sa sofa and the rest ay sa sahig naupo.

Hindi ko sila kilalang lahat, actually. Well, except kay Maxton na jowa ng best friend ko at ang siyang pinakasikat sa banda. With his hunky charm and husky voice, sino bang hindi makakakilala sa kanya?

"Guys, this is Chance. My best friend." Alaia introduced me with her forever sweet smile.

Lahat sila ay ngumiti sa akin. Ngumiti na lang din ako pabalik. Hanggang sa pinakilala na sila ni Alaia sa akin. Tumango-tango na lang ako. Hindi ko rin naman kasi iyon maaalala later on. I am not good with names, I must admit. Nakakatamad mag-effort na tandaan ang pangalan nila gayong sigurado naman akong ngayon ko lang talaga sila makakausap.

"Are you done with your introduction and all, babe?" Told by Maxton. We all laughed when Alaia rolled her eyes at him.

Maxton only shrug. Then he started to turn his gaze around us. "Now, here is the mechanics. I'm gonna spin this bottle at kung kanino tumapat ang ulo nito, that person has to do the consequence which is the truth-or-dare-shit nga. On the other hand, kung saan naman tumapat ang bottom ng bottle, siya ang magtatanong ng truth or dare."

He smiled at us. Yes, and at me. He is really friendly. "G ba?"

Lahat kami ay tumango. At doon na nga nila sinimulan ang kalokohang ito. Pinaikot na ni Maxton ang bote. Sa bawat pagtapat ng ulo niyon sa akin ay talagang napapadasal ako. Babasagin ko talaga ang bote na 'yan kapag tumapat 'yan sa akin!

Thankfully, tumapat ito kay—ano uling pangalan ng lalaking 'to? Siya yata iyong drummer ng banda.

"Luhan, are you ready?"

There, thanks to Alaia. Nakatapat sa kanya ngayon iyong bottom ng bote which means, siya ang magtatanong kung truth or dare ba.

"Truth or dare?" Pagpapatuloy niya.

"Okay, let me do the dare." Ang mayabang na sagot naman ni Luhan.

"Ay, ang taray! Gusto ko 'yan, with confident and conviction!" Pumalakpak pa ang gaga kong best friend. She is really excited, I can tell. "Oh, sige dahil talagang ikaw ay may taglay na kapatapangan . . ."

Ngumisi siya nang nakakaloko. "See that girl? Her name is Samantha, right?"

Tumingin ako sa direksyon na tinitingnan nila. It was a girl with white silky dress. Maiksi iyon na talagang kaunting pagtaas lang ng palda niyon ay makikita mo talagang makakakita ka ng hindi kanais-nais na tanawin.

Luhan smiled boyishly. "Yes, that's my ex—"

"Kiss her torridly." Ang sambit ni Alaia. Nanlaki ang mga mata ko. Gaga talaga 'to! Seryoso ba siya?! "That's my dare."

Lahat sila ay napa-woah sa sinabi niya.

Halatang hindi iyon inaasahan ni Luhan. For a moment, he is just blinking on his sit. Seemed quite unsure if he will do the dare.

Pero since mukhang may tama na nga ng alak—na sinamahan pa ng pangangantiyaw ng kanyang mga kabanda ay tumayo siya. Naglakad siya papunta kay Samantha.

Hindi ko alam na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga not until I saw Luhan to grabbed his ex's hand. Nang humarap ang babae sa kanya ay hinalikan niya ito nang marahas. Walang sabi-sabi, tuklawan agad!

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon