Episode 37

6.7K 220 31
                                    

PATULOY akong na-istatwa sa nakita. Noong una ay may lakas ng loob pa talaga akong isipin na baka hindi si Sebastian ang nakikita ko ngayon. Na baka kamukha niya lang ang lalaking ito. Na baka namamalik-mata lang ako.

Pero hindi.

From those sharp jaw, the prominent Adam's apple, and his perfect boyish grin. Hindi ako pwedeng magkamali, si Sebastian ito. Si Sebastian ang ngayo'y kalandian ng babaeng halos maghubad na sa sobrang revealing ng dress.

Nang akmang titingin na si Sebastian sa ibaba ng hagdan—sa direksyon ko ay wala sa sarili akong nagtago. Sumandal ako sa pader na katabi ng hagdan. I was holding my chest as I felt a line of pain from there.

Nanghina ang mga tuhod ko.

Nawala ang lakas ko.

Para bang noong mga oras na iyon, umiikot ang mundo ko sa ideyang may nilalanding iba si Sebastian ngayon. Na kahit na ano pang pangako ang paulit-ulit niyang sinabi sa akin nitong mga nakaraang araw, wala pa ring nangyari—napako pa rin ang mga pangako niya. Ginago niya pa rin ako. Pinagmukha niya lang akong tanga.

I swallowed hard as I founde myself close to crying. Hanggang sa bigla na lang akong bumalik sa sarili ko nang may kumalabit sa akin. It was Alaia. Kasama na niya rin si Maxton.

"Girl? Okay ka lang?" She blinked as she asked me.

Hindi ako makasagot sa kanya. Okay nga lang ba talaga ako? Okay nga lang ba talaga sa akin ang makitang may kalandian si Sebastian ngayon? Hindi ba talaga masakit ang mga nakita ko? Na ang kalandian ngayon ni Sebastian ay sexy, maganda at pang-model ang awrahan? Okay lang nga ba talaga ang kagaguhang ito?

Napalunok ako. Pinilit kong isantabi ang sakit mula sa dibdib ko. I coughed uncomrfotably as I tried to muster a genuine smile. "Yes, bakit naman hindi ako magiging okay?"

Alaia finally smiled. That means, sucessful ang pagkukunwari ko. "Great! How about Sebastian? Nakita mo na ba siya?"

Napalunok pa rin ako. Bakit marinig lang ang pangalan niya ay para bang mas lalong sumisikip ang dibdib ko sa kirot? Nakaka-badtrip naman . . .

"A-Ah . . . W-Wala, eh. I can't find him."

"Kahit sa taas?" Si Maxton ang sunod na nagtanong. "That bastard always spent his hours on the balcony. You should check him there."

"Doon na kaya tayo tumambay, babe? Samahan na nating magpunta doon si Chance?" Alaia asked Maxton and I panic.

No . . .

May kung ano sa akin ang para bang nag-u-udyok na 'wag kong hayaang makita nila si Sebastian na may kalandiang iba. Na kailangan ko siyang protektahan kasi . . . kasi kapag nahuli siya ng best friend ko ay talagang hindi na siya makakalapit pa sa akin kahit gustuhin ko pa.

There, I found myself contraducting Alaia. "You know what? Na-check ko na rin si Sebastian sa balcony pero wala talaga siya doon, eh. Sa backyard na lang kaya tayo? Parang ang sarap doong uminom ng alak. Baka nandoon rin ang lalaking iyon."

Pinaningkitan ako ng mga mata ni Alaia. "Kailan ka pa nahilig uminom ng alak, aber?"

Shoot.

Hindi nga pala ako mahilig uminom ng alak. Ito talaga ang kauna-unahang pagkakataon na ako ang nag-insist na uminom kami ng alak. Mukha lang akong kalmado externally pero sa loob-loob ko, nagtatatakbo na ako sa kung saan man dahil sa sobrang panic ko! I tried hard to find answers that will not going to sound artificially made!

"Ah . . . Y-You forgot na ba? Sebastian already thought me how to drink beer last week. Sobrang na-enjoy ko iyon kaya heto, gusto ko nang ulit-ulitin."

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now