Episode 16

7.6K 271 23
                                    

THE whole library is as quiet as my evil plan. Ngayon ay ilang minuto na ang nakalipas. Nagsusulat pa rin si Sebastian. Wala pa rin siyang idea na pinapahirapan ko lang siya all this time. Nakakunot ang kanyang noo at sa hitsura ng kanyang sulat ay halatang gigil na siya. Para ngang gusto niya akong suntukin nung mapatingin siya sa akin.

"Why?" Pagpapatuloy ko sa pagpapa-cute. Siguro, mukha na akong nag-iinasong pwet ng baboy sa kung papaano ko lukutin ang mukha ko na para bang lugmok na lugmok. "Ayaw mo nang magsulat? Pagod ka na?"

"Done." He only mumbled as he slid the paper infront of me.

"Agad?" Napakurap ako at kinuha ang yellow pad.

Naningkit ang mga mata ko. Sinubukan kong basahin ang mga sinulat niya pero ni isa ay wala akong naintindihan. Punyemas, sulat pa ba 'to ng tao? Bakit parang mas papasa pa 'tong sulat ng nirereglang kalabaw?!

Doon ay muli akong tumingin kay Sebastian. Nilevel-up ko pa ang pagpapa-cute ko. Tiningnan ko siya sa paraang para bang lungkot na lungkot ako. "I can't unders—"

"Stop with the shit. Let's just eat." Matalim ang tingin na itinapon niya sa akin. "Handa akong buhatin ka palabas, don't test me."

Tula 'yarn?

May rhyme?

"Aba't—" natawa ako nang malakas. Nang marahas akong sitsitan ng masungit na librarian ay hininaan ko ang boses ko. "As if kaya mo?"

Mapanghamon ko siyang tiningan. Wala namang nagbago sa kanyang facial expression. Seryoso pa rin ito na tila ba hindi natakot sa hamon ko.

Hanggang sa naguluhan na lang ako nang bigla siyang tumayo. And before I can even realize it, he is already sliding my chair away from the table. And oh my gosh! He leaned down and put his hand on my back and the other is on my legs.

He is about to carry me!

"Hoy, anong ginagawa mo?!" Gigil kong sambit.

Nagbago na ang facial expression ko. Mula sa mapanghamon ay para ba akong inuubong langgam na talagang natataranta. Hanggang sa ayon na nga, unti-unti na nga akong na-i-angat ni Sebastian! Bakit hindi man lang siya nahirapan? Hindi ba siya nabibigatan sa akin?!

Nang mga oras na iyon ay hindi ko na alam ang gagawin ko, nahampas ko na lang talaga siya sa braso!

Hanuba?!

"Okay na! Oo na, kaya mo na!" Ang matigas ngunit mahina kong sambit. "Letche naman! Kailangang sapilitan talaga? Ano? Libog na libog lang na makasama akong mag-lunch?!"

"Tss . . ." The only answer that I got from him as he stood with his hands on his pockets.

Then he cocked his head towards the entrance of the library. "Let's just go."

"Fine!" Umirap ako.

Kokolektahin ko na sana ang lahat ng mga gamit ko nang bigla, inunahan niya ako. Siya ang nag-dala ng tatlong libro pati na rin ang school kit ko. Hinayaan ko na lang siya. Padabog at mabilis na lang akong nagpunta sa front desk para kunin ang bag ko.

Nang makalabas na ako ng library ay sakbit ko na ang bag ko. Nakasunod lang sa akin si Sebastian.

"Oh, nasaan na ang sasakyan mo? Bilisan na natin para matapos na 'tong kung ano mang pinaplano mo, jusko!" I asked him with an irritated tone.

Stressed na stressed na talaga ako ngayon. Bagama't na-enjoy ko ang pag-trip-an siya sa loob ng library eh hindi ko maitatangging kinakabahan ako sa susunod na mangyayari. Kung mapapahiya na naman ako nang dahil sa kanya, hindi ko na talaga alam ang gagawin. Baka maging buwaka ng halimaw ako at lunukin na lang talaga siya nang buo.

"Give me your bag, let me carry it for you." His baritone voice came kaya't napaharap ako sa kanya.

"Pati ang bag ko?" Nakakunot ang noo ko.

Nang tumango siya ay nagbuntonghininga na lang ako. Sumunod na lang talaga ako at ibinigay sa kanya ang bag ko. Hinayaan ko na lang siya sa trip niya. Gusto niyang mapagod? E 'di pagbigyan! Ngayon lang naman 'to, bakit hindi ko pa sulitin? Like, tawa now tapos iyak later. Duda talaga akong kakain lang kami mamaya. Shuta siya. Bahala na nga!

Pareho kaming tahimik nang magpunta na kami sa parking lot ng Business Management Building. Kaunting lakad lang ito sa library.

Ang mga estudyante ay nakatingin sa akin. Katulad ko ay siguro, nagtataka rin sila kung bakit binubuhat ng isang Sebastian Molina ang mga gamit ko. Some of the envious girls are looking at me with ano-ka-gold? look. I only stare at them with my most awkward and apologetic smile.

Sorry, ha? Kasalanan kong ako ang trip ng crush niyo ngayon?

"That's my wheels." Sebastian mumbled all of sudden. Tinuturo niya ang puting jeep renegade. Sa buong University, siya lang yata ang may sasakyan na ganiyan. Sa kakaibang hugis ng sasakyan na ito ay masasabi kong may unique taste ang gagong ito.

Dito na ako muling nag-evil smile.

Sige, tuloy ang plano! Tuloy ang pang-aabuso!

Nang makalapit na kami ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. At ako naman si mapang-abuso, inutusan ko pa siya na alalayan akong maka-akyat sa sasakyan kahit na hindi naman ito ganoong kataasan.

Mukhang manipis na talaga ang pasensya niya nang hawakan ang kamay ko. At shet, ang lambot ng kamay niya—focus, Chance! Focus sa characterizationalicticship mo! Artista ang mga magulang mo, galingan mo ang pag-acting!

Pinilit kong alisin ang atensyon ko sa magkahawak naming kamay. Sumampa na ako sa sasakyan. Inabot niya muna sa akin ang bag at mga libro ko bago nakabusangot siyang sinaraduhan ang pinto.

I only shrug.

One moment after, sumakay na rin siya sa tabi ko.

"Where do you want to eat?" He asked while not giving me a single glance. Nakadiretso sa daan ang kanyang tingin pero hindi niya pa rin pinapaandar ang sasakyan.

"Kahit saan." I only answered. Ngayon ko lang napagtanto na nagugutom na nga talaga ako. Letche naman kasing lalaking ito, masiyado akong ini-stress!

"Kahit saan?" Pag-ulit niya.

Ngumiti ako sa kanya nang malawak at umaktong para bang batang tumatango nang paulit-ulit. "Yup!"

"Kahit sa inodoro ng school? Sa funeral na puno ng mga bangkay? Sa bundok ng basura sa Payatas?" Ang dire-diretso niyang tanong kaya't biglang kumunot ang noo ko sa kanya. Aba't pilosopo 'to, ah!

"I am asking for a specific restaurant." His voice is cold but modulated at the same time. Kahit na suplado itong pakinggan eh masarap pa rin sa tenga. Ewan ko ba.

"So tell me, where exactly do you want to eat?"

"Yellow Cab." Inirapan ko siya. "Okay na ba—ah punyeta ka! Teka lang naman!"

Bigla niyang pinaandar ang sasakyan. Natataranta akong nag-seat belt. "Dahan-dahan naman, shuta ka!"

I glared at him. Pero diretso lang naman ang tingin niya sa daan. Wala talaga siyang pakialam sa kung papaano ako mamatay sa sobrang gulat!

Lord, kung papatayin Ninyo po ako sa sama ng loob, 'wag naman po sa ganitong paraan! Lalong lalo na pong 'wag po kung ang demonyong si Sebastian lang naman ang dahilan!

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora