Kabanata 15

576 32 10
                                    

Tulala akong naupo sa buhangin. I stretched my legs and rested it on the sand. Itinukod ko ang aking kamay sa magkabilang gilid. 

Tuluyan nang lumubog ang araw kaya wala nang bakas ng liwanag. Ang hampas naman ng alon ay naging mas mahina. Naging mas malamig ang hanging mula sa karagatan.

Bukod sa hampas ng alon, rinig ko mula sa aking kinaroroonan ang halakhak ng mga taong napapadaan. Ang hagikhik ng masasayang bata. Hindi ako nahawa. Hindi ako nakarelate. Ang totoo, lalo lang akong kinain ng kalungkutan.

Sana pala hindi nalang ako nagpunta pa rito. Sana nagkulong nalang ako sa kuwarto ko. At least doon, heartbreak lang ang poproblemahin ko. E, dito? Ni hindi ko na iyon maatupag dahil sa pamomroblema ng makakain. Ng matutuluyan.

"Fuck this life." tuluyang tumulo ang aking luha.

Ano ba ang nagawa ko para parusahan ng ganito? Hindi pa ba sapat iyong natamo kong sakit sa panloloko ni Blue sa'kin? Para saan ba ang paghihirap na ito? 

Durog na nga ako, oh. Ano pa ang kulang? Dapat ba iyong pinong-pino? Tangina naman.

"Dzai!" may biglang sumigaw.

Napaigtad ako dahil malakas iyon. Inis kong pinagbalingan ang babae. I saw her standing beside me now. Hindi ko na siya masyadong maaninag dahil madilim na nga. 

Nakompirma kong ako nga iyong kinausap niya nang umupo siya sa tabi ko. Pinalis ko ang aking luha at nag-iwas ng tingin. 

"Naunsa ka? Okay ra ka?" sunod-sunod niyang tanong.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman siya naintindihan. 

"Bisaya ka?"

Tipid akong umiling. 

"Oh, that's why. Uh, ayos ka lang ba?" now I can finally understand her.

"Hindi. Obvious naman siguro." malamig kong tugon.

Natigilan siya. 

"Ah... hahaha oo nga. Umiiyak ka eh. Hehe." 

I heaved a sigh as I moved my butt a bit to distance myself from the girl. 

"Suplada gyud diay." rinig kong bulong-bulong niya sa sarili "Uh, sige. Una na ako ah?" 

Akmang tatayo na siya at iiwan ako nang higitin ko ang kanyang braso. Hindi ko na pinanood ang reaksyon niyang sa hula ko'y gulat. Humugot ulit ako ng malalim na hininga. 

Sa sitwasyon kong 'to, hindi ako puwedeng sumuko at lalong hindi ko dapat pairalin ang pagiging bitchessa. I need a companion. Kailangan ko ng taong magsasalba sa'kin sa kamalasang 'to. 

Calm your nerves down, Claudine and be nice.

"Samahan mo muna ako rito." mahinahon kong sinabi bago bitawan ang braso niya.

Rinig ko ang madrama niyang pagsinghap. 

"Sure! Ako nga pala si Esmeralda. Esme for short." she sounded happy.

Nilingon ko ang babae at nang makitang naglahad siya ng kamay ay tinanggap ko na.

"Claudine."

"Dindin for short?" siya na ang nagdugtong.

Kumunot ang noo ko sa ibinigay niyang palayaw sa'kin.

"Short ba 'yun?" 

"Ah hahaha oo nga. Dapat pala Dindin for long?"

She's spitting nonsense but I can't help it. Natawa ako sa sinabi niya. At parang magic na napagaan niya ang loob ko.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon