Episode 69

5.4K 193 31
                                    

THE next morning, I woke up from a gentle knock on my door. Nagulat na lang talaga ako pagbukas ko nito. Si Bebe Anne ang unang bumungad sa akin. Buhat-buhat niya ang tray na naglalaman ng toasted bread, bacon and egg. She is smiling innocently at me albeit I felt like the tray is too heavy for her to carry.

"Brekpast is redi, Ma'am." Ang sambit ni Batotoy sa akin. Ngayon ko lang napansin na nandito rin pala siya. He is also smiling innocently at me.

I smiled at them as I grabbed the tray from Bebe Anne. Ang cute talaga ng dalawang ito. "Thank you, ang sweet niyo naman—"

And then I halted myself the moment I realized something. Then I squinted my eyes at them. "Sino ang nag-utos nito sa inyo?"

"Si Kuya Baste po." Ang sabay pa nilang sambit kung kaya't biglang umusok ang ilong ko. Sabi na nga ba, eh! Pakana ito ng damuhong iyon!

Umuusok pa rin ang ilong, niyaya ko silang bumaba patungo sa kusina kung saan nandoon si Sebastian. I tried not to be distracted by his shirtless body. Swear, I tried hard not to stare at the flat surface of his tummy.

I scowled at him before I hit him at the back of his head. "H'wag mo ngang madamay-damay 'tong mga bata sa kakornihan mo. Parang gago—"

"Baby." He is smiling boyishly when he cut me off. "Bawal magmura sa harap ng mga bata, right?"

Then he chuckled and swear, I hate to admit that I am starting to admire this friendly and positive sides of him! I ended up rolling my eyes as I stomped my feet towards the table. Sa huli ay niyaya ko na lang na kumain kasabay ko sina Bebe Anne at Batotoy.

Hindi rin naman nagtagal ay sumabay na rin sa amin si Sebastian. Umupo siya sa harap ko. Iyon ang dahilan kung bakit tanaw na tanaw ko nang buo ang tattoo sa maskulado niyang dibdib. It was a tribal design. I can't really describe it but it is really close to that.

Hanggang sa hindi ko na natigilan ang kademonyohan ng mga mata ko. Namalayan ko na lang ang sariling ibinababa ang tingin patungo sa matitigas na bahagi ng kanyang tiyan. One thing I really observed is that he became more masculine nowadays. Prominenteng-prominente na kasi talaga ang anim na matitigas na bahagi niyon.

Shit . . . Bakit parang ang sarap niyong hawakan?

Hanggang sa hindi ko na namamalayan ang ginagawa ko. Sumubo ako ng tinapay habang nakatingin pa rin doon.

"I am melting, baby. Stop staring at my abs." Ang sambit ni Sebastian kung kaya't agad akong napa-angat ng tingin sa kanyang mukha. Ngayon ay mapaglaro siyang nakangiti sa akin. "Nasa harap tayo ng mga bata. Tiis muna. Mamaya na 'yan."

"A-Ang feeling mo!" Inirapan ko uli siya.

He chuckled huskily once more. "Saka sa 'yong sa 'yo lang naman 'to. Don't worry, I won't mind if buong maghapon mo 'tong hahawakan."

"Or gusto mo, buong magdamag pa? I won't mind." He continued while smiling seductively.

"Ewan  ko sa 'yo!" Inirapan ko pa siyang muli. Kumain na lang talaga ako nang kumain. Hindi ko na muling pinukulan pa siya ng tingin dahil baka traydurin na naman ako ng mga mata ko!

Letche kasi ang lalaki na 'to! Bakit kailangang maghubad?! But more importantly, bakit ang lakas ng epekto ng abs niya sa 'ken?!

NANG sumapit na ang tanghali ay bumuti na ang lagay ng panahon. Ang araw ay tirik na tirik. Gayon na rin ang pagkalma ng alon. 'Di gaya kahapon na para ba itong manlalamon nang buhay, maganda na itong pagmasdan sa ilalim ng araw. May glitters sa ibabaw ng mga tubig nang dahil sa sikat ng araw.

"Oh, okay na." Sambit ko kay Bebe Anne habang pareho kaming nakaupo sa puting buhangin. Tinirintas ko ang buhok niya, kanina pa kasi ito gulo-gulo. Tila bang hindi siya marunong magsuklay. Well after all, she is only three years old.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon