Kabanata 40

1K 36 13
                                    

"Really?! Ohmygosh, Claui! I'm so so so happy for you! Ohmygod!" Hannah shrieked.

Tumawa ako at sumandal sa backrest ng aking swivel chair habang nakatitig sa screen ng aking cellphone. 

While reviewing a presentation, I facetimed Hannah to let her know that Vince and I met. Sinabi ko rin sa kanya na nililigawan na ako ni Vincent kaya heto siya at kulang nalang mapaos sa kakatili. I just hope Khalil's not in their room or he'd freak out. 

"Nagpunta siya sa bahay kahapon. Nag-usap sila ni Bench at Daddy,"

Sa mukha niya nakafocus ang camera kaya nakita ko kung papaano nanlaki ang kanyang mata at kumislap. Naging shaky ang paghawak niya nang takpan niya ng palad ang kanyang bibig at saka pumikit at tumili.

"Ohmygod... girl... I really like him for you! He's such a gentleman! You deserve him so much! Gosh, finally it's happening! Tagtuyot season is over for you my friend!"

"Baliw," 

Nagtawanan kami. Natigilan lang nang sumingit ang inaanak ko. Ang apat na taong gulang na anak nina Hannah at Khalil.

"Why are you screaming, Mommy? Are you okay?" si Keila.

Hannah relaxed and adjusted her camera. Nakita kong kinandong niya ang anak kaya nakita ito sa screen. Keila is wearing her Gucci longsleeves.

"I'm okay baby. I'm talking to Ninang. There she is. Say hello!" 

Ngumiti ako at kumaway sa camera. Kumaway din naman si Keila na cute na cute sa kanyang naka-pigtail na buhok. 

"Hello Ninang Claui!"

"Hi baby! How are you? You look so cute!"

Ang gandang bata ni Keila. Hugis puso ang mukha. Light brown ang buhok. Matangos ang ilong. Mapula ang labi. Sobrang puti at sobrang kinis ng balat. Paano ba naman kase, parehong mestizo at mestiza ang mga magulang. The genes of Hannah and Khalil were a perfect match. Their daughter literally looked like a walking perfection!

Kung nasa malapit lang talaga ang bahay nila, hihiramin ko araw-araw itong si Keila. 

"I'm okay, Ninang. How about you, po?" she asked using her very soft voice.

"Oh, your Ninang is very happy right now, baby." si Hannah ang sumagot para sa'kin.

Nagkibit-balikat lang ako kase totoo naman. I am really happy right now. 

"Pupunta kami ng mag-ama ko sa bahay niyo, Clau! Bukas na bukas! Let Vince meet us!"

"Sa weekend nalang. Huwag namang agad-agad-"

"Hey, anong agad-agad?! Clau we've been waiting for this moment to come for years now! Kung tutuosin, sobrang late na!"

Dahil alam kong seseryosohin ni Hannah ang sinabi niya, maaga kong tinapos ang trabaho para makapunta sa mall at makabili ng pwedeng ibigay na regalo kay Keila. Bibili narin ako ng mabibigay ko kay Scott.

"Ilang taon na ang bata?" tanong ni Vince.

Nagpasama ako sa kanya sa mall. Mabuti at pumayag naman. Nagbigay pa nga ng panibagong bouquet, pink roses naman. The bouquet of flowers Vince gave me is in his car right now. Nagpasundo ako sa kanya kanina dahil gusto kong isang sasakyan lang ang gamit namin. Good thing, that's how he like it as well.

"Four," 

Tumango siya at tumingin-tingin sa mga shops sa paligid. I took that as an advantage to take a full look at his outfit. He's wearing a charcoal dress shirt, gray pants and leather shoes. He looked formal cuz he just came from a meeting. Akala ko nga ay hindi siya makakasama dahil sa pagkakaalam ko, medyo hectic ang schedule niya. So sweet of him to make time for me, huh?

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon