Kabanata 26

551 36 2
                                    

AA/N: Just wrote this to check up on you. So... how are you? Hope you're doing just fine. If not, then please know that it's okay not to be okay. Okay? And even if you are the only one reading this, know that your effort to read this chapter (and all the other chapters)... is already more than enough to inspire me to keep writing... so thank you <333

~~~

"Umuwi na tayo." ani Vince, wala pa ngang dalawang minuto ang lumilipas.

"Ang bilis naman?! Gusto ko pa ngang sumayaw!"

Tiningnan niya ako ng masama at kinalas ang kamay kong nasa balikat niya. Kamuntikan akong matumba dahil sa biglaan niyang pagbitaw. 

"Kailangan mo nang magpahinga," tunog nagtitimpi siya.

"Bahala ka! Babalik ako!" 

Who the hell is he to demand what I should and I should not do? Nakikitira ako sa bahay niya, oo, pero hindi niya ako pag-aari! That demanding prick!

Pagewang-gewang akong naglakad pabalik sa kung saan kami nanggaling. Kaya lang, isang malaking epal talaga itong si Vince at hinawakan na naman ako sa braso. 

"Ano ba? Ang tigas ng ulo mo!" tumaas ang boses niya.

Binunggo ko gamit ng kamao ang kanyang dibdib. He held my waist to put me in place. Natigilan ako saglit nang umikot na naman ang paningin ko. Naramdaman ko namang hinihila niya pababa ang skirt ko.

"Ano ba?!" singhal ko.

"Ibinababa ko dahil konti nalang makikitaan ka na ng kaluluwa!" inis niyang sagot.

Wala akong nagawa kundi hayaan siya. Napakapit pa ako sa kanyang braso dahil nahihilo talaga ako.

"Can you fix your top? Your boobs are almost showing!" 

"Edi huwag mong tignan!" pambabara ko.

I heard him groan in frustration before doing what he's asking me to do. Naramdaman ko ang pag-ayos niya sa aking top. Ingat na ingat siya na para bang ayaw niyang padaplisin man lang ang daliri sa aking dibdib. 

"Mamimili na nga lang ng damit, etong kulang pa talaga sa tela..." bulong-bulong niya.

Nag-init lalo ang ulo ko.

"What do you want me to wear, then? Fucking jeans and fucking sweater? In a fucking party?"

"Claudine! Tumigil ka nga sa pagmagmura!"

"Why? Hindi na ba pwedeng magmura ngayon-"

"Babae ka. Hindi magandang pakinggan."

"Pati ba naman sa pagmumura, may inequality? Ano 'to? Lalaki lang puwede? Argh! You're annoying!"

"You're a brat." ganti niya.

Umawang ang labi ko at akmang hahampasin na naman siya sa dibdib nang hulihin niya ang aking palapulsuhan at ipinatong uli sa kanyang balikat. Pinagsiklop niya ang aming mga kamay, gaya ng ginawa niya kanina. 

"Hindi ikaw ang gusto kong kasayaw, no!" 

Dumilim ang titig niya sa'kin. Umigting pa ang kanyang panga. 

"Sino, kung ganun? Si Marlon? May asawa na iyong tao." malamig niyang tugon.

He even moved his hips, making me move my hips as well. Tuloy ay para kaming tangang sumasayaw sa ilalim ng buwan, sa harap ng karagatan, habang nagbabangayan.

"Who's Marlon?" mas kalmado kong tanong.

Pairap siyang nag-iwas ng tingin at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. 

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon