Episode 14

7.7K 255 54
                                    

RIGHT now, I can clearly feel the tension inside the classroom. And if the author is too exaggerated to describe this, it would probably a hell who is masquerading as hell. Like, may mga usok sa buong paligid. Umaapoy ang ceiling at arm chairs. At may Satanas na nakatayo sa harapan ko ngayon.

"Bakit hindi mo ako sinama sa research paper?" Sebastian's voice is low but the anger and irritation can be felt by the way how he stared at me.

Ngumiti pa rin ako nang sarkastiko. "Hindi mo narinig ang nirason ko kay Mrs. Catapang kanina? Bingi ka?"

"I am fucking serious here." His jaw clenched. His breath is getting stiff, I can clearly see it from his broad chest. It's moving up and down slowly.

Bipolar talaga ang isang 'to. Kanina lang ay pinipilit akong mag-lunch kasama siya pero ngayon, galit na galit. Malala pa ang lalaking ito sa babaeng may PMS, eh. Ibang level ang toyo ng isang 'to, oo!

"Sige. Kung hindi mo narinig ang sinabi ko kay Mrs. Catapang kanina, uulitin ko ngayon." Hindi pa rin nawala ang mapang-inis kong ngiti. "Hindi kita sinama kasi nga ako lang naman ang naghirap sa research paper na iyon. Ako ang nagpuyat sa kakahanap ng mga data, ako ang napagod sa pag-sa-site ng mga resources, ako rin ang nabaliw sa pag-co-construct ng mga paragraph-ako lahat."

I pointed my forefinger at him. "Ako lang at walang ikaw na naghirap para lang matapos ang research paper na iyon."

Magsasalita na sana siya nang unahan ko siya. "Kung hindi mo pa rin gets ang point ko, heto-in short, wala kang ambag. Specifically? Pabigat ka kaya kita niligwak sa research paper ko."

"May in-ambag ako. Ako ang nagbayad ng pagkain mo, ako rin ang nagbayad ng pagod mo-"

"Ah, heto?" Kinuha ko sa wallet ko ang isang libo. "Heto ba 'yon? 'Yung pangbayad mo sa pagod ko? Sure ka, heto na 'yon?"

Hindi siya nakasagot nang bigla kong itapon sa kanyang harapan ang pera. "Pwes, sa 'yo na 'yan. Lamunin mo. Lunukin mo. Better rin if utusan mong gumawa ng research paper mo."

He is about to open his mouth to speak but I cut him off for the second time. "Ang kapal naman yata ng mukha mong bayaran ako when in fact I have more than that. Hindi pera ang kailangan ko kung hindi tulong mo. Kasi kung pera lang din naman ang pag-uusapan?"

I threw all of my money at him. Prolly, nagkakahalaga ito ng five thousand or something. "There, mag-do-donate pa ako sa 'yo para makahanap ka ng research partner na kaya kang buhatin kahit sobrang pabigat mo pa!"

Nakakainis na talaga. Akala ba niya, kung sinong estudyante lang ako dito sa St. Chester State University? Well, nagkakamali siya. Anak lang naman ako nina Liv Zoberano at Grace Samonte-the powerhouse loveteam of all time!

Nakakainis lang talaga na pinrivate nina Mom at Dad ang tungkol sa amin ni Hope. Wala tuloy nakakakilala sa amin. Ang alam lang ng public, may dalawang silang babaeng anak pero iyong mga mukha namin? Pinapabura nila agad iyon sa internet once na kumalat. Ayaw raw kasi nila kaming ma-expose sa ka-toxic-an ng showbiz and they also want us to live a normal life.

Thankfully, wala nang ibang sinabi sa akin si Sebastian. Kasi kung kukuda pa siya diyan, sa Tulfo na lang kami magkita!

Isinakbit ko na ang backpack ko pati na rin ang tatlong mabibigat kong libro. Matalim ang mga matang iginawad ko sa kanya bago ko siya banggain gamit ang bag ko. Matapos niyon ay tuluyan na akong naglakad papalabas ng classroom.

Malala ang pagkunot ng noo ko nang makalabas na rin ako sa Business Management building. And because the last thing that I want right now is to see Alaia's face again, I directed my feet towards the library.

Doon, aircon. Baka sakaling lumamig ang ulo ko!

Lumakad pa ako nang kaunti at nakita ko na ang white eight-storey building ng library. It's been my safe haven for the rest of my college days. I love the smell of old and new books. I don't know but I find it comforting whenever I see books everywhere.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero bigla rin akong napahinto nang may humila ng tatlong mabibigat na libro ko. I was supposed to yell "May snatcher! Help!" when I suddenly realized, books have cheap monetary value. So I tried to calm down as I stare at the person who grabbed my books.

And to my surprise, it was Sebastian's neutral face that I first saw. He is holding my books.

What the fuck? So, hindi pa rin pala siya tapos?! Buwaka ng ina naman!

Dahil matangkad siya sa akin ay tumingala ako sa kanya. Nakapamewang pa ako nang tingnan ko siya nang masama.

"Give it to me. 'Wag mo akong sagarin." Matigas kong sambit.

"No." He started with an authoritative tone. Like, as if I am his property that he needs to take care of. Wow.

"Let me help you." He added before he walks towards the library. Leaving me with my jaw dropping on the ground.

Dahil mahahaba ang kanyang mga hita ay tumakbo ako para lang maabutan siya. Sinubukan kong hablutin pabalik ang mga libro ko pero mahigpit ang kanyang pagkakakapit doon.

"Ibigay mo na nga sa akin 'yan! Ano bang problema mo?! Anong trip 'to?!" I yelled. Wala na akong pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng mga estudyante sa hallway.

"Ikaw ang dapat kong tanungin. Anong problema mo?" Sebastian's face is still neutral and cold. I can't decipher his emotion. "Tinutulungan na kita. Ayokong mabigatan ka."

"Woah?" I laughed ridiculously and sarcastically. "So, you're a philantropist now? Kanina lang ay gigil ka sa akin tapos ngayon, gusto mo na akong tulungan?"

I blinked as I stare at him as if he grew another head. "Iyong totoo ba? Naka-shabu ka?"

Isang iritadong buntonghininga lang ang isinagot niya sa akin bago niya ako tinalikuran.

Tingnan mo 'to?!

Matapos ay naglakad na siya patungo sa entrance ng library. Hinabol ko uli siya para hablutin muli ang mga libro ko pero wala talaga akong nagawa, shuta! Tuko ba siya sa past life niya?! Bakit sobra ang kapit niya sa libro ko?!

"Akin na nga sabi, eh!"

"No."

"Hindi na ako nakikipagbiruan sa 'yo! Akin na nga!"

"No."

Ngayon ay nag-ta-tug of war na kami ni Sebastian. Grabe, ayaw niya talagang patalo! Ano bang makukuha niya dito-

"Maglalandian na lang ba kayo diyan o ano?! Mukha bang Motel ang library?!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran namin.

Nang mapalingon ako sa direksyon kung saan iyon nanggaling ay talagang nanghina ako sa nakita. It was Mrs. Catapang. Halos bumuga siya ng usok sa ilong dahil sa sobrang pagkunot ng noo.

Jusko!

Doon ko lang napagtanto na mahaba na pala ang pila sa likuran namin. Na nakaharang pala kami sa pintuan ng library. Agad akong kumilos at binigyan si Mrs. Catapang ng daan. Hinila ko pa si Sebastian kasi ang buset, walang balak magbigay mg daan!

Bago pumasok ay tiningnan muna kami ni Mrs. Catapang mula ulo hanggang paa. Natapos iyon sa isang singhal. Minabuti ko na lang ang manahimik nang isa-isa na ring pumasok ang mga estudyante sa kaniyang likuran.

Napapakamot sa ulo dahil sa sobrang hiya, tiningnan ko nang masama si Sebastian. Ang gago naman ay wala talagang pakialam. Tinitigan niya lang din ako sa mukha.

"What." His baritone tone came.

"Whatever!" Napairap na lang ako sa kanya. Ako na lang talaga ang napagod at sumuko.

Bahala siya diyan sa trip niya!

×××

Author's Note: May sarili pong kwento ang nanay at tatay ni Grace, "Behind The Spotlight" po ang title at ako rin po ang nagsulat! 💛

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon