Kabanata 1

1.2K 36 3
                                    

I rolled my eyes when I heard Bench. He was, again, reminding me to inform Dad I'm leaving. Madalas kase ay siya ang nagpapaalam pero ngayong may sinat siya, hindi makakapasok, eto siya at inuudyok ako. For what, anyway?

"Claui." he throwed me a sharp look like he's throwing me dagger through it

'Be respectful. He is still our father. Your father.' Ganyan lage ang linya ni Bench. Nakakarindi.

Umismid ako at umalis na sa kuwarto niya. Kahit labag sa loob ko, tumulak ako sa opisina ng aming ama para magpaalam. Bitterness crept in me when I saw him, like the usual.

"Alis na po ako." I said in a monotone

Tumayo siya at agad akong dinaluhan. Hindi ko sinuklian ang ngiti niya. I am not plastic. Alam niya 'yun so he can't expect me to smile back. It wouldn't even matter anyway. Baka wala rin naman siyang pakialam.

After all, he is just making up for all the mistakes he's done. He is just treating me nice because, again, he's trying to prove that he's changed. When the truth is, he hasn't.

"Ayos na ba ang pakiramdam ng kapatid mo?" malumanay niyang tanong

Bench would be here with me right now if he is. And I wouldn't be here talking to you if that's the case.

"Hindi pa po." I answered briefly, anticipating the end of this conversation

I heard him sigh. 

"Patitingnan ko siya sa doktor ngayon, kung ganun. O sya, mag-ingat ka anak ah?"

My throat ran dry when I felt him kissing my forehead. 

Huwag lulunok. Tingin sa malayo. Huwag kukurap at higit sa lahat huwag ngingiti. That's what I do everytime I face him. Everytime he's like this. Na-master ko na ang gagawin kaya hindi na ako nahirapang magpanggap na hindi apektado.

Yes, I admit, I am still affected. Hindi naman na siguro mawawala 'yun. My blood came from him. Technically, ang dugong dumadaloy sa katawan ko ay ang dugo niya. Kaya dapat lang na makaramdam ako ng ganito. This is very normal.

Dala ko ang bigat pagpasok sa skwela. Mabuti nalang at kahit papaano, kahit hindi ako friendly, may kaibigan parin naman ako. Sina Hannah at Josh. Napapawi nila ang sama ng loob ko. This may sound corny and probably something I wouldn't tell them, but, they're my happy pill.

The bell rang. The class ended. 

"Cafeteria?" alok ni Hannah

Agad akong tumango. This is what we usually do after class. Eat and then roam around the campus. Iyon nga lang, hindi na ako magtatagal ngayon dahil nag-aalala ako kay Bench.

"Saglit lang Han. I want to check Bench already."

Tumango siya, naiintindihan ako. We're just in 7th grade kaya hindi kami madalas lumalabas ng campus para gumala sa mga malls or sa kung saan. May kanya-kanya pa kaseng driver. Oh well, okay lang naman talaga ako kase pinapayagan naman. Si Hannah 'yung medyo pinaghihigpitan.

"Si Josh?" Han asked

"Nagba-basketball na naman siguro." 

Napagkasunduan naming panoorin saglit si Josh maglaro sa court. Pagkatapos kumain.

Like the usual, a lot of our schoolmates greeted Hannah while we're on our way to the cafeteria. She's very friendly and sociable. The opposite of me. Ayoko talagang makisalamuha sa hindi ko naman ka-close. I would just end up being plastic, which I hate so much. That's why I think it's better this way. I don't care about the numbers anyway, I care about the quality.

Hannah and I were eating and talking random stuffs when I noticed something. Someone, particularly. Ramdam ko ang paninitig ng isang lalaki sa'kin, even through my peripheral vision. 

Binalewala ko iyon. Kaya lang, napansin rin pala ni Hannah.

"The handsome guy is crushing on you. Kanina pa nakatitig." ngisi niya

Nasa kabilang table lang kaya hindi mahirap mapansin. And I'm pretty sure, napansin rin 'yun ng iba. Wala nga lang silang pakialam.

"I don't care." 

Han chuckled. Panay ang sulyap niya sa kabilang mesa. Ako naman ay pinanatili ang tingin sa harap. 

"He's cute Clau." 

I shifted my vision to glare at her. Hindi siya natinag. Mas nanukso pa.

"Why don't you look at him too? Hindi kumukurap oh!"

Umismid lang ako. Pakialam ko naman sa lalaking 'yan.

"You know him?"

"Uh, hindi eh. Maybe a transferee? Look at him na kase. Papasa sa standards mo." she even had the guts to wink 

Para matigil si Hannah ay nilingon ko nga ang lalaki. I saw how shock registered in his face when I stared back. Mukhang hindi inaasahang lilingon ako. Kumurap-kurap siya. He bit his lower lip and looked away. Inangat ko ang aking kilay. Wala pala eh.

"Yieee. The guy blushed. Ohmygosh, may gusto nga sa'yo Clau." hagikhik ni Hannah

Natawa nalang ako at hinayaan si Hannah. Makalipas ang ilang minuto, nagdesisyon akong umuwi na. 

"Okay. Daan muna tayo kay Wawa." 

Tumango ako. I am already wearing my backpack. I raised my hand to reach for my own hair. Sinikop ko iyon at itinali. Bago umalis, niligpit muna namin ni Hannah ang aming kalat. While we were picking up the wrappers of the food we ate, I heard a click and saw a sudden flash.

Nanlaki ng bahagya ang mata ko at agad na tumigil. I directed my gaze at the guy on the other table. Nakita ko siyang nagkukumahog na itago ang kanyang cellphone. My eyes widened when I realized what he just did.

He shamelessly took a picture of me! 

"What's wrong?" tanong ni Hannah nang mapansin ako

Tiniim ko ang aking labi at agad na nagmartsa patungo sa lalaki. Nakita ko pa siyang lumunok. He looked freaking guilty! Coz why the hell would he take a picture of me, right? Para saan?!

Napatayo siya at hindi inurungan ang titig ko. I can feel the gaze of the people around but I didn't mind. Hindi ko alam pero inis na inis ako sa ginawa niya.

"What did you just do?" nagtitimpi kong tanong

His thin red lips parted. 

"Clau, come on hayaan mo na..." hinila ako ni Hannah

Pinalis ko ang kamay niya at mas kalmadong hinarap ang lalaki. He seemed so lost, not knowing what to say. 

"Gonzaga, pasensya na. Crush ka kase-"

"Shut up. I'm not asking you." pambabara ko sa kaibigan niya

I realized this guy might be of Josh's age. Matangkad. Mukhang mas matanda pa sa'kin. Namumukhaan ko rin kase ang mga kasama niya. Grade 9.

"S-Sorry." 

I pressed my lips and rolled my eyes. At talagang hindi niya itinanggi, huh. Goodness, this boy is creepy! 

"I'll delete it right now. I'm really sorry." 

Inangat ko ang aking kilay at ipinagkrus ang braso. Does he like me? Is he crushing on me? Why else would he take a picture? It's ridiculous to think it's for a project or something.

"Bakit mo ginawa 'yun?" masungit kong tanong

Yumuko siya. Kinagat ang pang-ibabang labi. Bumulong-bulong pa siya pero rinig na rinig ko naman.

"Ang ganda mo kase." 

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon