Episode 58

5.7K 216 97
                                    

"GUSTO kita, Chance. At lahat ng gusto ko, nakukuha ko."

Patuloy sa pagkalabog nang malakas ang dibdib ko. Hindi ko mawari kung sa kilig ba o sa kaba? Kaba? Bakit naman ako kakabahan?

"Gusto kita, Chance. At lahat ng gusto ko, nakukuha ko."

Inalog ko ang ulo ko. Makailang ulit akong nag-kisap ng mga mata sa pag-asang mawawala na sa utak ko ang baritonong boses ni Mylo.

Pero hinde!

Shutanginang hinde!

Napangiwi na lang talaga ako. Hanuba! Paano ba kasi ito mawawala?!

"Gusto kita, Chance. At lahat ng gusto ko, nakukuha ko-"

"Ay, puke ng kalbo!" Halos mapatalon talaga ako habang nakaupo dahil sa gulat!

Bigla lang naman kasing nilapag ni Sebastian ang mataas na pinagpatong-patong na papel sa table ko. Padabog iyon kaya talagang gumawa iyon ng malakas na tunog dito sa cubicle namin.

"Problema mo?!" I snapped at him.

Ang gago naman ay hindi ako pinansin. Naupo siya sa kanyang upuan na para bang wala siyang narinig. Na para bang isa lang akong mabahong utot dito. I only rolled my eyes at him as he started to do his job.

Ang task namin ngayon ay ang pag-sort ng documents. Basically, ngayon ay kailangan naming pagsunud-sunurin ang mga date ng mga dokumentong ito. Madali lang kung pakikinggan, oo. Pero paano naman kung seven hundred ito?! Walangya, baka abutin ako ng magdamag dito!

"Hoy, timang." Pagtawag ko kay Sebastian. "Kaya mo bang tapusin 'to before mag-4 PM?"

I know, I should continue hating him. That I should not talk to him at all. Pero papaano ko iyon gagawin kung mamamatay ako ng hindi nagsasalita? Lalong-lalo na at kaming dalawa lang dito, I have no choice but to communicate.

Naisip ko rin na, I should be civil with him. I should be professional. I had to leave my personal life kapag nandito ako sa office. Basically, team mate kami dito ni Sebastian. Kami lang ang intern ng department na ito. Kailangan naming magtulungan at hindi iyon mangyayari kung patuloy akong magpapaka-bitter. Afterall, he doesn't deserve my stress naman. He is a cheater and stressing myself over him is too low for me.

Dahan-dahan ay lumingon siya sa akin. Maitim ang kanyang mga matang tumango. Wala siyang ibang sinabi nang muli siyang magtrabaho.

"Sige nga, kung talagang kaya mo- ikaw na rin magtapos nitong sa 'ken." Pagtataas ko ng kilay.

Muli ay tumingin na naman siya sa akin nang malamig. By his looks right now, parang maraming naglalaro sa utak niya. Like, parang sinasaksak na niya ako doon nang maraming beses. Pwede rin namang nagtatanong siya kung nasaan ang utak ko.

"Tss," ang nasambit na niya lang bago muling bumalik sa pagtatrabaho.

"Suplado nito." Umirap na naman ako at pinili na lang na magtrabaho. Walang mangyayari ang pagdaldal ko dito. The least the I want for today is to basically have my first ever overtime just to finish this task.

Pero makaraan rin ang ilang mga minuto ay bigla, lumapit sa cubicle namin ang isa sa mga employees ng department. She is giggling when she said, "Chance, nasa labas ang manliligaw mo. Sana all."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatayo. "Po?!"

Manliligaw? Luh? Si Mylo? Manliligaw ko na siya? Pumayag na akong magpaligaw? Luh, desisyonavility 'tong si Ma'am!

Wala na akong hinintay pang sandali. Nagtungo na ako sa labas ng aming department. Doon ay naghihintay si Mylo. Yes, with his deep dimples while holding a pink cup of I don't know what drink is that and a paper bag.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon