Chapter 4

2.8K 167 130
                                    

Chapter 4

Bumaba ang mata niya sa labi ko. My lips gave way to him when he held the stick of my candy to withdrew it carefully out of my mouth. Halos mawala ang mata niya nang ngumiti.

"Stick na lang po ito kanina pa," he pointed out and stepped backward.

Napakurap ako at suminghap nang marahas. I didn't notice that I was holding my breath. Lalo nang hindi ko napansin na stick na lang pala ang sinisipsip ko.

Sabog ka ba, self? Nginatngat mo 'yong candy kanina, 'di ba?

He captured his lower lip with his teeth and stared at me. "Galit ka pa po ba?"

"H-ha?" Napailing ako sa pagkautal. "Ano... hindi naman ako galit sa 'yo, Axe..."

At hindi ko naman yata kayang magalit sa kanya. Like... just how?

"I thought you were mad." He ran his tongue over his lips. "I'm glad you are not."

Hindi ko inaasahan na ako pa yata ang nakaramdam ng pagkailang sa kanya. Mabuti na lang at naalala ko ang dala kaya naman itinaas ko na iyon para maipakita sa kanya.

His expression didn't change when he saw it.

"Para sa 'yo ang mga ito. Inutusan ako ni Ral na bumili ng cake at mukhang surprise yata pero dahil nakita mo na, hindi na surprise. But we should not disappoint them. Kaya ganito, mauuna na lang ako sa room niyo tapos ilang minuto pagkaalis ko, saka ka darating. Siyempre, masu-surprise ka kunwari kahit hindi. Wala kang choice kung hindi ang sumunod sa script ko, okay?"

His lips compressed as though he was smothering a chuckle.

"Okay."

"And..." Ngumuso ako at sinipa-sipa ang semento, hindi na makatingin sa kanya. "Happy birthday."

"Salamat... Ate Izzy."

Masunuring bata nga si Axe dahil sinunod niya ang sinabi ko. Wala namang sinabi si Ral nang ibigay ko sa kanya ang binili ko bago ako lumabas. Pinaalala ko lang na kailangan niya akong bayaran para sa cake dahil may mga gastusin pa ako.

I was all alone in our house so I went to Ral's room and opened his PC. Sanay naman siyang nakikigamit ako nito kahit hindi nagpapaalam basta't hindi ko pinakikialaman ang ibang gamit niya.

Nakaisang oras pa lang yata ako sa paglalaro ng REV nang i-check ko ang phone. Sumabog pa ang notifs ko sa messages ng mga kaibigang nagyayayang pumunta sa Milestone, isang bar na pagmamay-ari ng kakilala ni Mama.

I decided to text my parents and tell them I'd be out for a few hours. Unang nag-reply si Mama.

Mama:

No. You still have exams tomorrow. Bukas na lang, Izzy. Mag-review ka na lang sa bahay. If you're hungry, check the fridge or our stocks.

Papa:

Sorry nak, pa-reply pa lang sana ako, nauna nang tumawag si Isha para sabihing kapag pumayag ako, palalayasin niya tayo pareho.

I groaned. Nagtipa ako ng reply kay Mama.

Izzy:

ma, please? hanggang 8 pm lang po. promise, I won't drink alcoholic bev. u can tell Tito Marco not to give me any. kain, chika at sayaw lang po ako and I'll review right after I go home. I PROMISE CROSS MY HEART I LOVE YOU, MAMA. *finger heart*

Medyo matagal bago nag-reply si Mama. Napatayo ako sa kama at napasigaw pa nang mabasa ang text niya.

Mama:

Fine. No alcoholic drinks and you'll review right after you go home. Ipasusundo kita kay Ral bago mag-alas otso.

"Thank you, Mama!" sigaw ko sa phone at hinalikan pa 'yon kahit pa napakaraming bacteria ang nandoon.

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon