Chapter 3

3K 201 180
                                    

Chapter 3

"Missy Izzy pussy!"

Mariin akong napapikit. Kalma, Izzy. Isa lang 'yan sa mga kampon ni Satanas galing impyerno na nagkatawang tao at suwerte ko dahil kaibigan ko pa.

Ah, wait. He's not my friend. He's just my parent's friend's son. Kinakapatid ko rin pala.

Halos mapunit ang labi ni Wilder habang tumatakbo palapit sa akin. I spotted his other two friends following him behind.

"Huwag mong sisirain ang umaga ko at may exam pa kami ngayon. Baka mapagkamalan kong galing sa Death Note ang papel sa exam at maisulat ko ang pangalan mo nang wala sa oras."

Hindi naman siya natinag at parang walang narinig dahil ngising-ngisi pa rin.

"Balita ko umiyak ka raw sa room niyo, ah. Sayang, 'di ko nakita. Uhugin ka pa naman. Iyak ka ulit, dali!" Humalakhak siya.

Umirap ako. "Buti nga at hindi mo ako nakita. Baka kasi mapagkamalan kitang basahan at ikaw pa ang gawin kong pamunas sa uhog kong malalaglag sa sahig."

"Dugyot mo naman," ngiwi niya.

"Pangit mo naman," I retorted and stuck out my tongue. "Sige na, bata. Manonood pa ako ng performance ng kapatid ko."

"Sama 'ko." Nilingon niya ang dalawang kasama. "Una na muna ako, mga 'tol. Kapag hinanap ako, sabihin niyo sumakit ang tiyan ko." He chuckled.

Hinawakan niya na ang siko ko at bahagyang hinila palayo sa mga kasama niya. Agad ko namang binawi ang braso sa kanya at pinukulan siya ng masamang tingin.

"Oy, Wilder! Isusumbong kita kay Tita Lei. Sasabihin kong nagka-cutting ka!"

"Sige lang. Ipagkakalat ko 'yong video mong umiiyak ka tapos sinipsip mo pa 'yong tumulong uhog galing sa ilong mo." Humagalpak siya sa tawa.

Uminit ang pisngi ko at sinapak siya sa braso. Tumatawang lumayo siya sa akin.

"'Yong akala nila ang linis-linis mo tapos may itinatago ka pala talagang kadugyutan sa katawan, 'no?"

"Epal mo talaga, ano? Bata pa nga ako that time! Akala mo naman hindi niya ginawa 'yon noong bata siya! That's normal!"

Why did I even have to explain?

"Alin? Ang sumipsip ng uhog kapag bata pa? Parang ganito?"

Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako. He sucked his upper lip, making only the bottom part shown. Pinatirik niya ang mata at umaktong may sinisipsip na sipon sa itaas ng labi. May sound effects pa nga.

"Yuck! Mukha kang nasasapian habang nalulunod, sira ka!"

Napawi ang irita ko sa kanya at pinagtawanan na lang ang itsura niya. Hindi pa ako nakuntento at hinampas-hampas pa siya sa balikat.

"Aray ko naman!" reklamo niya at bahagya akong tinulak sa balikat. "Tatawa na lang, mananakit pa. Hindi mo ba kayang itali 'yang kamay mo sa sariling katawan kapag tatawa? Kailangan talagang manakit?!"

I was still laughing and his face was already crumpled like paper.

"Gano'n talaga. Ang tawag doon ay feedback. You know? In the communication process, if the recipient received the sender's message, they need to respond to prove that they understand what the sender wanted to convey. Pinatawa mo ako, sinapak kita. Ikaw ang sender, ako ang receiver. That's just how communication works!" paliwanag ko.

"Kanina pa tayo may communication kahit noong hindi ka pa nananapak. Gusto mo lang talagang manakit," nakabusangot niyang sabi at umiwas ng tingin. "Kapag ikaw pinatulan ko..."

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon