Episode 24

6.7K 224 43
                                    

RIGHT after the day na pinayagan kong manligaw si Sebastian, nag-effort talaga siya nang husto. Nandiyan iyong lagi naming paglabas-labas after class. Talagang alam na alam niya kung papaano ako kuhanin. Alam niyang pagdating sa pagkain ay talagang rumurupok ako.

Nakakainis nga!

Ang hirap magpakipot kung masasarap na mga pagkain na ang nasa harapan mo! Kahit gaaano pa ka-settle ang utak mong 'wag maging marupok ay talagang magpapatiuna ang kumukulo mong sikmura. Magpapaka-desisyon ang mga gunggong na bulate sa tiyan mo!

Ayoko na!

May mga oras din na basta-basta na lang na dumadalaw si Sebastian sa bahay. Hindi ko alam kung saan pa siya nakakabili ng lakas ng loob para tumambay sa bahay namin. Parang wala ngang epekto sa kanya ang mapanghamok na tingin nina Dad, Mom at Hope. Bukod sa malakas ang loob ay makunat talaga ang balat niya sa mukha.

Ganoon lang ang naging set-up namin sa lumipas na isang buwan. Bilib na nga ako dahil kahit gaano ko siya pahirapan ay hindi talaga niya ako sinusukuan. Mahihiya ang mahabang panahong pagpapahirap ni Ferdinand Marcos sa Pilipinas sa haba ng pasensya ni Sebastian.

Katulad na lang ngayon.

It's Saturday today at niyaya niya ako dito sa isang food park sa Probinsya namin. Puro Filipino street food ang mga tinitinda nila dito. Ang kaibahan lang talaga ay sosyal ang isang ito. May pa-aircon ang mga lola niyo. Nasa loob kasi ito ng isang malaking mall.

"Here." Ang sambit ni Sebastian nang mailapag na niya sa table namin ang kwek-kwek. Akmang uupo na sana siya nang bigla akong magsalita.

"Thank you . . ." Ang panimula ko. "Pero parang may kulang."

"What?"

"Parang gusto ko ng lumpiang gulay."

"Bakit hindi mo na naman sinabi sa akin nung tinanong kita kanina?" His irritated voice responded. "Lagi kang ganiyan. Laging pahuli-huli ka kung magsabi."

I pouted and acted as if sobra akong nasaktan sa pagtaas niya ng boses. "Eh, hindi ko naman alam na gusto ko pala n'on not until right now."

Lalo akong nag-pout. "Pero sige. Para kasing galit ka na kaya 'wag na lang."

"Tss . . ." Ang tugon niya lang bago ako tinalikuran.

Kusa naman akong napa-evil smile habang nakatingin sa malapad niyang likod. Para na akong baliw na kontrabida dito kung makangiti nang todo.

Hay nako, Sebastian.

Dapat talaga ay handa ka sa pinasok mong kagaguhan.

Sa isang buwang panliligaw niya kasi sa akin ay sa ganitong paraan ko siya pinapahirapan. Talagang tini-trigger ko ang pasensya niya. Nakakailang balik pa muna siya sa counter bago kami tuluyang kumain.

Bagama't aminado akong minaliit ko ang pasensya niya, nararamdaman ko na manipis na manipis na talaga ang kanyang pasensya. Iyong tipong para ba itong isang tela na isang hibla na lang ay mapupunit na? Ganoong level na ito kaya't ako si mapang-asar, ni-le-level up ko pa lalo ang laro ko. Lalo ko pa siyang iniinis.

Nang idako ko ang mga mata kay Sebastian ay nakapila na siya doon sa isang food stall. He is wearing an earth brown shirt and a white denim short. He is looking like a God with his height. Hindi na nakakapagtaka kung bakit kanina pa siya pinagtitinginan ng mga babae. Ang lakas naman kasi ng dating ng isang ito kahit ang simple lang ng suot. Tipong hindi damit ang nagdadala sa kanya, siya ang nagdadala sa suot niya.

Bigla ay nakita kong sumulyap siya sa akin. Kitang-kita ko talaga kung papaano siya mabugnot. Nakasimangot kasi siya habang magkasalubong ang makakapal na kilay. Ngumiti lang naman ako sa kanya nang malawak. Tipong para bang nang-aasar pa. Pinilit ko pang magpa-cute pero umismid lang siya sa akin.

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now