Chapter 30

1.7K 80 52
                                    

Chapter 30

I'm willing to trade anything to go back to the time wherein I could choose between two options without thinking of the possible repercussions, whether I get to pick the better one or not. If I could go back to being a child, I would probably have fewer problems.

Because I realized that the older I get, the more risk I should take, and the more I think of the responsibility and consequences I have to shoulder after that.

Ang bigat pa rin sa dibdib sa tuwing sinusuway ko ang mga magulang para lang magawa o masunod ang gusto ko. Iniisip ko tuloy kung ano kaya ang nararamdaman nila sa tuwing hindi ko sila sinusunod? Kapag pinipilit ko ang gusto kahit ayaw nila dahil iniisip lang nila ang kapakanan namin?

Hindi ko alam kung bakit ba kailangang sumuway ng anak sa magulang... tulad ko. Maybe because that's what I'm good at? Because I know that they won't be too hard to punish me?

"I'm sorry, Izzy. A-alam kong... gusto mong manalo pero ako pa yata ang nagpabigat—"

Umiling ako at inangat ang kamay sa kanya para patigilin siya sa pagsasalita. Huminga ako nang malalim at pilit kinakalma ang sarili.

"Wala ako rito ngayon kung hindi rin dahil sa 'yo, Steffy. We both did our best since the very beginnng to represent our university. Sadyang..." I swallowed hard and wasn't able to finish my sentence.

At least we won the 1st place. That's my only consolation to myself and to everyone who supported and cheered for us silently. Alam ko namang sa college department namin, kami-kami lang ang nakakaalam ng tungkol sa kompetisyon na naganap.

Ikinulong ko ang kamay ni Steffy gamit ang dalawa kong kamay at ngumiti.

"Congratulations for us. I'm really glad that we are able to compete for ourselves... for our college department and university. Unang beses pa lang naman natin ito at 1st place naman tayo. Okay na 'yon. Masaya na ako roon."

Tiningnan niya ako na para bang naninimbang kung totoo bang masaya ako sa napanalunan namin. It is true, though. May iniisip lang din talaga ako at... kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ko kaya tingin niya siguro, dahil sa hindi kami ang nanalo ay malungkot ako.

The Top 3 winners both received trophies, individual certificates, and other prizes. Malamang na mas malaki ang trophy at mas marami ang prize ng champion. May inilaan ding certificate para sa unibersidad na tinanggap ng tatlong faculty member bilang kinatawan ng aming department na kasama namin dito sa venue.

Pagkatapos ng awarding at makipag-usap sa mga kasama naming professor at iba pang kalahok, nagpalit na rin kami ni Steffy ng damit. Miyerkules ngayon at kahit may pasok pa kami ng hapon, puwede namang hindi na muna um-attend dahil excused kami pareho.

Kaya naman lulan ng sasakyan ng pamilya ni Steffy na siya ring gamit namin papunta kanina sa venue, hinatid nila ako pauwi ng bahay. I was expecting that no one will be there since my parents are still at work while Raghnall's at the university.

"Tulungan na kitang dalhin 'to sa loob," Steffy offered, tinutukoy ang mga nakuha naming premyo na nasa isang malaking box.

Kinuha niya iyon mula sa kanyang driver na si Mang Ernesto nang mailabas nito mula sa compartment ng sasakyan. Hindi naman iyon kabigatan at kaya ko namang buhatin mag-isa pero nagpumilit pa rin si Steffy.

"Just open the gate, girl!"

Napailing ako at in-unlock na ang gate namin para makapasok. Hinintay ko siyang makapasok din muna nang tuluyan at nang tumabi na siya sa akin ay sabay na kaming naglakad pa patungo sa pintuan.

"Nabasa mo na ba ang gc natin kanina? Milestone daw tayo. Libre no'ng tatlo," nakangiting sinabi ni Steffy.

I clamped my lips. "Kailan?"

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon