Kabanata 22

550 25 3
                                    

Vince, being true to his words, joined me and Esmeralda for breakfast. Hindi na nga siya umalis ng sobrang aga. Siya pa ang nagluto.

"Where are you going lately, Esme?" he casually asked.

Tahimik lang akong ngumunguya. Ayoko talagang mag-rice dahil hindi ako sanay pero ayoko narin namang makipag-away kay Vince. Mabuti nalang at hindi siya umangal na maliit lang ang kinuha ko.

Esme, on the other hand, looked tensed and guilty. Hindi niya gaanong matitigan ang kuya niya.

"Dito lang naman sa isla, kuya. I mean, where else would I be, right?"

Tinusok ko ang hotdog sa harapan at mahina iyong nginuya. I can feel the tension building up between the two. 

"Huwag mo akong pilosopohin. Hindi mo kasama si Claudine sa tuwing aalis ka at gagala. Sino ang kasama mo? Do you have a boyfriend already?" Vince looked calm. Hindi ko lang alam kung galit na siya o ano. 

But wait, he called me Claudine? He know my name! And he can clearly say it. Bakit ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko? Oh yeah. Nevermind. They're talking about something way more important.

"W-Wala po,"

Nilingon ako ni Esme na tila nagpapatulong siya sa'kin. What? What should I say? 

"Don't look at her. You're making it obvious that you're lying." malamig na sinabi ni Vince.

I swallowed the rice stuck on my throat before drinking water. Pakiramdam ko kailangan ko nang umalis dito at hayaan silang dalawang mag-usap.

"Wala akong boyfriend, ya. Manliligaw pa lang naman." Esme was nervous.

Halos masapo ko ang aking noo sa pagsisinungaling niya. It wasn't a great opportunity to confess her relationship with Richard but still, it was an opportunity! Sa tingin ko mas makakabuti kung umamin nalang siya. 

Dineny pa nga.

Umangat ang kilay ni Vince na kanina pa nahinto sa pagkain. Isinandal niya ang likuran sa silya at matamang tinitigan ang kapatid, tila naninimbang kung nagsisinungaling o hindi. 

Nag-iwas ako ng tingin dahil maging ako ay hindi matagalan ang intensidad ng kanyang mga mata. Paano pa kaya etong si Esme! Now I can't blame her. I understand. Vince looked seriously stiff and strict! The heck.

"Sino?"

Lalong na-hotseat si Esme sa tanong ng kuya niya. Halatang ayaw niyang sabihin pero wala na siyang choice.

"Si R-Richard, ya."

Umalon ang adam's apple ni Vince at saglit na tinitigan ng mabuti ang kapatid. 

"Apo ni Lola Asyon?" 

I saw Esmeralda nodding like a kitten.

"Alam ba ni Lola?" 

Rinig ko ang malalim na buntonghininga ng babae.

"Ipapaalam pa lang po."

Nag-iwas ng tingin si Vince at napapikit saglit. Napahilot pa siya sa kanyang sentido na tila stress na stress. Wow. Hindi halatang umaangal siya, ah.

"Umakyat sana siya ng ligaw dito at kinausap ako. O kahit kay Lola man lang, ipinaalam niya." 

I shot a brow. Umakyat ng ligaw? Vince is really old, huh.

"That's too quaint, Vince." hindi ko napigilang sumabat.

Now I can feel his gaze directed to me. Napayuko naman ako at napakagat labi.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon