Chapter 23

1.7K 116 50
                                    

Chapter 23

"Bakit ang daming absent?" tanong ng propesor namin sa Kitchen Essentials.

Nagtinginan ang mga kaklase ko sa paligid. Kami ni Seth na nasa likod ay tahimik lang din habang nagmamasid sa loob ng classroom. Wala sina Steffy, Aaron, at Mason kaya mas lalong tahimik ang klase.

Gusto ko tuloy sumagot ng, "Kasi po maraming absent." Kaso baka magulat na lang ako at may lumilipad nang kutsilyo sa direksiyon ko.

Walang sumagot sa tanong ng prof. Napailing siya at hinila ang upuan niya sa likod ng mesa na nasa harapan.

"Get one whole sheet of yellow paper for attendance. Lagyan ng pirma sa tabi ng pangalan. Lahat ng nandito ngayon ay may additional points sa midterm exam."

May mga mahihinang pagdiriwang ng mga kaklase ang umabot sa pandinig ko. Kinalabit ko nang mabilis si Seth na iritadong tumingin sa akin.

"Ano ba? Fingerist ka na rin?"

"Absent ba talaga 'yong tatlo? Chat mo nga. Sayang 'yong points," bulong ko.

"Sulat na lang natin 'yong pangalan nila."

Hinampas ko 'yong kamay niya. "Sira ka ba? Alam mong naghe-head count 'yan si Ma'am kapag napansin niyang marami ang nakalista sa attendance sheet tapos kaunti lang tayong nandito."

Wala namang kaso sa akin ang ganoon dahil ilang beses na rin naman naming nagawa iyon noong high school pa lang. Pero ginagawa lang namin iyon kapag bilang lang talaga sa daliri ang absent at wala namang pinagagawa o tinamad pumasok ang teacher.

Napailing ako at mas lalong sumakit ang ulo. Nag-usap-usap ba ang mga kaklase naming pumunta kagabi sa CT na huwag pumasok ngayon? Alam ko namang may iba talagang pala-absent sa amin, pero grabe naman 'yong halos nasa kalahati na lang kami ngayon dito.

"Ma'am, may papasok pa raw po. Na-late lang po dahil sa heavy traffic" sabi ng class President namin.

"Bibigyan ko sila ng kalahating oras para pumasok. After thirty minutes, give me the list of attendees today and you are all dismissed."

Dahil nasa dulo ay kami ang huling dinaanan ng mahiwagang papel. Nilabas ko na rin ang sariling phone para ma-contact ang mga kaibigan sa gc namin.

"Papasok naman pala si Aaron. Nasa PNR na raw."

"Hindi nagre-reply 'yong dalawa," sabi ko at nilingon siya. "Nakauwi kaya ang dalawang 'yon nang buhay?"

Tumawa siya. "Siguro. Sigurado namang hinatid ni Mason si Steffy. Lasing na lasing ang gaga."

Tumaas ang kilay ko. "How about Mason? Baka naman lasing din 'yon, ah? Active 10 hours ago sila sa Messenger, e."

Tinubuan na naman ako ng panibagong kaba sa dibdib. Mabuti na lang at pareho akong may contact number ng dalawa kaya lumabas muna ako ng room. Naroon pa kasi sa loob si Ma'am at kahit naman marami na sa mga kaklase ko ang abala sa phone at maiingay, mas ayos nang walang makarinig sa akin.

Una kong sinubukang tawagan si Steffy pero out of coverage area. Nang si Mason naman ang tinawagan ko ay matagal bago niya pa sagutin iyon.

"Hello?"

"Hmm... sino 'to?" garalgal na boses ng babae ang nagsalita sa kabilang linya.

Natigilan ako at napatingin sa screen bago ibinalik iyon sa tapat ng tainga ko.

"Hello?" mas maliwanag na sambit ng babae.

Namilog ang mga mata ko at napatakip pa sa bibig gamit ang kamay.

"Steffy?"

"Ano? Wait... oh, shit..."

Bigla na lang namatay ang tawag. I tried redialing Mason's number but it was declined.

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon