Kabanata 8

497 30 2
                                    

One fine fourteenth day of February, four months later, Blue and I officially became couple. I can clearly remember it. Sinagot ko siya matapos naming magpakasal sa marriage booth. At first I thought it was very stupid to attend that fake ceremony, but it turned out to be one of the most memorable events in my life. 

Mag-iisang taon narin pala kaming mag-on. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala. Who would have thought we would actually celebrate our first anniversary a few weeks from now? Ang tagal narin. At gusto kong magtagal pa.

"Tanggap na ni Daddy." sabi ni Bench sa'kin, dalawang araw bago ang birthday ko

Ipinagpatuloy ko ang pagtitingin ng sapatos sa isang sikat at lehitimong shopping application. Hindi ko tinapunan ng tingin si Bench.

"I don't care about his opinion, anyway."

"Oo nga. Share ko nga lang, Claui." he sarcastically answered

Hindi naman siguro kami magtatagal ng halos isang taon ni Blue kung may pakialam ako sa opinyon ni Dad. Oh well, I actually find it nice that he disapproves of it. Mas lalo akong ginaganahan. At least man lang ay maibalik ko sa kanya ang sakit ng ulo na ibinibigay niya sa'kin.

"Tapos ka na ba magsukat ng gown?" 

"Hindi pa."

"Ano?! Baka hindi magkasya sa'yo, eh ilang araw nalang-"

"Magsusukat ako maya-maya. Chill, Bench."

Ayoko talaga sana ng extravagant na celebration dahil hindi ko pa naman debut pero mapilit etong si Bench. Hindi raw kase ako gaanong nakapag-celebrate ng maayos noong 13th birthday ko.  

He organized everything for me. Sa murang edad ay maalam na siya sa ganito at mahilig siya sa mga bonggang pagtitipon. 

"Sige sasamahan kita ah."

"No thanks. I'm with my boyfriend." 

"Wow, ah! Yabang. Eh di ikaw na may boyfriend." umirap siya

Tumawa ako at inalis muna ang tingin sa iPad para tignan siya. He looked bitter. Si Bench ay naging ampalaya bigla.

"Ikaw ba? Wala?"

His eyes widened. Hindi ko alam kung para saan ang pamumutla niya.

"Ano akala mo sa'kin, bakla?!" hindi ko maipinta ang mukha niya

"Huh? Wala naman akong sinabing bakla ka ah! Ang tanong ko, wala ka bang girlfriend? Matic na kase 'yun. Lalaki ka eh!"

"Linawin mo kase." sumimangot siya

Kumunot ang noo ko.

"You look defensive, Bench." panunukso ko

He eyed me sharply.

"So you're really implying that I'm a-"

"Joke lang naman. Pikon ka masyado," umiling ako at ngumisi sa sarili

Ibinalik ko ang mata sa mga sapatos. Which one would suit him kaya 'no?

"Ano 'yan? Para kay Blue?" 

Dumungaw si Bench sa pinagkakaabalahan ko.

"Yup. First year anniversary gift ko." 

Umasim ang mukha niya.

"Ang mahal naman niyan, Claui!"

Inagaw niya ang iPad ko at tinitigang mabuti ang pinagpipiliang sapatos. 

"That's okay-"

"That's okay? Bakit? Ikaw magbabayad? Pera mo?" 

Ngumuso ako at inagaw pabalik ang iPad ko.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon