Chapter 15

2.2K 119 122
                                    

Chapter 15

I never thought that my name can sound more pleasing to the ears when it comes from Axasiel's mouth. Tinatawag lang kasi ako sa dalawang pangalan ko sa school para sa attendance o 'di kaya'y kapag pinagagalitan talaga nina Mama at Papa.

Parang sira, Izzy. Tinawag ka rin niya sa buong pangalan para sawayin dahil naka-panty't bra ka lang kanina, tapos natutuwa ka pa?

"Isra, nakikinig ka ba?"

"Ha?" My eyes set on my father who seemed agitated. "Opo."

"Anong opo!" Hinampas niya ang mesa kaya napapitlag ako.

Napalunok ako at napanguso. Nakayuko akong pinagmasdan ang mga kasama sa mesa. Bukod sa buo kong pamilya, nandito rin sina Axe at Wilder na hindi ko malaman kung bakit ba pumunta rito sa bahay.

"E-eh... Pa... opo kasi nakikinig ako?"

"Tinatanong kita kung tama bang lumabas ka ng kuwarto na walang damit habang may ibang tao! Lalaki pa! Tapos opo? Opo?"

His face was fuming red as he turned to my mother. Nakakunot naman ang noo ni Mama sa kanya.

"Nako naman, Saoirse, 'yang anak mo talaga, sakit sa ulo!"

I frowned. Biglang anak na lang ako ni Mama, gano'n?

"Pa, hindi ko naman po sinasadyang lumabas nang nakaganoon lang. Nawala sa isip ko na natulog akong walang damit. Hello? You know naman po na gano'n—"

Hinampas niya ulit ang mesa. "Huwag mo akong ma-hello-hello at hindi tayo magkausap sa telepono, Eleftheria Isra!"

Lalo akong napasimangot dahil nakita ko pa ang patagong pagtawa ni Wilder. Anong nakakatawa? Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito! Siya ang nagsumbong kay Papa na may ginagawa kami kunong kababalaghan kahit wala naman.

Isa pa, nakita na naman yata nila akong naka-swimsuit tuwing nag-o-outing. What's the difference if they see me in my undies in our house?

Ano 'yon, kapag nasa pool or beach, walang malisya kapag naka-two piece pero kapag sa bahay nakitang nakaganoon, meron?

Hindi naman ako nasisiraan para rumampa sa bahay ng naka-underwear lang, e. I'm not that insensitive to dismiss the fact that I'm not alone in this house, and it might cause a disturbance, which is happening right now if I do that.

Kaso nga, hindi ko naman napansin agad na wala akong suot bukod sa undies. Natutulog naman kasi talaga ako minsan na walang damit lalo na kapag lasing. Sanay na rin naman ako sa lamig dito sa bahay dahil madalas na sleeveless top at shorts naman ang gamit ko.

"Third, ano ka ba naman? Kung pagagalitan mo si Izzy, paalisin mo muna ang dalawang 'to," tukoy ni Mama kina Axe at Wilder.

Umamba namang tatayo na si Axe nang ituro siya ni Papa. Tinakasan naman ng kulay ang mukha ng nauna.

"Diyan ka lang! Isa ka pa, e. Ano bang ginagawa mo rito sa bahay? Noong nakaraang gabi, magkasama kayo nitong anak ko. Hinatid mo? Bakit mo hinatid, ha?" naghahamong tanong ni Papa.

"Manliligaw po ako, Tito Vince..." His tongue ran over his lips as he transferred his somber eyes on me. "Kay Izzy..."

I closed my mouth, pressing the tongue against my cheek. Gusto kong ngumisi pero sa eksaheradang paghampas ni Papa sa kanyang noo at napahawak pa sa dibdib ay hindi ko ginawa.

Marahas naman ang paglingon ni Mama kay Axasiel na bahagyang nakaparte ang labi.

Izzy, huh? Wala nang 'ate'?

Ah, parang gusto ko tuloy siyang tabihan bigla at hawakan ang pisngi niya. That small cut on his lip and the bruise on the side makes me want to treat him... very well.

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon