Chapter 18

2.1K 109 114
                                    

Chapter 18

"Iginuhit kita kanina..." ani Axasiel at iniabot sa akin ang isang papel.

Katatapos lang naming ubusin ang pagkain at simot na simot ang lagayan sa kanya. Really, he didn't have to orally praise the product of our efforts because the look on his face when he tasted it was more than enough.

Ibinaba ko ang fruit shake na iniinom sa mesa at tinitigan ang gawa niya. Kasinglaki lang ng ID card ang bondpaper at naroon nga't nakaguhit ang mukha ko gamit lang ang ballpen. Parang papel na gustong mapunit ang labi ko habang nasa drawing ang tingin.

It's a head to waist simple sketch. Nakasuot ako ng chef's uniform at tall toque habang nakangiti ang labi at nakapikit ang isang mata. Naka-peace sign naman ang kaliwa kong kamay at sa kanan ay may hawak na spatula. Sa pinakababang kaliwa ay nakasulat ang 'Chef Isra.'

Ang cute ko naman dito. Feeling ko ay chef na chef na ang datingan ko.

Nilingon ko siya. His eyes were so attentive to me.

"Maganda."

"Maganda ka kasi," he replied silently.

Bumungisngis ako nang siya pa ang namula.

"Ilalagay ko 'to sa likod ng ID ko." At ipakikita ko sa mga kaibigan ko para ipagyabang. Ha!

"Sa susunod... hindi na lang 'yan basta drawing. Magiging totoo na." He smiled at me.

Natunaw ang puso ko sa sinabi at ngiti niya kaya sinuklian ko iyon ng mabilis na halik sa kanyang pisngi. Bahagyang nanlaki ang singkit niyang mata at nag-iwas ng tingin.

"Thank you, Axe."

Hinatid niya ako sa building namin habang hawak ko pa rin ang drawing at nakatitig lang doon. Naiwan ko kasi ang ID sa bag kaya hawak ko lang. Madalas niyang hawakan ang balikat ko para ilayo sa mga muntik ko nang matamaang estudyante dahil hindi ako nakatingin sa daan.

Tumigil siya sa paglalakad kaya ganoon din ang ginawa ko.

"I'll wait for you down here. Kunin mo po muna ang bag mo."

Kumunot lang ang noo ko sa kanya.

"Let's... exchange bags. Alam kong mabigat ang mga dala mo kaya itong sa akin po muna ang gamitin mo."

Tinusok ng dila ko ang kanang pisngi at napatingala, iniisip ang sinabi niya. Yumuko siya at minata ako habang tila nagpipigil ng ngiti. Pinindot niya ang pisngi kong nakausli dahil sa dila.

"I'll bring home your things with me. Kasya pa naman po siguro ang gamit ko sa bag mo. Iwan mo na lang ang mga gagamitin mo pa rito sa bag ko para hindi ka na mabigatan mamaya," he explained further as though he thought I still couldn't comprehend his suggestion.

His idea was so convenient for me. Habang ang mga kaklase ko ay halos kaladkarin ang mga gamit nila, ako naman ay patalon-talon pang naglalakad papunta sa oval kasabay sila.

"Lord, sana magka-jowa rin ako ng sobrang thoughtful. 'Yong makikipagpalit din sa akin ng bag, please, nang guminhawa naman kahit kaunti ang buhay ko," pagpaparinig ni Steffy.

Aaron laughed. "Oo tapos mas mabigat pa pala 'yong kanya. Pighati."

"Ano 'yan, magjo-jowa para may tagabuhat? E 'di sana nag-hire ka na lang ng bellboy para may tagadala ka ng gamit," si Mason sa mataray na tono.

"Tangek, itapon mo na lang kasi ang bag mo para wala ka ng dadalhing pabigat!" huling birada ni Seth.

"Leche! Alam niyo ba 'yong word na gentleman, ha? Gano'n kasi 'yon! Palibhasa hindi na nga kayo gentle, never pa kayong magiging man!"

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon