Episode 30

7.5K 209 17
                                    

THERE'S a loud knock on my door. Napabalikwas ako nang bigla kong marinig ang boses ni Tita Gab. At mas lalo akong nataranta nang makitang nasa tabi ko si Sebastian. Niyayakap niya ako. He is sleeping peacefully with one of his legs resting on mine. Inangto! Ginawa pa akong hotdog pillow!

Nahampas ko nga! Matigas ang boses na bumulong ako sa kanya. "Hoy, lalaki! Gumising ka nga diyan! Nasa labas si Tita Gab! Baka kung ano ang isipin niya kapag nakitang nakaganito tayo, talipandas ka talaga!"

Buwaka ng timawang shit kase! Bakit kasi muna naka-boxers at sando lang siya? Bakit hindi muna siya mag-suot ng short sa kwarto niya bago ako pestehin dito? Sa suot niya ay para bang katatapos lang naming gumawa ng kababalaghan, eh! Ang sarap talagang kutusan! Pahamak ampucha!

Tita is still knocking when Sebastian yawned. Naghugis-O ang kanyang bibig. He is closing his eyes as he did that. Pero bakit ganoon, humikab lang naman siya pero bakit ang cute-cute? Ngumanga lang naman siya pero bakit parang ang gwapo-gwapo?

His eyes are half-opened, making him look more attractive with his natural long eye lashes. Matapos ay nakita kong bigla siyang ngumiti. That was by far, the most genuine smile that I ever seen from him. I was stoned while appreciating how good looking he is.

Nang muli siyang pumikit ay doon lang ako bumalik sa sariling katinuan. Doon ay nataranta na naman ako. Tita Gab is still knocking on my door while Sebastian is back to sleeping peacefully! Ginising ko pa siya nang ginising pero wala, eh. Tulog pa rin talaga ang gago!

I have no choice but to think of a Plan B. Tumayo ako at tinakpan ko ng kumot ang buong katawan niya, kasama na ang kanyang ulo. Nag-asta tuloy akong isang serial killer na tinatakpan ang katawan ng napatay niya! Matapos niyon ay inayos ko muna ang buhok ko bago ko binuksan ang pinto.

"Y-Yes po, Tita Gab?" Ang sambit ko kay Tita. Sinadya kong 'wag buksan nang buo ang pintuan. Sumilip lang ako sa pinto.

"Sorry to wake you up, hija. But we have to go home na." Ang sambit niya. "It's already 6 in the evening now."

Nanlaki ang mga mata ko. Alas-sais na? Walangya, edi halos limang oras pala akong natulog sa tabi ni Sebastian? Limang oras siyang nakayakap sa akin?! Napalunok ako.

"Nakita mo ba si Sebastian, hija? Wala kasi siya sa kwarto niya." Akmang sisilip sana si Tita Gab sa kwarto ko nang bigla ko siyang pinigilan.

"N-Nasa labas po yata, tita. May nasabi po kasi siya sa akin na mag-gagala-gala raw po siya muna for a while."

"Bakit hindi ka niya sinama?" Tita Gab tilted her head. Dami namang tanong, kaloka!

"Uhm . . . Ehe." I swallowed hard as if by doing that, I will be able to collect a ton of conviction for my tone. "N-Napagod po kasi ako kaya sinabi ko na lang po sa kanya na magpapahinga na lang ako. Na dito na lang po muna ako sa kwarto at i-e-enjoy na lang ang view ng buong private resort mula sa bintana."

Laking pasasalamat ko na lang nang mabagal na tumango si Tita. "Okay, I see. Even me, noong kabataan ko ay ganoon talaga ang ginagawa ko."

Hinampas niya ang hangin. "Sarap kasing magmuni-muni lalo na kapag sobrang ganda ng view, 'di ba?"

I was smiling uncomfortably as I nod my head yes.

Muling bumalik si Tita sa pinag-uusapan namin kanina lang. "Nasaan na kaya itong si Sebastian? Pauwi na kaya iyon?"

Nameywang siya saka tumikhim. Para ba siyang nag-iisip nang ilang segundo nang muli niyang ibaling sa akin ang mga mata. "Hija, can you contact Sebastian for me? Tell him na uuwi na tayo."

Then she scratched her chin. She looked on our side. "Ang batang iyon talaga, alam naman niyang uuwi na rin tayo ngayong hapon dahil may trabaho pa ang Dad niya bukas. Ayaw pa naman ng Tito Ralph mo nang naghihintay siya. Mainipin iyon, eh."

She suddenly turned her gaze at me again. She threw her hand gently at my direction. "At kayo rin pala, may pasok pa kayo bukas. Hay nako, ang batang iyon talaga. Matutuktukan ko talaga iyon."

Napangiwi ako. "Don't worry po, tita. T-Tatawagan ko po agad siya at pauuwiin-"

"Chance . . ." Ang makapal na boses ni Sebastian. Halatang inaantok pa siya kasi may kasamang ungol ang pagkakabigkas niya niyon.

Nanlaki ang mga mata ko. Tila bang nawalan ng dugo ang mukha ko. Napalunok na lang ako nang malala.

Teka lang!

Kinginamers naman, eh!

"I love . . ." Pagpapatuloy niya na hindi ko na rin naman narinig nang magsalitang muli si Tita Gab.

"Sebastian? Nasa loob si Sebastian?" Takang tanong ni Tita Gab. Napapakisap siya habang naglalakbay ang tingin niya sa akin at saka sa loob ng kwarto ko.

Matapos ang ilang segundo ay para bang may bigla siyang na-realize. And then that was the moment her expression changed. She is now wiggling her eye brows while nodding her head slowly.

"Ikaw, hija ah." She continued wiggling her eye brows and all I just want is to kill Sebastian! Buwaka ng shet naman! Peste talaga! Kapag tulog lang, tulog lang! Wala na sanang pagsasalitang magaganap, nakakainis!

"You two, are so naughty. Katulad na katulad niyo talaga kami ng Tita Ralph mo." Kumindat pa sa akin si Tita Gab na para bang alam na alam na niya talaga kung ano ang nangyayari.

Hindi naman na ako makapag-salita pa. Kasi ano pa bang magagawa ko? Kung magdadahilan pa ako, hindi niya ako paniniwalaan. Parang obvious na naman kasi talaga ang nangyari! Nasa iisang kwarto lang kami ni Sebastian. Tapos nagsinungaling pa ako sa kanya. Wala na akong kawala sa ideyang iyon! Buset! Na-trap ako! Nakakainis na nandito ako sa sitwasyon na 'to ngayon!

"Oh, siya hija. Gisingin mo na si Sebastian at mukhang napagod ang batang iyon sa ginawa ninyo." Tita Gab winked at me again. This time, she is smiling as if supressing herself from laughing.

Matapos niyon ay tinalikuran na niya ako. Naglakad na siya patungo sa hagdanan. Nag-iinit talaga ang mga pisngi ko nang isara ko na ang pinto. Sumandal ako doon. Napapapangiwi at napapatalon na lang talaga ako sa inis.

Jusko naman kase!

Mapapatay talaga kita ngayon, Sebastian!

Buset! Dakilang pahamak! Timawa! Bakunawa! Sarap mo talagang tadyakan sa tagiliran!

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant